Chapter 3: Completely Smitten

32 2 1
                                    

Chapter Three


*Myungsoo's POV*


Naaalimpungatan ako. Tinignan ko ang alarm clock ko at nakita kong alas tres pa lamang ng madaling araw. Bumangon na muna ako para icheck ko si Dianne sa kwarto niya. Lately kasi, napapanaginipan niya ako. Iniiwan ko daw siya sa mga panaginip niya... hindi ko alam kung bakit niya napapanaginipan ang mga iyon. Dahil ba sa iniisip niyang iiwanan ko siya? Hindi ko magagawa sa kanya iyon. Hindi ko siya iiwan.


Nang makalabas ako ng kwarto ko, naramdaman kong umihip ang hangin kaya napatingin na agad ako sa balcony. Gumagalaw ang mga kurtina dahil sa hangin at naaninag ko si Dianne na nakatayo doon. Nagbuntong hininga ako. Napanaginipan niya ako... ulit.


Gustong gusto kong ipakita sa kanya na kung ano man ang napapanaginipan niya ay isang panaginip lamang iyon at hinding hindi mangyayari kahit kailan. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.


"Bakit gising ka? Nung chineck kita kanina, tulog ka." Sabi ko sa kanya. Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya at inamoy siya. Ang bango niya. She's so addicting.


"Wala... naalimpungatan lang ako." There. She's lying... again. Hinarap ko siya sa akin at kwinento niya na ako daw yung ikakasal at naglalakad daw siya papunta sa akin pero hindi naman daw siya ang babaeng pakakasalan ko.


Ayoko man, pero kinabahan ako sa sinabi niya. Pilit kong iniiwasan ang pangyayaring ipapakasal ako ni Daddy sa iba. Naging rebeldeng anak pa ako, dahil lang sa pag iwas ko sa arrange marriage na 'yan. Pero ngayong kasama ko si Dianne, nothing else matters. Wala akong pakialam kung ipakasal ako ni Daddy sa iba. Simple lang ang magiging solusyon ko diyan.


Aalis ako. Tatakasan ko ang mundong pilit na isinisiksik sa akin ng tatay ko. At sa pag alis ko, isasama ko ang babaeng mahal ko.


"Shooting star!" Napatingin ako sa tinuro niya at nakita kong bumagsak ang bulalakaw. Binalik ko ang tingin ko kay Dianne at nakapikit na siya ngayon. Nangiti ako. Ang ganda ganda niya lalo na kung nakangiti siya dahil sa mga simpleng bagay lang. Kahit magulo ang buhok niya dahil sa hangin, kahit may muta pa siya sa mata, kahit yata di pa siya nagtu-toothbrush, hindi pa din ako magsasawang tignan siya araw araw at sabihing mahal ko siya. This love... is just too much. Na pakiramdam ko, kahit ang dami niyang flaws, mamahalin ko pa din siya at mas mamahalin ko pa siya.


"Nakita mo yung shooting star?" tumango ako. Lumapad pa lalo ang ngiti niya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang ganda pala nun. First time ko makakita ng shooting star!"


"Mas maganda ka, baby." Ngumuso siya dahil sa sinabi ko. Nangisi ako sa ginawa niya. Kinikilig dahil sinabi ko ang endearment na matagal ko ng gusting sabihin sa kanya. Simula ngayon, ganyan na ang itatawag ko sa kanya. It suits her.


Iniba niya ang usapan. Halatang kinikilig ang babaeng mahal ko. Natutuwa tuloy ako. "Nag wish ka ba? Kasi ako, nag wish ako."


"Oo naman. Ano bang ni wish mo?" tanong ko.


Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon