Chapter 2
"Beatrixxx!" Tinig na narinig ko mula sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
Tumakbo siya papalapit sa aking kinatatayuan. Natatawa ako dahil sa naging ekspresiyon niya."Huy! Hindi ka man lang ba masaya na nakita mo na ulit ako? " tanong niya ng may pagsusumamo.
"Syempre naman , hindi." Nakangisi kong sagot. Kumunot ang kanyang noo. "Ano ka ba, oo naman masaya ako!" Pagbabago ko sa sagot ko.
Lumawak ang kanyang ngiti at niyakap niya ako ng mahigpit. Namiss ko talaga ang baliw na to.
"May goodnews ako sayo!" Aniya.
"Ano?!"
"Dito na ulit kami titira at dito na ulit ako magaaral!!" Napatitig muna ako kay Cassie bago ako nagsalita muli.
"Edi balik sa dating gawi?" Nakangisi kong tanong.
"Oo naman. Hahahahahhahhaha! Magkasama na ulit tayoooo Trixx. " masayang sambit niya.
"Hi Baby!" Itinuon ko ang aking paningin kay Marco. Nakita ko ang kanyang matatamis na mga ngiti at mapupungay nyang mga mata.
Binalingan ko naman ng tingin si Cassie at kita ko sa ekpresyon ng kanyang muka ang pagkagulat na wari'y nakakita ng multo. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na agad ako ni Cassie.
"Boyfriend ka ni Trixx?" May pag aalinlangan sa kanyang tanong. Lumawak pa lalo ang mga ngiti ni Maniego.
"Hin...." hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil sinagot naman agad ito ni Marco. Letse.
"Hindi niya pa ako boyfriend. Pero darating din kami dun. Diba baby?"
"Ewan ko sayo. Bwiset ka."
Hinila ko na palayo si Cassie dahil baka kung ano pa ang masabi ng Maniego na yun. Nakaka-panindig balahibo talaga kapag naririnig at tinatawag niya akong baby. Letseng Maniego yun.
"Kelan ka papasok dito?" Tanong ko sa kay Cassie
"Bukas na. Naeexcite na nga ako e. Namiss kasi kitang kasama. Ikaw ah, may manliligaw ka na pala. Gwapo ah." May halong panloloko ang boses niya.
"ANO?! Hindi yun gwapo. Muka namang unggoy yun e."
"Sus pero sa puso at isip mo gwapo talaga. Tsaka muka naman siyang mabait . Bagay kayo."
"Tsss. Kamusta na kayo ni Carlo mo?" Pag iiba ko sa usapan.
"Yun okay naman. Pinipilit nga niya yung parents niya na dito na lang din siya mag-aral kaso ayaw naman siyang payagan dito."
"Swerte mo kay Carlo no?"
"Oo sobra."
"Swerte din niya sa'yo."
Nagpaalam na si Cassie dahil kailangan na daw niyang maghanda para bukas. Kaya eto ako ngayon naglalakad mag-isa sa hallway patungong classroom.
Habang nagdidiscuss ang subject teacher namin ay hindi ko mapigilan ang pagpikit ng aking mata.
Ilang beses akong kumurap nanlalabo na ang aking paningin. Sumasakit na ang ulo ko. Wala ng tao sa loob kundi ako na lang.

BINABASA MO ANG
Can you be my MS.RIGHT? (on-going)
Teen FictionPaano kung marealize mong hindi na pala siya ang gusto mo?