Chapter 7: To The Rescue

23 1 0
                                    

Chapter Seven


Agad agad akong bumaba at nakita kong nagkukumpulan ang INFINITE sa pintuan, tinitignan ang monitor ng pintuan. So, confirm ngang sila Daddy iyon.


Napatingin sa akin si Hoya at sinabing, "Hindi mo man lang sinabi sa amin na pupunta ang magulang mo."


"H-hindi ko din alam!" sabi ko. "Actually, kakatawag lang nila sa akin ngayon. Sabi nila pupuntahan daw nila ako pero hindi ko alam na ora mismo pala nila ako pupuntahan dito!"


"Hoya," saad ni Namu. "Ikaw ang makipag usap."


"Hindi. Kailangan natin ng plano." Saad naman ni Dongwoo.


"Hindi naman siguro maganda kung makikita nila si Dianne na nasa isang unit na kasama ang pitong kalalakihan, diba?" sabi naman ni Sungyeol.


"Pero bago 'yan," saad ni Sunggyu at napatingin kay L. "L, magtago ka na muna."


Napatingin si Sungjong sa kanila. "Magandang ideya 'yan. Kami na ang bahala dito."


"Ha?" saad ko naman. "Pero bakit—"


"Magtiwala ka lang samin, Dianne." Sabi ni Sunggyu at ngumiti. "Alam namin kung paanong gagawin namin. Sa ngayon, kailangan magtago ni L dahil poprotektahan namin ang boyfriend mo."


Sinenyasan naman ni Hoya si L na lumapit sa kanya at patakbo silang umakyat sa taas. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tinawag ni Sungjong ang atensyon ko.


"Dianne, ikaw ang magbukas!"


"A-ako?" tanong ko sa kanila habang nakaturo ako sa sarili ko.


Tumango si Sunggyu. "Oo, ikaw. Pupwesto na kami."


Agad namang nag disperse ang mga lalaki. Sila Sunggyu, Sungjong at Dongwoo ay umupo sa sofa at binuksan ang TV samantalang si Namu naman ay umupo sa carpet, sa harap lang nila Dongwoo, at hinugot ang cellphone mula sa bulsa niya at kinabit sa tainga niya ang headset na nakasaksak sa cellphone niya. Si Sungyeol naman, dumiretso sa kusina.


"A-anong gagawin ko?" tanong ko sa kanila. Naging mabilis pa ang pag doorbell nila Daddy. Ibig sabihin, naiinis na siya dahil kanina pa sila doorbell ng doorbell at hindi na sila makapaghintay.


"Buksan mo na." simpleng saad ni Gyu liit mata. Nag alinlangan pa ako dahil hindi ko naman alam kung anong plano nila pero sinunod ko na din. Pagkabukas ko, bumungad agad sa akin ang galit na mukha ni Daddy. Si Mommy naman at si kuya Lawrence ay naroon sa likod ni Daddy.


"D-dad..." sabi ko, tinitignan ko ang mga mata ni Daddy.


Walang sabi sabi ay bigla siyang pumasok kaya nagpatuloy ako sa pagtawag sa kanya. Hinawakan ni Mommy ang braso ko at binigyan ako ng tingin na namimiss niya na ako. Ngumiti ako sa kanya ng tipid pero kailangan kong sundan si Daddy kaya bumitaw siya sa akin at sinundan ko si Daddy. Napahinto si Daddy sa paglalakad nang Makita niya sila Sunggyu na nasa sofa at nanonood. Kinabahan naman ako bigla at napatingin sa kanya.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon