The Life of Being a Jester

14 3 0
                                    

[ June 30, 2016 ]

Writing Starts: 12midnight

Si Jester ay masasabi kong unpredictable person sya. May times na mahina ang utak nya, at may times na sobra syang advance mag-isip. May times naman na mabait yan at hindi anti-social, may times na bratinella at suplada o di kaya mainitin ang ulo.

Sa paningin ng mga kaibigan nya, okay lang yan, kasi syempre, kaibigan mo. Kailangan mo syang tanggapin kung ano talaga sya. Pero sa paningin ng magulang nya at sa ibang taong nakasalamuha nya, sya ay isang pagkakamali na isinilang sa mundo. Para sa akin naman, hati ako. Kasi, oo, kaibigan mo sya. Kaya kailangan mo syang intindihin. Pero kailangan mo rin syang pagsabihan o di kaya ay paki-usapan mo na magbago-bago. O di kaya ay tulungan mo syang magbago.

Ang isa sa mga prinoproblema ay tungkol sa pamilya nya. Nasabi nya sa akin noon na napapansin nya na para bang nakikipag-plastikan na lang sila sa isa't isa. Medyo OA sya sa part na yun. Pero kayong mga magbabasa ko, minsan, naiisip nyo yan noh? May isa pa kasi akong kaibigan na ganyan mag-isip. Hehehe... di ko alam kung bakit yun ganun.

May mga kinuwento sya sa akin tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa bahay nila. Tulad nito...

Nung nakaraang araw. June 29, 2016. Umabsent sya sa araw na yun. Kaya ang nangyari ay nag-away sila ng nanay nya. Sabi pa nga nya sa akin, pinalayas daw sya sa tindahan. E di pumunta sya sa bahay nya. Magkahiwalay kasi ang bahay nila at ang tindahan nila. Sosyal ano! Nakakabili ng lote ang nanay nya! Chos!

Habang papunta sya sa bahay nya ay nakasalubong nya ang tropa nya na kapitbahay lang nya. Di na lang nya namalayan na nagkwe-kwentuhan na sila. Hanggang sa nakita sila ng nanay ni Jester.

Nilapitan agad sya at sinigawan ng: "PUMUNTA KA SA TINDAHAN! MAGBANTAY KA NG TINDAHAN! AT MAGLINIS KA!" At agad naman syang sumunod nun.

Pero habang kinukwento nya sa akin yun, talagang proud pa ang kuya nyo! Langya! (Ops! Bawala pala ang magmura dito! Marami na ang batang nagbabasa ngayon ng wattpad.)

Natawa din naman ako sa kwento nya. Sadyang masasabi mo na may malawak lang na kaisipan si Jester. Kasi, ganyan naman talaga ang buhay. Palaging binibigyan ng mga pagsubok ni God. Pero malulutas din agad yan. Ang pamilya ay kadalasang nag-aaway. Pero, mawawala din yan.

Tanong ko sa inyo, binibigyan ba layo ni God ng pagsubok na hindi malulutas habang buhay? Di ba wala. Kaya masasabi ko na GANYAN TALAGA ANG BUHAY, PARANG GULONG. MAY PANAHON NA NASA TAAS KA. MAY PANAHON DIN NAMAN NA NASA BABA KA.

Geh... hanggang dito na muna. Medyo inaantok na kasi ako. Haha... Babalitaan ko na lang kayo tungkol sa buhay nya ulit.

Paalam! \( ^ _ ^ )/

Ang Journal ni Krxe RooseveltWhere stories live. Discover now