Chapter 2: Disneyland

48 2 0
                                    

Chapter Two


Alam ko na ngayon ang reason kung bakit kami naglakad ng ganoon kalayo ni L. Mabuti na nga lamang at naka sneakers kami parehas! Jusme. Malay ko bang sa mismong taxi stand kami sasakay ng taxi. Bawal pala dito ang papara ka ng taxi basta-basta.


Snobbers ang mga taxi drivers dito at talagang nagsasakay lang sila sa mga designated taxi stands. Tapos right-handed ang mga tao dito. Kung sa Pilipinas ay sa kaliwa ang driver's seat, dito sa Hong Kong naman ay sa kanan at ang passenger seat ay sa kaliwa.


Nakipag usap si L sa taxi driver gamit ang lenggwahe ng mga intsik. Jusko. Kulang na nga lang ay sumuka ako ng rainbow dahil ang galing lang niya! Multilingual pala 'tong Koreano na 'to. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang word na 'Garden of Stars'. Shems. Ano iyon? Puro mga bituin ba doon? Dapat sa gabi kami pumunta!


Habang bumibyahe kami, nakahawak lang si L sa kamay ko at nakatingin lamang ng diretso. Tahimik lang ang biyahe namin at ang tanging maingay lamang sa taxi na ito ay ang tugtog sa stereo ni manong na makalumang kanta ng mga intsik. Nakakarindi nga dahil parang lasing yung kumakanta. Well, di ko naman masisisi si manong dahil matanda na rin naman siya. Ako naman ay nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang mga bundok ng Hong Kong. Mababa lamang ito at walang mga naninirahan doon dahil pinapangalagaan nila ang environment nila. I admire them for that, though.


"L..." sambit ko sa pangalan niya. Narinig ko ang mahinang 'hmm' niya kaya lumingon ako sa kanya.


"Saan mo nga pala balak mag college?" tanong ko sa kanya.


"Hmm. Sa IU, baby. Bakit?" hay. Hanggang ngayon, iba pa din ang feeling ng tinatawag niya akong baby. It feels... surreal. Pero natutuwa ako and I'm hiding it.


"Wala. I thought sa UP ka? Sabi kasi ni Jadyn sa akin na balak mo daw sa UP mag aral? Bakit sa IU mo gusto mag aral?" tanong ko sa kanya.


"Dalawa lang ang dahilan: Nandoon ang INFINITE, at nandoon ka din. Kailangan kong bantayan ang baby ko dahil baka maagaw ka ng iba sa akin." Natawa naman ako sa pagiging possessive niya sa akin. Agawin daw ba naman ako ng iba? Grabe siya, oh!


"Agawin? Wala namang umaagaw, ah?" natatawa kong sambit sa kanya.


"Eh yung mga kaibigan ko nga, nagkagusto sayo, eh. Ibang tao pa kaya? Hindi imposibleng mangyari yun." Sabi pa niya sa akin habang nakasimangot.


Kinunutan ko siya ng noo. "Pero wala na ngayon. Sinayang mo ang pagkakataon na makapag aral sa UP para lang sa akin?"


"Wag mong nila-'lang' ang sarili mo. Hindi mo alam kung ano pa ang mga kaya kong gawin para lang makasama ka."


Nanahimik naman ako at napatingin na lamang sa labas. Bumuga ako ng hangin dahil sa totoo lang, nasa suffocate ako dahil sa sinabi niya. Jusko. Gusto kong lumabas ng taxi at magpagulong na lamang sa highway!


Mahaba haba din ang biyahe bago kami nakarating sa isang highway kung saan mayroon na view doon ng parang seaside pero tanaw naman ang kabilang isla ng Hong Kong. Tanaw mula sa highway na ito ang mga matatayog na building ng kabilang isla. Ang skyline. Nakakamangha.

Be Mine AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon