Chapter 6: Confusing Situation

19 1 0
                                    

Chapter Six


Unti unti akong naglalakad sa corridors ng hospital papunta sa ICU. Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa din sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Sungyeol kanina sa airport.


"Yung best friend mo, si Jadyn. Nasa hospital... comatose."

"Bumagsak daw ang eroplanong sinasakyan niya na papunta sanang New York. Siya lang ang nakaligtas sa mga sakay nun."

"Pero sabi ng doctor... kahit stable na siya, malaki daw ang tsansang... hindi siya makaligtas..."

"Dianne, saan ka pupunta?"


Tumakbo kaagad ako palabas ng airport nang sabihin niya ang mga iyon. Tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha ko. Akala ko nung una, nagbibiro sila. Akala ko nung una, nagjojoke time lang si Sungyeol. Pero totoo lahat ng sinabi niya. At ngayon, nandito na ako sa hospital nila Hoya, kung saan nakaconfine si Jadyn.


"Baby..." tinulungan ako ni L makatayo. Napaupo na kasi ako dahil hindi ko pa din kayang idigest lahat ng sinabi sa akin ni Sungyeol kahit na paulit ulit na itong umaalingawngaw at sumisigaw sa utak ko.


"Baby, ayos ka lang ba?" tanong ni L.


Tumango tango ako at pinunasan ang mga luha na tumulo ulit mula sa mga mata ko. "Okay lang ako. B-bitawan mo muna ako..."


Katulad ng sinabi ko, binitawan din naman ako kaagad ni L at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa ICU. Naiwan ko na yata doon si L pero hindi ko maituon ang atensyon ko sa kanya dahil nakatingin na agad ako kay Marian na nandoon at nakaupo, nakatakip ang mukha sa pagitan ng mga palad pero alam kong umiiyak din siya katulad ko. Nandoon din si Hetty, Havanna, at Eliza. Lahat sila ay nasa tabi ni Marian pero walang nagsasalita ni isa sa kanilang lahat.


"Marian..." saad ko kaya napalingon sa akin si Marian at agad tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako kaagad at niyakap ko din siya pabalik. Patuloy ang pag iyak niya habang ako ay hindi na din napigilan ang pag iyak ko.


"Dianne... Dianne, si J-jadyn..." sabi niya. Dahil sa pag iyak niya, garalgal na ang boses niya.


"L-lalaban siya. M-matatag siya... kilala ko siya. H-hindi siya susuko k-kaagad." Sabi ko habang humahagulhol.


Palaban si Jadyn. Pero hindi ko kayang Makita at marinig na nasa ganitong klaseng sitwasyon ang kaibigan kong halos ituring ko ng kapatid. Mahal na mahal ko ang bestfriend kong iyon, halos kalahati na ng taon ng buhay ko ay kasama ko siya. Pakiramdam ko, nagkasakit na din ako dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ko maisip na hindi ko siya makakasama hanggang pagtanda ko.


Kumalas sa yakap si Marian at pinunasan niya ang mga mata niyang namumugto na. "Dianne, kailangan mong maging matatag, okay?"


Tumango tango ako kahit na alam ko sa sarili kong baka hindi ko kaya. Naiisip ko pa lang ang posibilidad na baka hindi niya kayanin... nasasaktan na ako.


Nagpatuloy pa si Marian sa pagsasalita. "Kailangan nating maging matatag parehas. Dahil sa oras na malaman niya na heto tayo at iniiyakan siya, pipilosopohin niya tayo. Nakakatakot pa naman siya mamilosopo."

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon