Chapter 1: Shooting Star

63 2 0
                                    

Chapter One


Minulat ko ang mga mata ko at agad bumangon. Napatingin ako sa alarm clock at nakita kong alas tres pa lamang ng madaling araw. Napapikit ako at pinasadahan ko ang buhok ko ng kamay ko at binasa ko ang nanunuyo kong labi.


Mayamaya ay tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto ko. Pumunta akong kusina at binuksan ang ref para tignan ang inistock naming bottled water. Kumuha ako ng isa at dumiretso sa may veranda. Binuksan ko ang bote at uminom habang tinatanaw ko ang iba pang matatayog na building ng Hong Kong. Tumigil ako sa pag inom ng tubig at muling tinakpan ang bote. Umihip ang hangin at niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na dinulot nito.


Naramdaman ko agad ang mga bisig na bumalot sa akin mula sa likuran ko. Nangiti ako at hinaplos ko ang mga bisig niya.


"Bakit gising ka? Nung chineck kita kanina, tulog ka." Sabi niya sa akin. Naramdaman ko ang pagbaon niya ng mukha niya sa balikat ko.


"Wala... naalimpungatan lang ako." Pagsisinungaling ko. Mayamaya pa'y nawala na ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin at iniharap niya ako sa kanya. Nakita ko na naman ang pagpungay ng mala pusa niyang mga mata dahil sa antok.


"Isang masamang panaginip na naman ba?" tanong niya. Napabuntong hininga ako. Kabisado niya talaga ako. Hindi ako makakapagsinungaling sa kanya kahit kailan. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang.


"Tungkol na naman ba sa akin?" hindi ako nagsalita pero nagpatuloy lang siya. "Ano naman napanaginipan mo ngayon?"


"Napanaginipan ko..." hindi ko alam kung itutuloy ko bang ikuwento sa kanya ang panaginip ko. Pero dahil handa siyang makinig, ay ginawa ko na din. "Na merong isang kasalan daw... nandoon tayong dalawa. Ayun nga lang, nasa aisle ka at ako naglalakad papunta sayo..."


Bigla naman siyang sumimangot. "Ano namang masama dun? Ayaw mo bang makasal sakin? Tss."


Tinulak ko siya sa noo. "Baliw. Patapusin mo muna kasi ako, Kim Myungsoo."


At ayun, nagbehave siya na parang bata. Kaya nangiti naman ako. Kahit papaano, nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita muli.


"Naglakad daw ako papunta sayo... pero hindi naman pala ako ang babaeng ikakasal sayo... ibang babae daw ang nakalaan para sayo. Ibang babae daw ang nakatuluyan mo..." saad ko sa kanya. Kahit tapos na akong magsalita, nanatiling poker face lang siya na para bang hindi ako nagsalita.


Napakagat ako ng labi. Maraming panaginip ko na na involve siya. At lahat ng iyon, ay either iiwanan niya ako, o kaya naman ay sasama siya sa ibang babae. Ganoong ganoon ang ginagawa niya sa panaginip ko. Aware naman siya sa mga kinukwento ko sa kanya na mga panaginip ko. Pero sa tuwing kinukwento ko sa kanya iyon, tatahimik siyang ganyan at sasabihing paranoid lang ako at wag ko na daw isipin iyon.


"Forget it. Sige. Hindi na ako magkukwento ulit ng mga ganoon. I'll try my best para hindi na ulit magkaroon ng mga ganoong klaseng panaginip—"

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon