Chapter Four
Myka's POV
"Table 13. Two Classic Martini and a bowl of vinegar chips." Saad ng Drinks and Liquor attendant namin habang binibigay sa akin ang order ng na sa may table 13.
"Got It!" Sabi ko sabay kuha ng tray at nagsimula ng magtungo sa nasabing table.
Nabibingi ako sa lakas ng tugtog ng hired DJ na ito. Metal rock lang naman ang pinatutugtog niya with matching sweet music na ang landi pakinggan. Pero kahit gaano kaingay, parang nakasanayan ko na rin ito. Almost three years na akong nagtatrabaho dito at sanay na ako sa ganitong buhay.
This is my work. This is my night life. Working as a waitress sa isang malaking nightclub, wearing black short shorts at red fitted polo shirt na kita ang aming mga pusod. Sexy and daring. Ganiyan ihalintulad ng mga tao dito ang trabaho namin. Kahit hindi man kami iyung nasayaw sa harapan, gano'n na rin daw ang tingin ng iba sa amin. Sad, but half truth.
Ng madatnan ko ang may-ari ng order, hindi kasi ako ang nag-asikaso sa pagkuha ng order na ito, ang akalain ko ay mga bunch of boys ang nagmamay-ari nito, 'di ko inakalang isang babae pala.
Minor?
"Here's your order Ma'am! Two bottles of classic martini and a bowl of vinegar chips." Saad ko habang iniisa-isang nilalagay ang mga ito sa lamesa niya.
I took a glimpse of her at masasabing, nag-uumapaw ang pagiging walang pake niya sa mundo. Nakatulala lang siya, hindi alintana ang presensya ko.
"Enjoy your night!" masiglang saad ko. Lalakad na sana ako paalis ng marinig ko siyang magsalita.
"How I can enjoy this damn night when in the first place, there's nothing to be enjoy of?" Maarteng sabi niya.
I faced her. Hindi siya nakatingin sa akin at nakatulala lang. I know how to read spaces between two lines, at sa tingin ko may pinagdadaanan ang taong ito.
Kung kagaya pa ako ng dati, siguro pinatulan ko na ang mga pinangsasabi niya. That was me after all, aggressive. Pero matapos ang pangyayaring iyun, gumuho ang mundo ko. Nagbago ang pakikitungo ko. Nalaman ko ang mga bagay bagay na hindi ko alam noon. Kaya ko ng pigilan ang pagiging mainitin ng ulo at pagtatalak ng bibig ko. Naging mas seryoso ako sa buhay. Natuto akong balewalain ang kritisismo na natatanggap ko sa ibang tao.
"Then, find peace with yourself tonight. So that you can enjoy little things. Maiwan ko na po kayo." Sabi ko at naglakad na patungo sa staff room.
Pero ang mas nag-iba sa akin ay ang pagiging malalim ko sa pananalita.
Walang tao sa staff room nang makarating ako. Dito namin inilalagay ang mga gamit namin. Minsan lang naman kami dito, dahil hindi pwede mamamalagi dito ng matagal lalo na't working hours.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang alas-nube na ng gabi.
Oras na ng pag-inom niya ng gamot. Nakainom na kaya iyun?
Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ko, ng makuha ko ito, I took my speed dial and call the person behind it.
"Hello, Tita." Saad ng nasa kabilang telepono.
"It's already Nine o' clock in the evening, Tyson. Uminom ka na ng gamot?" pag-alala ko.
Yes, it was Tyson. Binigyan ko siya ng phone for emergency purposes since siya lang ang andoon sa kwarto ko. Even though hindi siya marunong gumamit ng keypad na phone, I just thought him two basic things. If kung mag-ring ang phone na iyun, which is na sa side table lang naman din, malalaman niyang ako ang tumatawag, and all he should do is click the green keypad to answer the call. While kung may emergency man doon at gusto niyang tumawag sa akin, I taught him to long press the number one keypad and stop when he'll hear the phone ringing. Ako na lang naman kasi ang na sa speed dial niya.
BINABASA MO ANG
Behind the Pen (UNDER MAJOR REVISION)
General FictionSi Myka Vanessa ay isang breadwinner ng kaniyang pamilya, pero tinuturing siyang blacksheep ng sariling kadugo dahil sa insidenteng pilit niyang binabaon sa limot at pinangakong dadalhin niya hanggang sa kaniyang hukay. Upang makatugon sa pangangail...