Lester...
Mahinang usal ni Amanda matapos mapagsino ang taong nasa harap niya.
Mandy. Hinawakan siya nito sa siko. Pero mabilis na pumiksi siya at lumapat dito ang kamay niya.
Kasabay noon ay ang pagtulo ng luha niya. Ang kapal ng mukha mo. Her eyes are pouring in tears.
Lumapit pa rin ito sa kanya matapos niyang sampalin. Mandy baby.. Hear me first please. Pero mabilis niyang sinampal muli ito.
Anong karapatan nitong utusang pakinggan siya?
Umalis kana. Kalmanteng sabi niya kahit ang totoo unti unti na namang nadudurog ang puso niya.
Unti unting bumabalik ang sakit na ginawa nito sa kanya. Mga sakit na akala niya nawala na. Mga sugat na akala niya ay naghilom na.
Sino ka para sabihin sa akin yan? Sino ka para sabihing makinig ako sayo? Sino ka para bumalik pa sa buhay ko pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Madidiin ang mga salita na isinusumbat niya rito.
Pero nanatili itong nakatingin sa kanya magmamakaawa. I'm sorry mandy. Baby I'm sorry for leaving you that time... But believe me. Di ko ginusto iyon. Muli itong lumapit sa kanya. Pilit siyang niyayakap.
Pero mabilis siyang umiwas dito. Lester almost five years. Almost five years kong iningatan ang relasyon natin. Pero sinira mo lang dahil lanh sa hindi ko alam na dahilan. Ano sa tingin mo ang daoat kong maramdaman? Sa tingin mo yayakapin kita dahil nagkita na ulit tayo? Sa tingin mo sasabihin kong namiss kita? Mapanumbat ang bawat salita niya. Sobrang sakit. Sobrang bigat sa dibdib.
Parang pakiramdam niya pangangapusan siya ng hininga dahil sa pagkikita nilang ito.
She was almost died that time. Uulitin na naman ba niya ulit?
Nagsawa na ba ito sa kapatid niya kaya balak na namang bumalik sa kanya. Nagsawa kana kay coleen? Kaya narito kana ulit? Iniwan ka na rin ba niy kaya ito ka na naman?
Kumunot ang noo nito. Alam mo?
Mapakla siyang ngumiti. Ganoon ba talaga katanga ang pagkakakilala nito sa kanya para hindi malaman iyon? Anong tingin mo sa akin? Tanga? Galit ang mga matang tinitigan niya ito. Leater naman. Tama na please. Umpisa pa lang alam ko naman na may kakaiba sa inyo ni Coleen pero nagbulag bulagan ako. Nagtanga tangahan kasi mahal kita e.
Di na niya napigilan pero napaiyak na siya. Baka kailngan nga niya ito. Kailangan niyang umiyak.
Niyakap siya nito. Mahigpit. Pilit siyang kumakawala sa mga bisig nito. Mahal kita mandy. Mahal pa rin kita. Walang nabago doon. Mabilis siyang humiwalay dito at saka sinampal ulit.
I hate you. I hate you lester. She sobbed. Wala na bang alam gawin ang lalaking ito kung di ang saktan siya.
Mahal kita. I still love you mandy. Believe me. At yung sinasabi mo na kasama ko si Coleen. Oo tama ka. Pero mali ang nasa isip mo. Ang kapal ng mukha nito na patuloy na magsinungaling sa kanya.
Nang umalis ka sa buhay ko. Binura mo lahat ng pangarap at plano natin. Kasama nang binura mo ang pagmamahal ko sayo. Malamig niyang tugon dito. Saka niya oinahid ang mga luha na patuloy na naglalandas sa mga mata niya.
Mahal kita mandy. Iyon ang totoo. Bumalik ako kasi mahal kita. Umalis lang ako noon dahil sa pakiusap ng---. Naputol ang iba pang sasabihin nito ng may tila kulog na boses ang nagpahinto sa oras niya.
Stay away from her Benitez. Or else I'll kill you.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Siya Ay Ako At Ako Ay Siya (amanda Book 2)COMPLETED
General FictionAmanda and Coleen are both black and white sisters. Amanda can be compare in a sweet sunflower. While coleen is a dark rose with a sharp thorns. They were have all the similarities. People can mistaken anyone one of them. People can't easily point...