CHAPTER 4: STUCK IN THE MOMENT

97 4 0
                                    

VIZ’S POV

Ang sakit. Bakit ba ako nagseselos? Eh crush ko lang naman si peach. Nagseselos ako dahil nakita ko silang magkasama nung ruei na yun. Kanina nung sinabi kong sasamahan ko siyang hintayin ang sundo nya, Ayaw nya. Pero nung yung ruei na yun ang nag-aya, Okay lang sa kanya. Tss.. Ano bang meron si ruei na wala ako? Mas lamang naman ang kagwapuhan ko kesa sa kanya. Mukha syang paa.. PAA NA MAY MAKAKAPAL NA KALYO XD.

Nandito kami ngayon ng barkada sa sementeryo. November 14 ngayon, Death anniversary ni N.. Short for Enrique Hye, Barkada namin actually sya ang pinakamatanda sa magkakabarkada.. 15 palang kami pero sya ay 18 na and he’s my sister’s boyfriend.. Her one and only boyfriend. Simula kasi nung mamatay si N eh hindi na sya nagboyfriend ulit.. Natatakot kasi sya na baka may mas humigit kay N sa puso nya. Mahal na mahal ni ate si N kaya tuwing 14 eh nalulungkot sya, Kahit anong month pa yan basta ang day ay 14. Bakit namatay si N? Nabunggo kasi yung sinasakyan nyang kotse. Galing sya sa bar noon, Nag-away sila ni ate dahil sa di malamang kadahilanan.. Pinapasunod nga ako ni N doon dahil wala syang kasama pero pinigilan ako ni ate at sinabi nyang minor pa ako at bawal pang uminom.. Maaga kasing nasabak sa inuman si N.. Simula palang nung 14 sya ay umiinom na sya.. 12 palang ako nun nung una namin syang makilala ng barkada. Tinanggap naman namin sya kahit na 3 years older sya samin. Dead on arrival sya nung dinala sa ospital, Maraming nawalang dugo sa katawan nya. We missed him so much. Sya kasi ang tinuturing naming kuya sa barkada. 

“N, Ang dumi na ng puntod mo oh.. Grabe naman! Ba’t hindi mo ‘to nililinisan” Pang-aasar pero malungkot na sinabi ni Quen.

“Tanga ka talaga kahit kelan, Quen. Eh paano nya yan lilinisin eh patay na sya, Isip-isip rin” Pangongontra naman ni Lucas sa kakulitan ni Quen.

“Binibiro ko lang si N, Baka naririnig nya tayo eh” Sinabi naman ni Quen.

“Tss.. Tama na nga ang ingay guys, Respetuhin naman natin si N” Sinabi ko sa kanila. Ang ingay eh. Naupo naman kami sa mini chapel malapit sa puntod ni N. Pinasadya talagang may chapel dito.

“Sana hindi nalang namatay si N noh! Edi sana kumpleto tayo” Panghihinayang na sinabi ni Arth.

“Oo nga, Edi sana may kuya-kuyahan pa tayo” Sinabi naman ni Dwight.

“Wag nga kayong manghinayang, I’m sure he’s at peace now. He’s happy where he is now..” I said. Ayoko talagang nalulungkot ang barkada kapag pumupunta dito. Sinasabi nilang sana hindi sya namatay or manghihinayang sila sa buhay ni N. I’m sure naman masaya na sya. Pero kahit ako, Hinohope ko na sana nabuhay sya pero ano pa bang magagawa natin? Life is life. Mapaglaro pero may assurance naman lahat ng nangyayari. I’m sure he’s happy. Pero ewan ko kay ate. Sana makamove-on na sya.

“You’re right Viz, Minsan ka lang magseryoso sa mga bagay eh” Sinabi naman ni Quen.

Officially Yours (Book 1-Completed) ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon