Chapter 3
Ang boring naman ng araw na ito. Kung hindi lang sana ako nagkasakit edi sana nasa school ako ngayon nakikinig at nagsusulat ng mga importanteng detalye na kailangan kong matutunan. Charrr.
Nakahiga lang ako sa aking kama habang kumakain ng oreo at nakalapag naman sa isang maliit na mesa ang isang baso ng gatas. Taray diba! Mahaba-habang bakasyon ang aking mararanasan.
Kinuha ko ang Weightlifting Fairy Kimbokjoo disk sa drawer ko at nagsimula muli akong panoorin ito. 10 ulit ko na itong napapanood pero hindi pa din ako nagsasawa. Hahahahaha. Pano kase ang gwapo ni Namjoohyuk😍
Sa gitna ng aking panonood ay biglang tumunog ang aking cellphone. Ngayon ko na lang ulit nakita ang pangalang nakasulat sa screen.
Callingggg.........
Sebastian❣️Halos mahulog ang aking cellphone ng akin itong sagutin.
"Hello?" -sebastian
"Basti?"
"Miss na miss na kita Trixx" may kung anong kumurot sa aking puso. Nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha. Shit.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Sorry Trixx" unti-unti nang tumulo ang aking mga luha.
"Sorry kung nasaktan kita noon. Gago kasi ako e. Sinayang ko ang isang katulad mo. Nagmahal ako ng iba Trixx pero ikaw pa rin e. Palagi kong hinahanap yung mga ngiti mo na hindi ko makita sa iba. Hindi ko natupad yung pangako ko sayo. Pero gusto kong makabawi sayo. " naririnig ko yung mga paghikbi niya na lalong nagpaiyak sa akin. Bwiset ka talaga basty kahit kelan.
"Gusto kitang ligawan ulit Trixx. Gusto kong patunayan na mahal na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang suyuin ka. Hindi ako magsasawang ligawan ka. Kahit matagal kaya kong maghintay. Kahit ipagtabuyan mo ako hindi ako mawawala sa tabi mo." Umiiyak na rin siya.
"Wag mo ng pagurin ang sarili mo Sebastian. Sinasabi mo lang yan kasi hindi ka pa ulit nakakahanap ng iba . Tama naman ako diba? Kasi pampalipas oras lang naman ako. Wag mo ng sayangin ang oras mo para lang sa tulad ko."
"Mahal kita Trixx. Hindi ko gustong saktan ka..."
"Pero bakit mo ginawa? " patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. Naalala ko na naman yung mga panahong iniwan nya ako dahil sa dating bestfriend niya na umamin na may gusto sa kanya. Saklap no?
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto at bumungad ang muka ni Marco , Cassie , Audrey at Phei.
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Basty at pinatay ko na agad ang cellphone ko.
"Sino yung kausap mo baby?" Tanong ni Marco habang nakatingin sa akin.
"Ah.. yung classmate ko dati. Nangungumusta lang"
"Baby daw nakooo edi sila na ." Rinig kong bulong ni Audrey. Natatawa na lang ako sa kanya dahil lagi siyang ganyan kapag may naririnig siyang baby , babe etc. hahahaha
"Inggit ka lang Auds." Panloloko ni Cassie at nakita kong napangisi si Phei. Sila ang tatlo kong bestyyyy pero ako ang pinakatino.
"Okay ka na ba baby? Umiyak ka ba?" -marco
"Medyo okay na ako. Naiyak kasi ako sa pinanood kong k-drama."
"Namiss kita." Malungkot na sambit ni Marco.
"Tss. Eh isang araw lang naman akong absent. " natatawa kong sambit.
"Wala kasi akong inspirasyon. Pakiramdam ko tuloy kanina may sakit ako." -marco
"Bakit naman?!"
"Kasi wala ka. Ikaw kasi yung lakas ko" -marco
"Ehem...ehemm..." -auds
"Labas muna kami ah. Mamaya na tayo magchikahan. Kayo na muna ni Marco. Tara na Cassie , Auds!" -Phei
Naiwan na naman ako kay Maniego. -.-
Nilibot ni Marco ang buong kwarto ko. Binuklat niya yung mga photo album ko nung baby pa ako. Halos mamatay na siya sa kakatawa nung makita niya yung picture ko na naka diaper lang. bwisit talaga.
Hindi ko na lang siya inintindi at pinagpatuloy ko na lang ang panonood ko.
"Ito ba yung ex boyfriend mo?" Nakita kong hawak niya ang isang litrato. "Ano ngang pangalan ng gagong to?" Mariin niyang tanong.
"Sebastian Del Valle"
"Pangalan pa lang halata ng gago."
"Grabe ka ha." Binalingan ko siya ng tingin. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano.
"Iniwan ka niya Beatrix. Dapat ang mga katulad mo iniingatan at minamahal. Pero anong ginawa niya? Sinaktan ka niya. " nakita ko ang galit sa kanyang muka.
"Hayaan mo na. 1 taon na ang nakalipas kaya dapat kalimutan na yun."
"Dapat lang. Kapag bumalik sayo yun ewan ko na lang kung ano ang magawa ko. Pagkatapos niyang iwan babalikan pa niya? " ayan na naman siya.
Naisip ko na naman yung sinabi ni Sebastian kanina💔. Hindi ko alam kung tunay yung sinabi niya kanina pero kinakabahan pa rin ako.
Hindi na lang ako umimik.
"Trixx pasensya ka na sa pananalita ko kanina. Hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko." -Marco
"Okay lang."
Binuksan na niya ang unahan ng pinto ng kanyang kotse at umupo na sa driver's seat. Pumasok na rin sa loob ang tatlo kong kaibigan.
"I love you" sambit niya bago pinaandar ang kanyang kotse.
Napansin kong sa harapan ng aming gate ay mayroong pink envelop at mga pulang rosas.
Binuklat ko ito at nakita ko ang mga katagang
"I love you Trixx. "
-Sebastian

BINABASA MO ANG
Can you be my MS.RIGHT? (on-going)
Teen FictionPaano kung marealize mong hindi na pala siya ang gusto mo?