Chapter 5

144 11 2
                                    

Chapter 5: Partner

"Hayaan mo lang na hawakan ko ang mga kamay mo." sambit niya habang tinuturuan niya ako sa sayaw.

"Ang hirap."

"Sabayan mo lang ako. Hindi naman mahirap yun. Nandito naman ako. Sundan mo lang ako."

Nakatuon lang ang aking paningin sa baba. Wtf. Kung hindi lang to kailangan hindi ko na ginawa. Sa dami ng pwede kong maging partner bakit siya pa?

"Ihakbang mo paa mo Lov.. Trixx"

"Pwede bang break muna? Nahihilo kasi ako e"

"Okay sige"

Tinanggal ko na agad sa pagkakakapit ang aking kamay mula sa kamay niya. Umupo na ako sa bleacher at uminom ng tubig. Maya maya pa ay tumabi na rin ito sa akin.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago no?"

Nakatingin lang ako sa malayo.

"Ganun ka pa rin kakulit gaya ng dati. Masaya ako kasi naririnig ko na muli yung mga pagtawa mo tsaka yung boses mo." narinig ko ang paghinga nya ng malalim.

"Namiss kita Trixx."

Unti-unti ko naman siyang hinarap.

"Bakit mo ako namiss?"

"Kasi mahal kita"

Wtf. Lakas ng tama ni Del Valle.
Miss niya lang akong lokohin.

Nilingon ko ang magkabilang bahagi ng coveredcourt at nahagip ng aking paningin si Marco. Nakatingin lang siya samin at wala man lang emosyon na makikita sa kanyang muka. Ano kayang iniisip nya ngayon?

"Trixx?" Sambit ni Basti. Kanina pa pala ako nakatulala. Haysss. Ang awkward naman nito.

"Ow?"

"Nanliligaw na ba sa'yo si Marco?"

"Hi...." hindi ko na naituloy ang sasabihin kong ng si Marco na ang sumagot. Shit. Ang bilis naman niyang makalapit samin.

"Oo nililigawan ko na siya. " he answered and he quickly smirked.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng muka ni Basti ng marinig ang mga katagang sinambit ni Marco. Hindi agad ito nakapagsalita.

Maya maya pa ay hinila na ako  ni Marco. Bago pa kami makalayo ay nilingon ko munang muli si Basti. Hindi ko alam kung bakit biglang nagsikip ang dibdib ko. Nakatingin lang siya samin na parang may malalim na iniisip.

"Kapag may nagtanong muli sayo na kung nililigawan kita , isagot mo Oo"

"Nanliligaw ka ba talaga?"

"Oo Trixx. Nanliligaw ako sayo. Ayokong makitang sobrang lapit niyo ni Basti sa isa't isa kasi nagseselos ako kahit hindi dapat. Pero tangina. Kahit hindi tayo gusto ko ako lang."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Kaya mas pinili ko na lang ang tumahimik na lang muna. Siya na lang muna ang magsalita. Kasi kahit gusto kong sumagot wala namang lumalabas sa bibig ko.

"Pwede bang hayaan mong iparamdam ko sayo ang pagmamahal ko Trixx? Hayaan mo akong mahalin ka. Bigyan mo lang ako ng chance."

---------

Buong gabi nasa isip ko pa rin yung mga sinabi ni Basti at Marco. Pinapagulo nila ang utak ko kaya natanghali ako ng gising.

Mabuti na lang at walang pasok ngayon kasi Sabado.

"Anak may bisita ka."

Wutttt?! Bisita ? Sino?!

Dali-dali akong naligo at nagbihis . Konting pulbos at cologne at hagod ng suklay at bumaba agad ako ng hagdan.

Watdapakkk?! Anong ginagawa niya rito?

"Basti?" Napalingon siya sakin at ngumiti.

"Goodmorning Trixx."

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Diba sabi mo pumunta na lang ako dito para magpraktis tayo ulit?"

Aiishhhhh oo nga pala. Nakalimutan ko. HUWATTTTTT?!!!!! SINABI KO YUN?? WTF. Erase erase. Hayaan na . Nangyari na.

"Kumain ka na ba? Tara kain tayo." Owshett ang mag-ex naguusap. Wtf. Ayaw ni Marco na nagkakasama kami.

"Oo e nakakain na ako. Salamat."

"Kain ka ulit."

"Nako wag na."

"Okay. Ahmm, pwede bang magintay ka muna diyan kain lang ako? Tapos practice na tayo. Okay lang?"

"Oo naman. Handa akong maghintay sayo."

Wtf. Parang feeling ko double meaning yon. Aisshhhh . Erase. Erase.

-------------------------

Marco's POV

"Ayusin mo naman Marco. Kanina ka pang parang walang gana maglaro. Sana hindi ka na lang nagpractice kung ganyan." sigaw sakin ni coach. Napabuntong hininga na lang ako. Tangina.

"Bakit ba kasi ang tamlay tamlay mo ngayon?" sabi ni Josh.

"Hindi ko alam."

"Bumalik na nga pala yung Ex ni Beatrix. Ano nga palang pangalan nun?" Hindi ko alam kung bakit kumulo bigla ang dugo ko sa mga sinabi niya.

"Wag mo nang alamin. Gago yun."

-------------

Beatrix's POV

"Salamat sa time Sebastian. Ingat ka."
At unti unti na siyang lumakad papalayo.

Tinitigan ko lang ang mga likod niya ng bigla siyang humarap.

"Mahal kita. Sana hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa." Yung mga mata niyang nagsusumamo. Shit. Ayoko na .

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon