[ July 28, 2016 ]
Writing Starts: 9:21pm
Ito ay tungkol kay Jackie.
Si Jackie ay isang taong tinatapakan ang ego nya araw araw ng mga nasa paligid nya.
Minsan, nagkwento sya sa akin.
Nung paparating na event. (Di ko pwedeng sabihin yung event) Balak nyang sumama. Kasi, last year nya na lang dito.
Kaso, ayaw ng nanay nya.
Malayo DAW kasi.
Sobrang lungkot nya kasi, di sya pinayagan. Sayang rin naman. Gusto kasi naman na magkaroon kami ng malaking remembrance para sa kanya sa huling taon nya dito sa paaralan.
Kahit na sinabihan na nya sa nanay nya na mga disenteng tao yung mga kasama nya tulas ko at yung mga kaibigan nya. Kahit na sinabi na nya sa nanay nya na may kasama naman kaming mga advisers... ayaw pa rin.
Kung ako ay hindi ako papayag na tapakan ang ego ko.
Kung ako ang anak nun. Ito ang sasabihin ko:
"Ganyan ka na ba kawalang tiwala sa akin? Kahit nga si Skittish!!! Pinayagan!!! Hindi pa kasama ang nanay nya o ang kapatid nya."
Bakit ba? E sa ganyan ako.
Napaka-talas ng dila ko ano?
Haha... sabi ko sa inyo. Kasya ako sa maskara ko.
Pero, ewan ko. Sa kaso nya kasi... talagang natapakan na talaga ang ego nya.
Palagi syang minamaliit ng mga babae sa kabilang section. Di naman sya inaano. Nanahimik naman sya. Pero, kung maka-pintas sila sa kanya, akala mo may ginawa talaga syang masama sa kanila. Sarap lang sipain ang mukha nila na hanggang sa makipagpalit na sila ng mukha sa asong ulol. Haha.
Geh... inaantok na kasi ako. Pasensya na rin kung ngayon lang ako nakapagsulat ng journal. Bye!!!
YOU ARE READING
Ang Journal ni Krxe Roosevelt
Random"I will be your journalist for this year!" - Krxe Roosevelt