Chapter 4: Shenzhen and Macau

38 2 1
                                    

Chapter Four


*Dianne's POV*


Day after ng Disneyland namin, nagpunta naman kami dito sa Shenzhen. Nag train lang kami papunta doon ni L. Hindi naman katagalan ang biyahe pero nakakapagod pa din. Bukas daw ay sa Macau naman kami pupunta sabi ni L.


Nag check in muna kami sa isang hotel doon at nilapag namin ang mga gamit namin sa mga kwarto namin. Pero di tulad ng hotel namin sa Hong Kong, itong hotel namin sa Shenzhen ay magkahiwalay kami ng suite ni L dahil walang suite dito na katulad nung sa hotel sa Hong Kong. Magkatabi naman kami ng suite kaya hindi na din ako nag aalala.


Nilapag ko muna ang mga gamit ko at dumungaw sa bintana. Nakita ko ang mga mabibilis na sasakyan na dumadaan sa tapat ng hotel naming ito. Maganda ang weather ngayon. Maaraw, asul ang langit, at hindi gaanong maulap. Ngumiti ako bago ko chineck muli ang cellphone ko.


Matapos ang usap naming iyon ni Sungyeol, hindi na ulit siya tumawag o nag text man lang sa akin. Nagtitext naman sa akin si Nicole kung ano na ang ginagawa ko. Sabi ko naman sa kanya lumipat kami ng hotel, pero di ko sinasabi na nasa ibang bansa ako. Ang alam niya lang kasi, nasa Palawan lang ako, nagbabakasyon kasama ni Jadyn. At siyempre, dahil bestfriend ko si Jadyn, pinagtatakpan niya ako.


Matapos ko siyang itext ay sakto namang may nagdoorbell kaya naman ibinulsa ko na ulit ang cellphone ko at pumunta na sa pintuan. Sinilip ko muna sa peep hole kung sino iyon at nakita ko si L na nag aayos ng buhok habang hinihintay kong pag buksanan siya ng pintuan. Nangiti naman ako dahil ang cute lang niya. Kaya di ko na napigilan ang sarili kong buksan ang pintuan habang nakangiti sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya.


"Ready ka na?" tanong niya.


Tumango naman ako. "Yup. Tara na."


Kinuha ko lang ang purse ko at umalis na kami ni L. Unlike sa Hong Kong, nag taxi naman kami kaagad. Sinabi niya sa taxi driver ang destination namin. Nakipag usap ulit siya sa taxi driver gamit ang Chinese Language at ang tanging naintindihan ko lang ay Splendid China Folk Village. I assume na doon kami pupunta.


"L..." tawag ko sa kanya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. "Hanggang kailan pala tayo dito sa Shenzhen?"


"Hmm... hanggang bukas. Bakit baby?" tanong niya pabalik sa akin.


Umiling lamang ako. "Wala naman. Narealize kong... nakakamiss din pala ang Pilipinas. Namimiss ko dahil nandoon ang mga taong mahal ko."


"Miss mo na din ba ang... magulang mo?" tanong pa niya sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Siyempre naman!


"Oo naman! Ano ka ba. Bakit mo ba tinatanong 'yan?" tanong ko sa kanya.


"Gusto mo na bang Makita sila ulit?" tanong pa niya. I don't know why he's acting so weird. Siyempre naman. Sino ba namang anak ang hindi gustong Makita ang magulang? Abnormal na siguro 'yun.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon