Im getting ready for our company event. Tumunog ang phone ko at nakita ang message ni Samantha.
"Hey, pick me up at 8pm. Sabay na tayo pumunta ng event." Sabi niya sa message.
Tinawagan ko na lang kasi tinatamad ako magtext. "Hey what's up, bakit di kana lang sumabay sa daddy mo or magpahatid sa driver mo?!"
"May meeting pa si Daddy, sunduin mo na lang ako, please?" Sagot niya. "Nag iinarte kana naman Sam, kaya nga dito ako nagstay sa hotel para hindi na hassle. Haay naku, sige. Wait for me there. 8pm okay?" Sumang ayon naman siya at binaba ko na ang phone.
Samantha is so immature, maarte isa sa mga bagay kung bakit nagsawa ako na mahalin siya. Hindi na siya nagbago.
Nasa harap na ako ng gate ng bahay nila Samantha, lumabas siya at inalalayan ko siya papunta sa kotse. She's still the beautiful and hot girl that i know, she look glamorous wearing her red gown.
Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Hi handsome." Bati niya sakin. "You look stunning Sam." Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko at hinalikan niya ako sa Labi. "Hey, what are you doing? You have a boyfriend." Napaatras ako sa gulat sa paghalik niya. Nalungkot ang mukha niya at sumakay na lang siya sa kotse. Tahimik lang kami papunta sa hotel.
The event went well, nagkakasiyahan na lang at nagkwekwentuhan ang mga staffs, investors at mga importanteng bisita. Im with Tristan at nakikipagkwetuhan sa iba pang anak ng ilang investors ng biglang lumapit si Samantha at niyakap ako. Halata sa kilos niya na marami na siyang nainom.
"Hi baby, let's go home. I miss you." Sabi niya habang nakayakap sakin. "Darn it, Sam. Why did you get drunk!?" Im so sorry guys, excuse me hahatid ko lang siya." "Tristan, ill call you later."
May usapan na kami ni Tristan na pumunta sa bar nila Hunter after ng event, kaya naisip ko na sa hotel suite ko na lang muna ihahatid si Samantha. Inalalayan ko siya papunta sa elevator hanggang sa suite. Bigla na naman niya akong hinalikan at niyakap.
"Sam, stop it. You're drunk." Awat ko sa kanya. "Oh yes i am, and i want to kiss you and i want you inside me." Sagot niya habang nakayakap pa rin sakin.
"Hold it up there lady, you have a boyfriend and you're drunk. Wala na tayo Sam. I cant do this." Inupo ko siya sa kama. "Magpahinga kana."
Nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at sinabi sakin. "Hindi mo na ba talaga ako mahal? I want you back Brent. I still love you. Rebound lang naman si Carlos dahil hindi mo na ako pinapansin. Pero ikaw at ikaw lang ang mahal ko. Pwede bang tayo na lang ulit? I still love you. Please." Sabi niya habang umiiyak na parang bata.
"Sam, im sorry. Im inlove with someone else. Magpahinga kana. Lasing ka lang." Sagot ko sa kanya. At lumabas na ako ng hotel room. Tinawagan ko si Tristan at nakiusap na mag iwan ng isang bodyguard nya para kay Samantha, para siguruhin na hindi na siya lalabas ng hotel suite.
Pagdating namin sa bar, nasa usual place na namin si Hunter at Roby. Umupo ako at nilagyan ng alak ang basong nasa harap ko at sabay inom.
"Something wrong dude!?" Tanong ni Roby. "Kanina pa nga badtrip yan pagkahatid niya kay Samantha." Singit ni Tristan. "Whoa, i can smell something." Ngumingising sabi ni Hunter.
"Samantha confess that she's still inlove with me, she also kissed me." Sagot ko sa kanila. Parang hindi naman sila nagulat. "I knew it!." Sambit ni Tristan habang humahalakhak. "Dude, ikaw lang ata nakakapansin." Tapik sakin ni Hunter. "What did you tell her?." Tanong ni Roby.
"Well, wala na talaga akong nararamdaman for her. I thought she was just drunk, so napapansin niyo rin pala?." Umiling ako at uminom ulit. "I told her im inlove with someone else."
"At kanino ka naman inlove?" Gulat na tanong ni Hunter. "Inlove ka sa isa sa mga naka one night stand mo? Wala ka naman pinapakilala samin." Singit ni Roby.
"Don't tell me, inlove ka sa mysterious girl na nakasalubong mo lang sa japan. Dude, malapit ka ng mapraning. There's only 10% chance na makita mo pa siya ulit." Ngumingisi ngising sabi ni Tristan.
"Mysterious girl!?" Magkasabay na tanong ni Hunter at Roby."I dont know bro, pero hindi ko na talaga mawala sa isip ko ang mysterious girl na yun, makikita ko rin siya ulit." Binunot ko ang bracelet na may nakaukit na 'MIRACLE OF FAITH' at tinitigan ito.
BINABASA MO ANG
I HATE That I LOVE You
Novela JuvenilMy first try to write a story. This is a work of a fiction. All characters, places, events and incidents are all products of the author's imagination. Do not distribute, publish or modify without permission.