Before The Worst"Amethyst." Untag sa akin ng babae.
Naalimpungatang umangat ako sa pagkakaupo, kinusot ko ang mga mata habang tumitingin sa paligid. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan pero wala akong makita. Masyadong madilim.
"Amethyst," tawag niya ulit.
Nilingon ko siya at tinignan, hindi ako nagsalita. For I'm lost of words and didn't even know what to say. I've lost Crystal. I've lost my sister, the only family I have. And I felt like I've lost my world. My other half.
Muling bumara ang aking lalamunan at lumunok ako. Hindi ko kailangang umiyak. Hindi ko kayang umiyak.
Lumapit siya sa akin at may kinalikot sa bulsa ng coat na ibinigay ni Crystal. Inilabas niya ang isang syringe. May laman iyon sa loob na kulay pulang likido.
"Amethyst." Aniya. "This will help you."
"A—Ano iyan?"
"This will help you forget everything." Bulong niya, more on to herself. Hindi ko iyon narinig kaya nagsalubong ang aking kilay.
"H—Hindi ko po maintindihan."
"You don't have to."
Inabot niya ang kanang braso ko, nagaalinlangan ko pang inangat iyon. Tinanggal niya ang takip niyon.
Unti-unti niyang itinusok ang karayom na iyon sa aking braso. I flinched. Nakaramdam ako ng pagkahilo, nanlabo ang aking mga mata. Halos mamanhid ang aking braso sa itinurok niya. But I could feel the sting there, para bang pinasukan iyon ng malamig na bagay.
Nang maubos ang pulang likido ay saka niya dahan dahang hinugot ang syringe. Sumandal ako sa upuan at unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.
"With this injection, you will experience losses of memory." Aniya, "I can't explain everything right now, but somehow, I hope someday you'll find out the truth."
Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil parang nawala doon ang diwa ko. Para bang inaantok ako. Para bang...
Hindi ko na natapos ang aking iniisip nang tuluyan na akong mapapikit at dalawin ng antok.
~•~
Humarap ako sa salamin at nakita ko ang sariling repleksyon. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri then I smiled, but my eyes didn't.
Kaka-graduate ko lamang ng college at nagtatrabaho sa isang firm bulang secretary. Okay naman, masaya ang buhay ko. Pero parang may kulang. Parang may nawawala. Hindi ko alam kung ano. It's just that...it feels like I lost something valuable.
I sighed then told myself, "Nababaliw ka na, Amethyst."
Tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Dumako ang aking paningin sa kulay purple na mata ko. It's unusual. Maraming naiinggit dito. Ang sinasabi ko naman ay dahil sa Alexandria Genesis iyon, it's a fucking rare eye disease that doesn't even affect my eye sight.
I was born with a Alexandira Genesis, ayon kay Tita Jane. Siya na lang ang kamag-anak ko. Wala na akong magulang, hindi ko alam kung nasaan at wala akong balak alamin. Maswerte na lang ako kay Tita Jane dahil hindi niya ako pinapabayaan kahit pa nga ba paalis alis siya dahil sa kaniyang trabaho.
I took a deep breath then turned. Dinampot ko ang roba na nasa kama at isinuot. Sakto namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
"Amethyst." Tawag ni Tita Jane, her voice seemed panic.
"B—Bakit po?"
Lumapit siya sa akin at hinila ako paupo sa kama. "You see, kailangan kong ibenta itong bahay."
"Po?!"
"Ano kasi..." Parang nagdadalawang isip pa siya bago nagsalita, "Matagal akong mawawala, dahil sa trabaho ko."
"Pwede naman akong maiwan dito?"
Umiling-iling siya. "No! Kailangan mong lumipat. I mean, magboarding ka. Yung mas malapit sa trabaho mo."
I pursed my lips, "Pero, Tita Jane—"
"Please, Amethyst?" Pagmamakaawa niya. "Kailangan mong umalis dito."
Bumuntunghininga ako, "It's too sudden."
"Amethyt—"
"Pagiisipan ko po."
~•~
"Amethyst!" I finger flicked in front of me.
Bigla akong napabalikwas. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid at napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. My face flushed.
"W—What?"
"Why are you sleeping? And you're sleep talking!" Demetris hissed beside me, bulong lamang iyon pero hindi nakatakas sa akin ang pagkairita niya.
I was about to say something when a boisterous laugh cut me off. Napatingin ako kung kanino nanggaling iyon, kay Constantino Evans.
Constantino Evans talaga ang pangalan niya, hindi Prince Con Evans pero iyon ang gusto niyang itawag sa kaniya. He's a conceited son of a bitch, no rather, the son of a senator.
Demetrius poked me in the side with his elbow and in confusion, I looked down.
"But she's sleeping so beautiful." Sabi ni Con.
Nang marinig ko ang huli niyang sinabi ay namula ako at napayuko pa lalo. Pero kita ko sa gilid ng aking mata ang masamang tingin sa'kin ni Demetrius, and again, he poked my side. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kaniya.
"Anong sabi ko kanina? Stop oggling that stupid prince." Bulong niya, "Prepare yourself for the punishment later."
Lumunok ako, halatang badmood na badmood siya sa hindi ko malamang dahilan.
Gusto kong itanggi ang akusasyon niya, that I didn't even oggling that prince. Na hindi ko naman gusto ito. Na nagkakamali siya. Pero imbis na sumagot ako ay minabuti ko na lamang na tumahimik.
Binitawan niya ako at humarap na muli kay Con, nakataas na ang gilid ng kaniyang labi at para bang wala siyang sinabing kung ano sa akin.
I sighed. Pilit kong isinisiksik sa sulok ng aking puso ang mga sinabi niya kanina. Na para ba akong isang alaga lamang sa kaniya.
Nagpatuloy sila sa pinaguusapan na wala naman akong maintindihan. Wala din akong balak intindihin. Maraming gumugulo sa isip ko.
Hindi ko siya maintindihan. He said, he wanted us to start over. Umasa ako, akala ko nagkakamabutihan na kami. And then now, he's treating me again like a pet. Like some kind of a whore.
The thought of fleeing again is too hard to ignore. Gusto ko na namang umalis, ang makatakas sa kaniya. But this time, sa ibang kadahilanan na. I need to get away from him, before the worst. Before I fall for him, completely.
~•~
Author's Note:
Sorry kung magulo, maraming typo, wrong grammar at kung anu ano pa. HAHAHUHUZ. 😭 Nagmamadali akong mag-update, e. And malapit na siyang matapos, I think five more chapters na lang? Anyways, salamat sa mga nagbabasa, bumoboto at nagcocomment. 😘 Love you, guys.
BINABASA MO ANG
Bought by the Baddest Bidder (Fin)
Science FictionHumanoid Series #1 Amethyst Rei was just a normal employee but for some reason, she was kidnapped and auctioned from a black market auction! The one who bought her was Demetrius King, a man with a beautiful face who's hiding his inner self. And litt...