Chapter 9

37 10 2
                                    

blue_maiden KnightInBlack maxinejiji jonaxx mimhytot
"Bye Mama."

"Bye anak!"

Paglabas ko ng gate ay nagulat ako dahil nakita kong nakapikit at nakasandal sa gate namin si Marco.

"Hey!"

"Goodmorning Loves." He gave me a wink and smile.

"Goodmorning! Bakit nandito ka? Kanina ka pa ba?"

"Hhhmmm. Yes?" Ngiting ngiti na naman ang loko.

"Kumain ka na ba? Ano ba kasi kailangan mo at pumunta ka dito ng maaga?"

"Yes kumain na ako bago ako pumunta dito. Gusto lang naman kita kasabay pagpasok e."

"Ahhhh. Okayy. " Nagsimula na akong maglakad pero hindi siya sumusunod.
"Akala ko ba?" NagtatAkang tanong ko sa kanya.

"Dito tayo sasakay." Humarap ako sa likuran ko at nakita ko ang kulay itim na kotse. Halos mapanganga ako dahil isa lang naman itong sikat na sasakyan. Ang ganda na nga nung kotse nya noon nung pilit niya akong sinakay pero mas maganda ngayon. Omo.

"Sayo yan?"

"Yeps. Kaya sumakay ka na. Ayokong napapagod ka." Nag-init ang pisngi ko ng sambitin niya yon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka inalalayan pumasok sa loob.

"Bakit ang bagal mo magmaneho? Baka malate pa tayo."

"Para mas masulit ko ang pagmamaneho ko kase kasama kita."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay sabay ngiti at tingin sa labas.

"You know what? " napatingin ako sa kanya, habang siya naman ay seryosong nakatingin lang sa daan.
"Mas lalo akong nahuhulog sayo."

Tinignan niya ako sabay ngiti.

"Hmmmm..."

Nanaig ang katahimikan. Hanggang sa makarating kami sa school.

Everyone looks at his car. Sino ba naman ang hindi mapapatingin , sobrang ganda talaga as in.

Pagkababa niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto saka hinawakan niya ang kamay ko.

Nagulat ako kasi habang naglalakad kami ay hawak niya pa rin ang kamay ko at tinitingnan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

"Omg!!!! Bagay talaga sila. Hayysss."

"Sana all."

"Sana ako na lang si Beatrix."

"Ang pogi ni Marcoooo."

Ilan lang sa mga naririnig ko. Hindi pa rin talaga nawawala ang lakas ng karisma nito sa mga babae. Can't imagine na mangyayari rin sakin to.

Nagsimula ang first period namin. Kahit kompleto ako sa tulog ay inaantok pa rin talaga ako dahil sa subject namin na math. Hindi ko talaga magets.

Nakatulala lang ako sa unahan, kunwari ay nakikinig. Sa tabi ko naman ay si Sebastian pero gising na gising siya dahil favorite niya ang subject na to.

How i wish na matalino rin ako sa math.

Napansin ko na lang na nakatingin na rin sakin si basti. Kaya iniwas ko na agad ang tingin ko sa kanya. Wtf. Nakakahiya. Nakita niya akong nakatingin ako sa kanya.

Sa kabilang banda naman ay nakita kong taimtim ring nakikinig si Marco. Mas lalo tuloy siyang nagiging pogi kasi gaya ni Basti matalino rin siya sa Math.

Edi ako na nga ang hindi pinagpala.

"Gets mo na?" Tanong ni Marco.

Umiling na lang ako bilang senyas na hindi ko pa talaga naiintindihan.

"I'll teach you."

Lumapit pa siya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang feeling.

Tinuturo niya sakin yung letter ng x and y. Then pinapaliwanag niya kung pano isolve. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya.

"Mamaya mo na ako tingnan. Kasama mo pa rin naman ako mamaya e." May panlolokong sambit niya.

Napangiwi na lang ako sa sinambit niya. Now i realize kung bakit ganun na lang ang mga babae sa kanya. Hindi lang siya magaling sa sports, matalino rin siya at muka pa siyang anghel.

Gossshhhh. What's happening to me?

"Sabay na tayo mag lunch."

"Okay."

Dala-dala niya ang mga libro ko papuntang cafeteria.

Umupo kami at umorder na siya ng food namin.

Pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nakatingin lang sakin si Basti. Iniwas niya agad ang tingin niya. Hanggang sa dumating si Marco.

"Okay ka lang?"

"Yes. I'm okay."

"Hindi ka kumakain ng carrots?"tanong niya.

"Hmmm." Kinuha niya yung mga carrots na nakalagay sa tabi ng plato ko.

"Dapat kumakain ka nito. Para mas malinaw mata mo. Mas malinaw mong makikita ang kagwapuhan ko." At ayan na naman po siya. Hinahangin na naman.

Natatawa akong hinarap siya.

"Oh? Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang."

"Goosssshhh. I really love your smile. Can i keep that forever?"

Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Ano bang ginagawa sakin ng Marco na to?! ❤️

Inabutan niya ako agad ng tubig.

"Dahan dahan ka lang sa pagkain loves."

Napangiti ako ng wala sa oras.

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon