Pen #2

344 20 27
                                    

Chapter Two

Myka;s POV


"Oh siya, hanggang dito na lamang ako."
Panimula ni Lizzel ng makarating kami sa kalye ng baranggay namin.

Magkaibang baranggay kasi kami ng tinutuluyan ni Lizzel.

"Salamat nga pala kanina. Kung hindi dahil sa'yo, malamang hanggang ngayon nasa pavement parin ako ng basement, nakatihaya." Saad ko.

"Nako, small things. Not big things. Echos! Ikaw naman kasi, hihimatayin ka na nga lang, sa may semento pa. Sa susunod, sa kutson ka ha? Mabuti hindi nabagok ulo mo. Buang ka pa naman." Pang-iinis niya.

Napangiti na lamang ako. That's Lizzel. Palaging ginagawang maliit na bagay ang mga bagay na sa tingin niya ay sineseryoso ng iba.

"Ewan ko sa'yo." Nasabi ko na lang.

Lumihis ang tingin niya sa akin. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan niya. Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga.

"Babad na naman sa sugal iyang si Aling Mariposa. Tsk! Tsk! Tsk! " Sabi niya patungkol sa Nanay ko.
Tanaw namin ang Nanay ko na busy sa pagsusugal kasama ang mga kapitbahay namin.

"Oo nga eh. Nahihirapan na rin ako minsan." Pag-amin ko.

Napabaling ang paningin niya sa akin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo. Iwa --- "

"Maraming salamat sa paghatid Lizzel! Ikaw na ang pinakamagandang kaibigan ang meron ako." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Sesermonan na naman kasi niya ako.

Kumunot ang noo niya. Iyung tipong naiinis siya.
"Eh kasi naman Myka Vanessa, ako lang naman PO ang natatanging KAIBIGAN mo. Konting paalala, wala na po kayong kaibigan."

Napairap tuloy ako. "Pinaalala mo pa. Matagal ko ng tanggap ang katotohanang iyan. Uso move on ngayon Lizzel."

Tinawanan lang niya ako sa sinabi ko.
"Wow! Nagmula pa 'yun sa taong hindi naka-move on. Bakit, nagkita na ba kayo muli ni Louise? Ni Da --- "

Tinampal ko ng mahina ang noo niya kaya siya natigil.
"Mauuna na'ko. Bye." Sabi ko at agad na naglakad papalayo sa kaniya.

"Iyan! Ganiyan ka! Iwas topic! Pumasok ka mamaya sa club ah! Bawal absent ngayon sabi ni Sir!"

"Oo!" sagot ko na lamang.

Napapadalas na masiyado ang paghihimatay ko. Ang sabi lang naman ng mga doctor ay stress lang daw at pagod ito.

"Myka! Nagugutom na ako, wala pang pagkain! Ganiyan na ba palagi ang madadatnan ko kada-uwi ko dito sa letseng pamamahay na ito?"

Pagkapasok ko palang nang bahay iyan na agad iyung bumungad sakin. Kung anong saya ko habang kasama si Lizzel, gano'n din ang kabaliktaran no'n kapag umuuwi ako sa bahay. Palagi namang ganiyan ang bumubungad sa akin. Commanding me like I am their pet.

Iyan ang reklamo nang nakatatanda kong kapatid na lalaki. Si Kuya Tristan.

I take a deep breath as I heard that. Kailan ba ako papasok sa bahay na ito na hindi maririnig ang mga reklamo nila? Kailangan ko pa kayang mabingi bago mangyari iyun?

"Magbibihis mun ako saka---" hindi pa ako tapos magsalita nang tingnan niya ako ng masama.

"Eh! Ano naman ngayon? Gusto kong magluto ka! Ora mismo! Hindi ka ba makakapagluto kong hindi ka makapagbibihis? Pwede ba Myka, huwag puro arte."

Behind the Pen (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon