Chapter 5: Breaking News

30 2 0
                                    

Chapter Five


Nang makarating kami ni L sa tapat ng room namin, pinikit ko na ang mga mata ko. Kung nasa iisang kama lang kami matutulog... aba'y hindi iyon uubra. Matutulog ako sa lapag! Ano siya? Binubwenas? Matapos niyang ikwento yung tungkol sa... bibe!


Narinig ko na bumukas na ang pintuan. Shet. Hindi ko na talaga ididilat ang mga mata ko kapag nagkataon!


Narinig ko ang halakhak ni L pero di ko pa din dinidilat ang mga mata ko. Wala akong pakialam kung tawanan niya ako. Tatadyakan ko siya kahit nakapikit ako kaya umilag ilag siya sa akin! "Baby, bakit ka ba nakapikit diyan?"


"Papatayin talaga kita!" banta ko sa kanya. "Kapag isang kama lang ang nandiyan, I swear, tatadyakan kita palabas ng Macau!"


"Idilat mo muna kasi mga mata mo!" sabi pa niya at humalakhak ulit. "Mapagbintang ka eh hindi mo pa nga nakikita. Pumasok ka kaya dito..."


Nagbuntong hininga ako at kumapa kapa ako sa paligid para makapa ko kung may pang suporta ako habang naglalakad ako papasok ng suite. Kapag eto talaga ay hindi dalawa ang kama... nako. Lagot talaga sa akin ang Kim Myungsoo na 'yan. Aba. Di porke't gusto ko siya, okay na sa akin ang mga ganoon! Lalo na't manyakis pala siya!


"Surprise, baby!" sabi niya kaya naman idinilat ko ang mga mata ko at iginala ang paningin ko. Nasa loob na ako ng suite at nakita ko agad ang magandang view ng Macau dahil ang window niya ay from floor to ceiling. Nakita ko din ang dining room na may basket ng fresh fruits sa dining table, may console table na malapit sa dining room at doon ay mayroong fresh flowers kaya umaamoy sa buong suite. Sa living room naman ay may sofas at mayroon na LCD TV, at malapit sa TV ay merong lounger kaya kung sakaling gusto mong mag relax at tignan ang view ng mga buildings ay pwede kang umupo doon.


Nilibot ko pa ang paningin ko habang unti unti akong naglalakad. Napakaganda pala ng room na kinuha ni L, kaya hindi nakakapagtakang ito ang kinuha niya. Napatingin naman ako sa isang pintuan at doon ay pumasok ako. Aba, hindi dapat ako magpadala sa ganda ng room na ito. Baka mamaya ay wala talagang extra bed. Sa salas ako matutulog talaga. At least doon, maganda ang view!


Pagbukas ko, bumungad agad sa akin ang dalawang queen size bed. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko talaga, walang extra bed. Akalain mong nag iisip din pala ang isang Kim Myungsoo.


Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakahalukipkip siya sa gilid ng pintuan at may mapaglarong ngisi sa labi niya. "Anong iniisip mo? Na tabi tayo mamayang gabi? Bakit? Hanggang ngayon ba, pinagseselosan mo pa din yung bibe?"


Halos paypayan ko ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig niya sa bibe! Nakakakilabot na dahil ang kapag may iniisip siyang madumi, dawit lagi ang bibe! Jusko po! I kennot! Minsan, naiisip ko, baka mamaya, may sakit na pala sa pag iisip 'tong lalaking 'to. Di ko makakaya!


"Pwede ba? Tantanan mo nga ako sa bibe na 'yan. Yung totoo? May sakit ka ba sa pag iisip at lagi mong sinasabing pinagseselosan ko mga bibe?" irita kong sagot sa kanya. Kinalas niya ang pagkaka halukipkip niya at nilagay niya sa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay niya.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon