Chapter 12: Post-Birthday Celebration

32 0 0
                                    

Chapter Twelve


Bumalik ako ng ICU nang hindi nahahalata ni L na nasa likod niya ako kanina. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pinag usapan nila ni Roger. Tingin ko, sapat na 'yung narinig ko kanina para isipin ang mga bagay bagay.


Ayokong gulatin siya na naroon ako sa likod niya kanina. Ayokong magtalo na naman kami. Kakabati lang namin, eh. Tatanungin ko na lang siya at pag di umamin, ako mismo ang tutuklas sa mga sagot sa mga katanungan ko.


"Jade..." panimula ko matapos umupo sa inupuan ko kanina. "Hindi ba, bestfriend kita? Makikinig ka naman kahit na tulog ka, 'diba?"


Nakatitig lang ako sa payapa niyang mukha. Alam ko, kahit tulog siya, siya pa din ang Jadyn na nakilala ko. Makikinig sa mga problema ko at bibigyan ako ng mga advices. Hindi nga lang niya masasabi sa akin, face to face.


"Jade... pakiramdam ko kahit na boyfriend ko na si L, parang may nililihim pa din siya sa akin." Sabi ko sa kanya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at inorganisa ang mga iniisip ko. "Yung Daddy niya... 'yung pamilya niya... pakiramdam ko hindi ko pa lubusang kilala."


"Pakiramdam ko, hindi mabuting tao ang tatay niya—"


Biglang naputol ang pagsasalita ko nang biglang may kumatok at bumukas ang pintuan. Nilingon ko kung sino iyon at nakita kong si L iyon. Ngumiti siya nang magtagpo ang mata namin. Binigyan ko din siya ng ngiti, pero di ko pinahalatang pilit lang iyon.


"Hi, baby." Sabi niya sa akin habang nakangiti. Ngumiti din naman ako sa kanya. Masaya ako sa kanya. Totoo 'yun. Pero nakakatampo kasi... parang may mga bagay siyang hindi sinasabi sa akin. Gusto kong maging tapat siya sa akin kasi girlfriend niya ako.


"Hi," sabi ko. Lumingon ako kay Jadyn. "Tingin ko, nakapag usap na kami ng husto ni Jade. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin eh, so..."


"Let's go?" tanong niya habang naglalakad papunta sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko nang makalapit siya sa akin. "Jade, una na kami ah? Ididate ko pa 'tong bestfriend mo."


Nag chuckle siya kaya ngumiti ako at tiningala siya. Masaya siya na kasama ako, ganoon din naman ako kapag kasama siya... pero nananatili pa din ang pagiging misteryoso niya. Sometimes, I still can't decipher him.


Nagpaalam na kami kay Jade at umalis na kami. Ibinalik na muna sa namin sa Nurse's Station ang mga ginamit namin bago kami tuluyang umalis at dumiretso ng Parking Lot. Habang nasa elevator kami, nagtanong ako sa kanya.


"Sino pala 'yung kausap mo kanina sa phone?" I kept it casual para naman hindi niya mahalata na dinedecode ko ang mga nasa isip niya.


"Si Roger," sabi niya. "Pinaalalahanan ko siya na bantayan tayo maigi. Parang hindi ko kasi maramdaman presence nila, eh."


Somehow true. Pero hindi niya inelaborate 'yung sagot niya. Hindi niya binanggit 'yung tungkol sa Daddy niya. So I assume na talagang sinisikreto niya iyon mula sa akin. Naghintay pa ako kung babanggitin niya pero wala. I conclude na talagang nililihim niya iyon mula sa akin.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon