Chapter Twenty Three

14.3K 442 14
                                    

Nakaismid ang kaibigan ni Amanda na si abby ng makita ang singsing niya.






Magkasama sila ngayon sa cafeteria sa loob ng ospital. Kahapon pagkarating nila galing palawan ay sinabi noya kay John na balak niyang bisitahin ang kanyang ina. Puayag naman ito at nangakong susumduin siya sa hapon para daw sabay silang magdinner.







Alam niyang nagtatampo parin sa kanya si abby. Dahil nawalan na siya ng oras para makasama ito. Idagdag pa ang biglaang pagiging engaged niya.







Ang daya mo. Huli pa akong nakaalam. Ako na best friend mo. Ako na other half mo?  Abby pouted her lips. Nakasimangot din ito tanda na may tampo talaga sa kanya.






I'm sorry abby. Kahapon lang kasi kami nakabalik mula palawan at saka naiwan ko ang cellphone ko sa bahay noong umalis kami. Paliwanag niya pero sadyang nakasimangot pa rin ito.






Hmmp.. Sabay irap sa kanya. Matitiis ba naman kitang babae ka ha? Frim there. She smile.






Hinawakan niya ito sa kamay at saka nagpasalamat. Thank you.






Marami pa silang napagkwentuhan. Nagprisinta rin itong tutulong sa preparation ng kasal niya. At syempre ito ang maid of honor niya.






Matapos ang kwentuhan nila. Nagpaalam na ito sa kanya. May aasikasuhin pa daw ito bago matapos ang maghapon ngayon.






Kaya di na ito sumama pabalik sa kwarto ng mommy niya. Hinatid na laang niya ito sa labas ng ospital at saka siya bumalik sa loob.







Doon na lamang niya hihintayin si John. Saka inaantok rin siya. These passed few days. She encounter some strange behaviors.






Mabilis siyang mapikon. Antukin at malakas kumain. Which is really weird for her. Siguro dala na rin ng papalit palit na panahon ang mood swings niya.







She shook her head at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi niya alam bakit nagustuhan niyang mag elevator ngayon. Dati kapag napunta siya sa kanyang ina.







Sa hagdan lagi siya dumaraan dahil ayaw niya ng amoy ng elevator. Halo halo kasi. May maasim. May amoy sigarilyo o kaya naman ay matapang na pabango.






Pero kakaiba siya ngayon. Mas gusto niya sumakay sa elevator dahil tinatamad siyang maglakad.







Isa pa sa problema niya ngayon ang pagiging tamad niya. Minsan ay inaabot na siya ng tanghali sa kama. O kaya naman minsan maghapon siyang natutulog o kaya nakahiga.







Alam niya nagrereklamo na si John minsan. Di na kasi niya naaasikaso ito lalo na sa umaga. Dahil madalas galit siya rito o kaya ay antok na antok pa.







Kaya naman sa gabi siya nabawi dito. Siya naman ang naglalambing dito kapag umuuwi ito. Kaya naman lahit papaano ay nakakabawi siya sa mga pagkukulang niya dito.






Nakangiti pa rin siya hanggang sa bumukas ang elevator. Naglakad pa siya ng kaunti bago nakarating sa pinto ng silid ng kanyang ina.







But before she opened the door. Someone hold her wrist. Dahilan para mapahinto siya.






Pero hindi niya inaasahan na makikita ang kahulihulihang taong pinalangin niya na makita.







Ang masayang mga ngiti niya ay agad ding naglaho ng mapagsino ang taong nasa harapan niya ngayon.







Rumagasa ang samo't saring emosyon na matagal na niyang naitago at kinalimutan.






Pero dahil sa pagsulpot nito ay muling nanariwa sa kanya ang sakit at pagdadamdam dito.







At isa lang ang gusto niyang gawin sa mga oras  na ito.







Ang iparamdam dito ang sakit na pinaramdam sa kanya matapos siyang iwan at saktan.







Lester.










To be continued...

Siya Ay Ako At Ako Ay Siya (amanda Book 2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon