Pen # 3

338 22 38
                                    

Chapter Three

Myka's POV 

"What the heck is this?" Litanya ni Misha habang nakapameywang na nakatunghay sa hapagkainan.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nauna ng naupo sa hapagkainan. Inayos ko naman ang pagkaupo ni Tyson na katabi ko lang. Kaharap ko si Misha at Kuya Tristan.

"Pagkain 'yan Misha." Bored na sabi ni Kuya Tristan habang sumasandok siya ng kanin. Nilagyan naman niya ng kanin ang plato ni Misha na maarteng nakatingin pa rin sa ulam na nasa harapan niya.

"But it doesn't look like a food to me. Is it edible in the first place?" Maarte niyang sagot.

Napailing na lamang ako. Hindi pa ba siya sanay? Halos Mag-aapat na taon nang iyan ang ulam namin tuwing tanghalian.

Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato ni Tyson at ang akin din.

"Kainin mo na lang ang nakahain, Misha." Ma-awtoridad na sabi ni Kuya Miko na kababalik lang galing sa labas. Hinatid niya iyung mala-Hipon niyang babae. Umupo siya sa dulo ng lamesa.

"No. I won't eat cheap meals." Matigas na sabi ni Misha. Nangunot ang noo ko do'n. Araw-araw, lumalala ang kaartehan niya. Pinanganak naman talaga siyang maarte ngunit nasa lugar ang kaartehan niya NOON. Pero mas lumala ito ngayon.

Walang pakealam si Kuya Tristan sa nangyayari sa paligid niya. Palagi lang siyang nakatunghay sa PSP niya habang ngumunguya.

Matapos mailagay ang ulam at kanin, pansin kong tinignan muna ni Kuya Miko ang anak na si Tyson na nagsisimula ng kumain sa tabi ko. Ipinukol naman niya ang paningin kay Misha na ngayo'y nagkukutkot na ng kuko sa harap ng hapagkainan.

"Kumain ka Misha."

"I said, I won't Kuya!"

"Bahala ka, ikaw din naman ang magugutom." Saad ni Kuya Miko sabay subo ng pagkain.

Nagsimula naman akong kumain. Pero hindi pa rin ginagalaw ni Misha ang pagkain niya.

"Tinawag mo na sana si Mama, kuya." Biglang saad ni Kuya Tristan kay Kuya Miko habang na sa PSP pa rin ang paningin.

"Kumain na raw." Sagot naman nito.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Ganyan iyang si Nanay, once na maglaro ng sugal sa kapitbahay, asahan mong gagabihin iyan. Hindi na nga ata alintana ang gutom at pagod eh. Wala siyang trabaho kaya iyan ang nagagawa niya araw araw. Saan siya kumukuha ng pera? Sa dalawa kong Kuya. May trabaho si Kuya Tristan bilang Mekaniko habang si Kuya Miko naman ay construction worker.

Binibigyan nila ng pera si Nanay para hindi raw mabagot dito sa bahay. Minsan nananalo naman ito, pero lamang ang talo niya. Wala siyang nakukuha sa aking salapi dahil hindi ko siya binibigyan. Hindi sa pinagdadamutan ko ang sarili kong Ina, ang sa akin lang, ayaw kong paghirapang trabahuin ang pangtustos sa bisyo niya. Kaya, minsan mainit ang ulo niya sa akin.

Napansin kong nagcecellphone na si Misha sa harap ng pagkain. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyung hindi nirerespeto ang pagkain.

"Keep your phone. Respetuhin mo naman ang pagkain, Misha. May oras sa pagcecellphone, at hindi iyun ngayon." Panimula ko.

Natigil siya sa pagtitipa at matalas ang mga matang tumingin sa akin.

"Duh! Why would I? Eh sa hindi ko gusto iyang pagkaing inihanda mo. Wala na bang iba?" Maarte nitong tanong.

"Misha ang ingay mo." Suway ni Kuya Tristan na natatawa pa. Hindi ko alam kung sinusuway niya ba ang kapatid o pinagtatawanan niya kami.

"Wala na. Kaya masanay ka na."

Behind the Pen (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon