Chapter 11: After The First Fight

26 0 0
                                    

Chapter Eleven


Naramdaman ko na lang na may humahaplos ng pisngi ko kaya naman unti unti kong minulat ang mata ko. Bumungad sa akin si L, na seryoso nung una ang tingin sa akin pero unti unti naman akong binigyan ng tipid na ngiti.


"Hi." Ang bati niya sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko at nakatuon siya sa akin. Ngumiti din ako ng tipid pabalik bago ako nagdesisyong bumangon at umupo.


Tinignan ko muna ang orasan. 6pm. Dang. Tatlong oras na din pala akong natutulog. Binaling ko ang tingin ko sa kanya.


"Ang tagal mo... kanina pa kita hinihintay..." medyo husky pa ang boses ko dahil bagong gising lang ako.


Hinawakan niya ang kamay ko at habang nakatingin doon ay saka siya nagsalita, "Alam ko. Tinext ako ni Sungyeol kanina. I'm sorry... medyo kumplikado kasi ang sitwasyon sa kumpanya ngayon..."


Pinikit ko ang mata ko at nagbuntong hininga ako habang tumatango tango. "Okay lang... okay lang. Naiintindihan ko..."


Nakatingin lang ako sa mga daliri naming dalawa. Pinaglalaruan niya ang daliri namin. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Should I say sorry? Or dapat ko bang sabihin na mali ako nang hindi pa nagsosorry? Or tanungin siya kung gusto ba talaga niya ako manatili pa dito?


Pero bago pa man ako makapagsalita, naunahan niya na ako. "Baby... I'm sorry."


Napatingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin. Nananatili pa din ang tingin niya sa daliri naming dalawa. "L, tignan mo ako."


Ginawa din naman niya. Napakurap ako dahil sa ganda at mapang akit na mga mata niya. "L... ako dapat ang magsorry. Masyado kong inisip lang 'yung sarili ko. Ni hindi ko naisip 'yung sa'yo. I'm sorry. Hindi na ulit ako makikipag break..."


"Dapat lang," sabi niya. "Huwag mo na ulit tangkaing makipag break sa'kin dahil hinding hindi ako papayag kahit kailan. Never."


Natawa naman ako ng mahina dahil para siyang bata na humalukipkip pa. "Hoy, bata. Ngiti na. Di ko na uulitin 'yun. Magbati na tayo."


Tinignan niya lang ako tapos ay nag angat siya ng hinliliit niya. "Swear it."


Tumawa ako ng malakas dahil sa inasta niya. Seryoso, pinky swear pa ang gusto? Really? Isang Kim Myungsoo, nagpipinky swear? Grabe. Iba yata talaga nagagawa kapag mahal mo ang isang tao.


"Bakit mo ako tinatawanan? Anong nakakatawa?" tanong pa niya pero hindi pa din niya binababa ang hinliliit niya.


"Para kang bata talaga! Naniniwala ka pa sa mga pinky swears?" tanong ko sa kanya.


"Anong masama dun? Eh dati nga--- never mind. Oo na, naniniwala pa din ako sa ganyan. Pag nag pinky swear kasi, laging natutupad 'yung pangako." Sabi pa niya. Nakanguso pa siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya. Nakakatuwa siya. Ang cute cute!

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon