Chapter 6: BadAss Chick

1 0 0
                                    

Brent :

1 week na rin ang nakalipas since nagstart ang school, mas excited akong pumasok ngayon dahil gusto kong palaging nakikita si Kylie. Classmates namin siya sa mga major subjects, pero hindi pa rin ako nagkakaroon ng lakas ng loob na kausapin siya. Nauunahan ako ng kalabog ng dibdib ko. Inaasar na nga ako ni Tristan, first time ko daw natorpe sa isang babae. Well, hindi ko rin alam kung bakit, one thing im just sure is masaya ako pag nakikita ko siya.

Malapit na siya sa iba naming classmates, pero naging pinakaclose na niya at palagi niyang kasama si Margaret. May pagka geek/nerd si Margaret pero everyone can tell na she's got the looks, napapaisip tuloy kami ni Tristan na baka tomboy si Kylie.

Katatapos lang ng class namin, lunch break na. Nasa unahan lang namin ni Tristan si Margaret at Kylie naglalakad palabas. Nakita ko si Samantha with her sorority sisters & fraternity brothers. Napailing ako bigla, nag alala ako na baka mapagtripan nila si Kylie pag nalaman na Transferee siya. Dito din nag aaral si Samantha pero graduating na siya.

"Ops!." Pang aasar na banggit ni Samantha at pinatid niya si Margaret kaya napasubsob ito sa sahig at nabitawan ang mga libro niyang bitbit. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan Nerd!" Sabay sabay nagtawanan ang mga kasama niya.

Tinulungan ni Kylie si Margaret pulutin ang mga gamit niya at inalalayan ito para makatayo. Lumapit si Kylie kay Samantha at kinompronta siya. "Hindi ka man lang magsosorry, i saw you. Pinatid mo si Margaret."

"This is not good." Bulong ko sa sarili ko. Ayaw ni Samantha na kinokompronta siya lalo na sa harap ng grupo niya.

"And who are you? I bet you dont know me huh!?." Nakataas na ang kilay ni Samantha. Binulungan siya ng isa sa mga sisters niya. "Oh, so you're the transferee? Miss Haneda's niece! Kaya pala matapang ka. I give you a chance, papalampasin ko to. Join our sorority."

"Me? Why should i? Im not interested, kung ganyan lang ang trip ng sorority nyo ang mangbully ng mga students na hindi makakalaban. No way" Tumatawang sagot ni Kylie. Nagulat ang lahat ng nakarinig, pati na rin ako. Wala pang nagtangkang lumaban sa grupo nila Samantha, all of them are from powerful and rich family.

"Kylie, let's go. Just leave them." Aya ni Margaret habang sinusubukan niyang hilahin palayo si Kylie. Halata sa mukha ni Margaret ang kaba, kilala na niya si Samantha at ang grupo niya. Lumingon si Kylie kay Margaret at tumango. Nilingon niya ulit sila sa Samantha at nginitian sila ng nakakaasar na ngiti.

"Im talking to you B*tch, wag mo akong tatalikuran." Napikon na si Samantha kaya itinulak niya si Kylie, napahawak siya sa pader sa lakas ng tulak ni Sam. Humarap si Kylie kay Samantha at nagsalita.

"First, I told you, im not interested with your group. Second, don't call me B*tch im Kylie. Third, dont you dare touch me again or Margaret. Cause next time, im gonna fight back and you're not gonna like it. Kahit magpakampi kapa sa sisters and boyfriends nyo." Sagot ni Kylie habang isa isa niyang tinitingnan ang grupo ni Samantha.

Galit na galit na si Samantha, sasampalin niya na sana si Kylie pero pinigilan ko na siya. Hinarang ko ang kamay niya. "Stop it Sam, sobra kana!" Nagulat siya ng ginawa ko yun. Simula ng maghiwalay kami, hindi ko na siya pinakialaman sa mga lakad nila ng sorority. "Im sorry Kylie and Margaret, just leave it to me. Ako ng bahala sa kanila." Binaling ko ang tingin ko sa dalawa.

"Thankyou handsome." Sagot sakin ni Kylie habang nakangiti. Para akong kinuryente at kinilig sa mga ngiti niya. Napangiti rin ako bigla. "Let's go Margaret, before i lose my temper." Sabi ni Kylie bago sila umalis.

Nakatingin lang sakin si Samantha bago siya nagsalita. "So, iba na pala ang type mo sa girl ngaun? Which one? The nerd or the rebel?".

"Enough Sam, Margaret is my girl." Biglang singit ni Tristan. Finally, umamin din siya na gusto niya si Margaret. Matagal ko na siyang tinutukso dito. Pero tumatanggi siya.

"So, that kylie is your girl huh!?." baling sakin ni Samantha.

"Well, im hoping. Im falling for this bad ass chick. She's different. And she knows to stand with right and wrong." Nagulat sila sa sinabi ko. Hindi ko na hinayaan na makapagsalita sila, umalis na lang ako at sumunod naman si Tristan sakin.

I HATE That I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon