Chapter Six
Myka's P.O.V
"Myka, pakibigay naman to sa table #13." utos sakin ni Benjo, barista/manager namin.
Kinuha ko naman yung iniutos niya at nagsimula nang maglakad. Nandito ako ngayon sa work ko sa clubhouse kung saan mamayang 8:30pm pa out ko. Bigla naman may humarang sa daan ko. Si Lizzel kaibigan at kasama kong server dito sa club.
"Uy Lizzel, tabi nga pupuntahan ko pa yung customer ko!"
"Customer mo? Sabi sayo table 13, dun yun oh! Oh bat papunta kang C.R aber?" sabi neto. Para naman akong natauhan at bumalik sa dinaanan ko at ibinigay na sa costumer yung order nila. Nang naka standby nalang ako nilapitan ako ni Lizzel.
"Hoy! Ok ka lang? Kanina ka pa lutang ah! Tungkol na naman bato kay Tyson? Nako wag kang mag-alala mabubuhay pa yung bata!"
"Ewan ko sayo, pati bata dinadamay mo."
"Eh ano ba kasi iniisip mo?"
"Nung on-duty pa ako kanina sa gasoline station, tumawag yung malibog mong pinsan."
"Sino dun? Marami kasi sa pamilya namin yan eh!"
"Che! Ewan ko sayo!"
"Oh! Ano? Tapos?"
"Si Mr.Ynarez y---" natigilan ako nang tumawa ito.
"Oh! Anong tinatawa tawa mo?"
"Hahaha! Hindi parin kasi ko sanay na yun yung ginagamit niyang apelyido. Sa papa kasi ni yan. Apelyido nang mama niya yung nakasanayan nyang ginagamit noon. Kaya piece of advice wag na wag mong tinatawag na Salamero yun, nagiging beastmode yun! Oh siya ano sabi niya?"
Salamero? Familiar.
"Ayun, sabi niya kailangan daw akong mag report nang 10:00am bukas!" galit kong sabi.
"Oh! Anong problema dun?" balewalang niyang tanong.
"What's the problem? Lizzel, c'mon oras nang duty ko yun sa coffeeshop!" sabi ko. Para naman siyang natauhan!
"Oo nga no? Gago yun ah! So ano sabi mo? Sana nag-excuse ka at sinabi ang totoo!"
"Sinabi ko na, pero di paawat eh! Sabi daw on time at sharp. Sharp-sharpin ko mukha nun eh!"
"Myka! Edi pumunta ka nang maaga, ang good kaya nun diba? Masyado kang punctual!"
BINABASA MO ANG
Behind the Pen (UNDER MAJOR REVISION)
General FictionSi Myka Vanessa ay isang breadwinner ng kaniyang pamilya, pero tinuturing siyang blacksheep ng sariling kadugo dahil sa insidenteng pilit niyang binabaon sa limot at pinangakong dadalhin niya hanggang sa kaniyang hukay. Upang makatugon sa pangangail...