Chapter 9 : Can i court you?

0 0 0
                                    



Brent Points of View.

Bumalik si Margaret galing sa CR, pero hindi niya kasama si Kylie.

"Asan si Kylie?" Tanong ko sa kanya. "Pumunta sa kotse niya, she's getting extra shirt daw. Basang basa kasi siya ng pawis." Sagot ni Margaret at umupo siya sa tabi ni Tristan. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Good for Tristan. He got heartbroken last time. It's time for him to move on.

Lumapit ang isa sa mga bouncer ng bar kay Hunter, seryoso ang mukha at may binubulong sa kanya. Biglang tumayo si Hunter, mukhang may problema.

"Dude, may gulo daw sa parking area. And the way they describe the people involve, it look like it's kylie. Papunta na yung mga bouncer dun. Baba lang ako to check it." Paliwanag ni Hunter.

"What!? Im going with you! Margaret, stay with Tristan and Roby. Dito na lang kayo." Tumayo ako agad at sumunod kay Hunter. Pinasunod naman ni Tristan ang ilan sa bodyguards nya.

Pagdating namin sa parking lot, may iilang taong nakapalibot na sa kaguluhan. Nagulat na lang kami ng makita namin ang dalawang babae sa likod ni Kylie na umiiyak, at dalawang lalaking nakatumba na sa kalsada at isang lalaki na nakadapa hawak ni Kylie ang kamay nya na nakapilipit sa likod at nakatukod ang tuhod ni Kylie sa likod ng lalaki.

"I hate men na nambabastos ng babae, don't you ever do that again. Do you understand?." Ngumingising sabi ni Kylie sa lalaki.

Lumapit siya sa dalawang babaeng umiiyak. "Miss, okay lang kayo? Next time wag kayong lalabas ng kayo lang dalawa. Tara, ihahatid ko na lang kayo pauwi." Sabi ni kylie sa dalawang babae.

Nilapitan sila ni Hunter. "Kylie, its okay. Ako ng bahala sa kanila. Papahatid ko sila sa staff ko. Sumama kana kay Brent. Hinihintay kayo nila Margaret. Wag kang mag alala, Ako ng bahala dito." Paliwanag ni Hunter kay Kylie.

Tumango si Kylie at kinuha ang extra shirt nya sa kotse at lumapit sakin. "Tara, pasok na tayo." Sabi niya at pumasok na kami sa bar. Sumunod na lang ako kahit hindi ko pa maintindihan kung ano talagang nangyari. But she looks perfectly fine.

"Kylie, what happened?" Salubong kaagad ni Margaret samin na nag aalala na.

"Oh, dont worry. Everythings fine. Thanks to my Martial arts skills." Tawa ni Kylie, parang wala man lang nangyari. "Wait, Magpapalit lang ako ng shirt." Paalam niya ulit.

"Kylie, sa office kana ni Hunter magpalit. Im going with you. Baka may mangyari na naman sayo." Tumawa lang siya at sumunod sakin.

Pagkalabas niya sa CR sa opisina ni Hunter, agad ko siyang tinanong. "Kylie, what really happened there? Nag alala kami sayo."

"Ahh, kukunin ko lang sana tong extra shirt ko sa kotse, then i saw those guys. Binabastos nila yung dalawang babae, the other girl was crying na. So hindi ko na napigilang makiaalam. Don't worry about me. I can take care of myself." Paliwanag niya.

"Yeah, right. Eh panu kung marami pa silang kasama? You're alone there. Don't do that again next time, just call me instead."

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Binalot niya ang kanang kamay niya nung tshirt na hinubad niya. This girl is really bad ass. Wala sa itsura nya na mapapatumba niya ang tatlong lalaki, she might had some martial arts training. Siguro she's a black belter.

"Hey, come here." Kinuha ko ang kanang kamay niya at hinilot ito. "Ang astig mo talaga eh noh? Let's go back to our table. Magpapakuha ako ng icebag para hindi na mamaga yan." Kinurot ko ang kanang pisngi niya at nginitian siya.

Pagbalik namin sa table nakabalik na rin si Hunter. "Kylie, pinapasabi nung dalawang babae na maraming salamat daw sayo. And those guys, dont worry about them. I told my securities na they cant go back here." Paliwanag ni Hunter kay Kylie.

I HATE That I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon