Chapter 15: The Simple Kylie

1 0 1
                                    


Brent Points of view .

Kasama ko si Manong Fred sa Kitchen ng bahay nila Kylie habang nagbrebreakfast. Maaliwalas at malaki ang bahay nila. Nasa kusina din si Yaya Let habang hinahanda ang pagkain ni Kylie.

"Manang, kayong tatlo lang po nila Kylie dito? Matagal na po kayo nagtratrabaho sa kanila?" Usisa ko sa kanya.

"May dalawa pa akong kasamang kasambahay dito. At isa pang driver. Naku, oo anak. Simula nung ipanganak ang pangalawa niyang kuya. Ako na ang nag aalaga sa kanila. Matagal ng nagtratrabaho ang pamilya ko sa kanila." Sagot niya sakin.

"Wow, kaya po pala close na close kayo kay Kylie. Asan po ang mga kapatid niya at mga magulang?" Usisa ko pa.

"Nagtratrabaho na sa ibang bansa ang dalawa niyang kuya. Ang mga magulang niya naman nasa japan. Nagmigrate na nga sila dapat dun, pero bumalik si Kylie dito nung nagkaproblema." Sagot niya ulit sakin.

"Problema po? Anong problema?" Nagtataka kong tanong. Pero dumating na si Kylie. Nakapajamas na siya at nakatali ang buhok.

"Yaya, pakisabi kay tatay Jun ilabas sila snowflakes." Sambit niya kay yaya let at naupo siya sa mesa at kumain.

"Seriously kylie? Cereals and apple lang kakainin mo? Kaya pala you're so slim." Bati ko kay Kylie. Nginitian niya lang ako.

Pagbalik ni yaya let sa kusina may nakasunod na dalawang malaking aso sa kanya. At ng makita ng mga ito si Kylie ay dumamba agad sa kanya.

"Hi Snow, Hi Flakes." Bati ni Kylie sa dalawang Alaskan Malamute niyang aso habang niyayakap niya ang mga to. "Kyle, these are my dogs Snow and Flakes." Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko at inilapit niya ito sa mga ulo ng aso niya.

"You love dogs pala. They are so cute." Ngiti ko kay Kylie.

"Yap, regalo ng mommy and daddy ko nung magHighschool ako." ngiti niya sa akin. "Excuse me, sa living room muna ako para matapos niyo ng maayos yung food niyo baka kulitin kayo ng mga aso ko eh." Paaalam ni Kylie samin.

"Yaya, gisingin mo po ako ng 10am i have classes on the afternoon." Bilin niya kay yaya let at pumunta na siya sa living room kasunod ng mga aso niya.

"Ay naku, batang ito talaga papasok na naman sa school ng puyat." Sambit ni Yaya let.

"Yaya Let, salamat po sa pagkain. Napakasarap po, ang galing niyong magluto. Aalis na rin po kami 6am na pala. Para makapagpahinga na rin si Kylie."

"Walang anuman iho. Salamat din sa paghatid sa alaga ko. Praprangkahin na kita iho. Nanliligaw kaba sa alaga ko?" Tanong ni yaya let sa akin.

"Opo yaya. Sana nga po sagutin niya ako kaagad." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Sana din po makilala ko ang family niya, im planning to introduce Kylie sa parents ko soon."

"Hmm, sabi ko na nga ba eh." Tumatawang sagot ni yaya let. "Alam mo iho, bagay kayo ng alaga ko eh. Mukha ka namang mabait at maalaga, gwapo pa. Wag mo lang sasaktan ang alaga ko." Dagdag pa niya.

"Makakaasa po kayo Yaya let. i love her with all my heart. I will never hurt her." Ngiti kong sagot kay Yaya.

Nauna na si Manong fred sa kotse ko. Nagtoilet muna ako bago lumabas. Dadaan muna ako ng living room para makapagpaalam kay Kylie. Naabutan ko si Yaya Let na kinukumutan si Kylie. Nakatulog na siya sa sofa katabi ang mga aso niya.

"Nakatulog na pala ang alaga ko. Ginigising ko para makalipat siya sa kwarto niya. Ayaw eh. Pagod na pagod siguro." Paliwanag ni Yaya Let.

"Yaya let, okay lang po ba kung buhatin ko na lang siya papunta sa kwarto niya. Para makahiga siya ng maayos sa kama." Sabi ko kay Yaya.

"Ay sige nga anak, dati mga kuya niya ang bumubuhat sa kanya pag umuuwi siya galing gimik. Tulog mantika kasi yang batang yan kapag pagod." Sagot ni yaya let sakin.

Kinarga ko si Kylie papunta sa second floor, papunta sa kwarto niya. Sinamahan ako ni Yaya let at pinagbuksan ang pinto ng kwarto ni Kylie. Inihiga ko siya sa kama niya. Nauna ng bumaba si Yaya let dahil may gagawin pa daw siya.

Napatitig ako kay Kylie na mahimbing pa rin na natutulog. Napakasimple lang pala ni Kylie, ang maamo niyang mukha at ang mapupula niyang labi. Kahit natutulog, napakaganda niya parin. Nasabi ko sa sarili ko na, balang araw gusto kong matulog at magising sa tabi ng anghel na ito. Lumapit ako kay Kylie at hinawakan ang pisngi niya.

"I love you Kylie Faith! I will love you forever." Bulong ko sa tenga niya at hinalikan ko siya sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I HATE That I LOVE YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon