Tulala pa rin si Amanda matapos ang naging magulong pag uusap nila ni John kaninang umaga.
Halos di niya maayos ang sarili niya. Naguguluhan na siya dahil napunta siya sa sitwasyong ganito.
Yung walang kasiguraduhan ang paglabas. She was totally doomed.
Gusto niyang magalit sa mga taong naging dahilan nito. They totally wreck her life.
Wala na siyang kawala sa pagiging Coleen dahil lumabas ng bansa ang kapatid niya gamit ang pangalang Amanda Francisco.
At kasama nito ang lalaking dapat ay papakasalan niya. Gusto niyang magwala sa galit.
At itong si John. Sinasamantala ang sitwasyon niya.
He pay all her mom expenses dahil natuklasan nito na wala na siyang pera. That she can't afford to continue her mom life support.
Dahil kung di siya magbabayad tatanggalin iyon nang ospital. But John aide her.
But in one condition. Her
Di niya maisip kung paano siya lalabas sa sitwasyong ito. Kung paano niya matatakasan ang buhay na ito.
Akala niya basta lang nawala ang lahat ng laman nang trust fund niya. Ngayon, mas naintindihan na niya na may kinalaman si Coleen dito.
She withdrew her money using her identity. And worse, walang natira sa kanya kahiy isang kusing.
She can't imagine that Coleen can able to do this such charade. Noon mga bata sila ginagawa lang nila ang switching identity kapag may gustong solusyonan ang bawat isa sa kanila.
Pero ngayon? Seryoso na ang larong ginagawa ni Coleen. Buhay na niya ang sinisira nito. Buhay na nilang dalawa.
Ano bang pwede niyang gawin para mabago ito? Para mabawi niya ang dapat ay kanya.
Sana lang naririto ang mommy niya para tulungan siya. Para sabihin sa kanya ang dapat at di niya dapat gawin. Para matulungan siya sa pagdedesisyon.
Dahil kung siya ang tatanungin ngayon. Nagagalit siya.
Napatingin siya sa relong nakasabit sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw. Pero hindi pa niya naririnig ang pag ugong nang sasakyan ni john.
Kahit galit siya dito. Nagaaalala pa rin siya kung nasaan ito. Samo't sari ang pumapasok sa isip niya.
Baka napahamak na ito. Baka may nangyaring masama dito.
O baka nambabae na. Remember wala ang asawa niya. Malamang may kasama na iyong iba. That thought make herself cried with jealousy.
Wala siyang karapatang magselos pero bakit iyon ang nararamdaman niya?
Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib niya. Malakas at mabilis ang tibok.
Ting banagya siyang napaigtad nang marinig niya ang timer ng coffee maker.
Bumaba siya para magkape. Hindi siya makatulog sa kakaisip. Hindi rin naman siya makalabas.
Dahil kahit alam na ni John ang totoo. Hindi pa rin siya pahintulutang umalis.
Dahil daw kailangan niya itong bayaran.
Napalunok siya nang maisip ang huling mga sinabi nito.
...babayaran mo sa kama ko ang lahat nang atraso saakin ng kakambal mo..
Pakiramdam niya ay papangapusan siya nang hininga.
Kinakabahan siya sa bawat salitang sinasabi sa kanya ni John. Lahat ay para bang dapat niyang katakutan.
Kinuha niya ang isang tasa mula sa cupboard at saka nagsalin ng brewed coffee.
Nangangatal ang mga daliri niya nang hawakan niya ang tasa at dalhin sa island table.
Tulalang hinahalo niya ang kape nang mapaigtad siya dala nang malakas na busina sa labas ng bahay.
Ang sunod sunod na busina ay hugyat lang na dumating na ang lalaking kinatatakutan niya.
John.
To be continued...
---
Lame😢😢😢
Bakit ba may mga taong di marunong makaintindi nang "P. S NOT EDITED" ?Pasensya na kung may wrong spelling, wrong grammar at kung anu anu pang wrong.. Di nmn po kasi ako perpektong tao.. Talagang nagkakamali din ako.. Sorry talaga..
Anyway.. Next chap will be private ginagawa ko lang po iyun kasi ayoko na mareport ang simpleng gawa ko.
Salamat po..
God bless allLove lots,
Me:)P. S
Not edited
BINABASA MO ANG
Siya Ay Ako At Ako Ay Siya (amanda Book 2)COMPLETED
General FictionAmanda and Coleen are both black and white sisters. Amanda can be compare in a sweet sunflower. While coleen is a dark rose with a sharp thorns. They were have all the similarities. People can mistaken anyone one of them. People can't easily point...