Chapter 10: Friendly Advices

32 1 0
                                    


Chapter Ten


Naglakad kami ni Yeol pabalik ng Campus. Pero pagkalagpas na pagkalagpas namin sa gate, huminto siya at tinignan ako.


"Ready ka na?" tanong niya sabay ngiti. Kumunot ang noo ko. Ready sa pagkain? Aba oo naman. Or hindi ba iyon ang ibig niyang sabihin?


Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako. Una kaming pumunta sa tindahan ng Churros. Ang haba ng pila! Never ko pang natitikman 'to pero mukhang masarap nga, base sa pila lamang. Dinadagsa eh.


"May nagtitinda ng Churros sa Hong Kong, so I assume na pinatikim na ito sa'yo ni L?" sabi pa niya sa akin. Napakurap ako. Meron sa Hong Kong nito? Parang wala naman yata ako nakitang ganito doon.


Unti unti akong umiling kaya napakunot ang noo niya. "Hindi eh... madalas kasi kaming nasa mga mall o kaya naman sa Disneyland."


"Kahit sa Macau?" tanong pa niya. Umiling din ako. Ngayon ko lang nalaman na mayroon din pala nito doon sa mga bansang 'yun.


Sumimangot si Yeol. "Pambihira naman si L. Tss..." napailing pa siya pero mayamaya ay ngumiti ulit siya. "Di bale, ako na lang ang magpapatikim nito sa'yo. Sigurado akong magugustuhan mo 'to."


Kaya naman kahit sobrang haba ng pila ay tyinaga namin ni Yeol. Ang dami nga naming napagkwentuhan, eh. Naikwento niya din sa'kin ang kasalukuyang kalagayan ni Daeyeol. Mabuti naman na daw ang kalagayan niya at hindi na gaano sumusumpong ang Epilepsy niya.


"What's yours? One Churros?" tanong sa amin nung babaeng kahera.


Kumunot ang noo ko. "Bakit isa?"


"Kasi share na po kayo ni Sir?" nag aalinlangan na tanong nung kahera.


"Hindi, ah. Dalawa. Ayokong makahati 'tong babaeng 'to sa Churros ko. Mamaya ubusan pa ako neto."


Pinalo ko siya sa braso habang natatawa. Tumawa din 'yung babae. Ang sama ng ugali nito! Kainis!


"Hoy, ang sama ng ugali mo ah! Di naman ako patay gutom. Di ako kagaya mo!"


Tumawa lang din siya sa sinabi ko. Kaloka naman pala itong si Lee Sungyeol! Lakas mambintang na patay gutom ako. Jusme.


Ayun. Habang kumakain kami ng Churros, pumila naman kami sa katabing tindahan na nagtitinda ng Shawarma. Tignan mo 'to. Sabi niya patay gutom ako. Pero siya itong nag aya na bumili kami ng Shawarma kahit na may kinakain pa kaming Churros! Pambihira.


Binatukan ko siya. Kainis 'to! "Aray! Anong problema mo?"


"Ang lakas mo mambintang na patay gutom ako samantalang ikaw 'tong aya ng aya sa'kin sa mga kainan! Alam mo bang pwede kitang ipakulong dahil Libel 'yang ginagawa mo?" sabi ko sa kanya. Pero ang mokong, tinawanan lang ako!

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon