Chapter 12

26 7 0
                                    

Chapter 12: Iloveyou

Tinititigan ko lang si Mama , ngiting ngiti habang naglalagay ng lipstick. Shet.

She's very excited to see my dad.

"Ma, baka naman magsugat na yang lips mo dahil sa kapal ng lipstick nyo."

"Ano ka ba kahit naman nasa bahay tayo naglalagay na rin ako."

Dinig na dinig ko ang tawa ni mama habang nagkukwento si papa. Sobrang saya ng mama ko mula ng dumating siya.

"Teka nga. Mayroon na bang nanliligaw sa anak natin?" lumapit ako sa pinto ng kwarto ko para mas marinig ang pinaguusap nila. Alam ko na mali ang ginagawa kong ito pero hindi ako makatiis.

"Me..."

"Meron po Papa." Hindi ko na pinatapos si Mama at ako na ang sumagot. Halatang gulat na gulat ang dalawa ni Mama sa ginawa ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba tong naisip ko at sinabi ko yon.

"Papuntahin mo siya dito mamayang gabi." sambit ni papa.

Tinanguan ko lang si Papa. Medyo kinakabahan ako kay Papa hindi ko alam kung galit ba siya o hindi kasi wala siyang ekspresyon ng sambitin niya yon.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at pumasok sa kwarto ko. Agad kong dinial ang number ni Marco.

Marco: Hello baby

:Pwede ka bang pumunta dito mamaya?

Marco: Oo naman.

:Gusto ka  makita ni Papa

Marco: Sige sige baby pupunta ako.

:alam na kasi nila e. Nabigla kasi ako kasi tinatanong ni papa kay mama kung may nanliligaw na daw sakin tapos sabi ko meron na kaya yun gusto ka makilala.
:galit ka?

Marco: bakit naman ako magagalit? Yun pa nga ang gusto ko e. Mas maganda na yung alam na ng parents mo. Masaya ako kasi hindi ka nag-alinlangan na sabihin yon. Mas naramdaman ko tuloy na importante ako sayo.

:iloveyou

Marco: pakiulit nga baby, hindi ko narinig.

:wag na. Bye na.

Marco: iloveyoutooo babyyy koo.

Pagkapatay ko ng tawag ay nakareceive agad ako ng text galing sa kanya.

Fr: Marco ❤️
      See youuu. Iloveyou😘

To: Marco ❤️
        Okiee. Ingat ka😊

Fr: Marco ❤️
       😘😘😘

Nadatnan kong nagluluto si Mama ng mga ulam para sa hapunan kasi ngaaa ....

Hayyyy. Si papa naman hindi ko alam kung ano ang hinahanap sa maleta nya.

Panay ang tingin ko sa relo ko habang nanonood ng kdrama. 6 pm na pala kaya napagdesisyonan ko nang magayos ng sarili.

Tinitignan ko ang sarili ko salamin habang naglalagay ng kaonting lipstick.

Wannttt koo naa magpagupitt. Gaya ng kay suzy bae sa while you were sleepingggg!!

"Maupo ka muna Marco." Dinig kong sabi ni Mama.

Mabilis kong sinuklay ang buhok ko. Tatlong segundong tumingin sa salamin at lumabas ng kwarto. Natulala ako sa gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon.

Ang tamis ng mga ngiti niya. Natutunaw ako sa mga titig niya.

"Hi." medyo nahihiya ako kasi nakashorts at maluwag na tshirt lang ang suot ko pero siya ay naka pants at fitted na black tshirt pero ang pogi niya.

Wahhhhhhhhhhh. Nababaliw na ako.

"Marco , Trixx pumunta na kayo dito. Kakain na."

"Okay ma."

Magkatabi kami ni Marco sa upuan. Si papa naman ay katabi rin ni Mama , magkatapat sila ni Marco.

Ang daming mga pagkain ang nakahanda.Sira ang diet koo nito.

"Seryoso ka ba sa anak ko?" Pangbabasag sa katahimikan na sambit ni Papa.

Sa tono pa lang ng pananalita nya ay nakakatakot na. Kinakabahan tuloy akong tumingin kay Marco, tiningnan niya rin ako at hinawakan niya ang isang kamay ko na nasa ilalim ng mesa.

"Opo Sir. Seryoso po ako sa anak niyo." Diretso lang siyang nakatingin sa papa ko at mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

Patingin tingin ako kay mama pero tuloy pa rin siya sa pagkain at medyo natatawa pa. Whyyy maaa?!?!?

"Magaling naman kung ganoon. Maganda na yung nagkakaunawaan tayo."

Patuloy pa rin sa pagtatanong si Papa kay Marco hanggang sa mauwi sila sa inuman sa labas ng bahay namin. 11:30 na sila natapos dahil sa naubusan na sila ng iinumin kasi ayaw ng bigyan ni Mama. Lasing na lasing si Marco dahil sa dami ng nainom pero si Papa mukang hindi pa. Matatag siya sa inuman e.

"Ma, alam ba nina Tita na..."

Pinutol agad ni mama ang itatanong ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin niyang nasabi na niya at alam na ng mga magulang ni Marco ang nangyari kaya dito siya matutulog ngayong gabi.

Habang paakyat kami para dalhin si Marco sa guest room ay natatawa na agad si Papa.

"Mahina pala sa inuman yang manliligaw mo."

"Sabi ko naman po sa inyo papa, wag na kayo uminom."

"May napatunayan naman yang si Marco mo e."

Tahimik lang ako habang nakikinig sa sunod na sasabihin ni papa.

"Bilisan nyo na, nakahanda na ang guest room." Sabi ni mama na nakapagpaputol sa sasabihin pa ni papa kaya hindi na ito matuloy.

Sobrang himbing ng tulog ni Marco ng maibaba na siya sa kama. Pinagmasdan ko muna ang kanyang muka. Sana ikaw na hanggang dulo. Ayoko na ng iba pa. Napagdesisyonan ko na matulog na rin. Pero bigla akong hinawakan ni Marco sa kamay ko.

"Dito ka lang Trixx. Wag mo ko iwan."

Kaya umupo ako sa tabi niya at tinapik tapik ang kamay niya. Hawak niya pa rin niya ang kamay ko hanggang sa ....

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZzzzzzzZZ

blue_maiden jonaxx KnightInBlack Girlinlove ❤️💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can you be my MS.RIGHT? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon