[ July 6, 2016 ]
Writing Starts: 7:44pm
"What is love?" yan ang tanong sa akin ni Hope. Bale, classmate ko sya sa klase. Ewan ko kung bakit ang kulit nya. At palagi nya ako tinatanong ng ganyan.
Pero one day... nainis na ako sa kanya.
Di ko sinasadya na sigawan sya.
"Ano ba Hope?! Ba't mo ko tinatanong ng ganyan?! E di ko nga rin alam kung ano talaga ang ibig sabihin nan!" bigla syang natameme. Nag-sorry naman ako sa kanya. Sabi nya sa akin, "Geh... ok lang. Pasensya na kung makulit ako." at hindi na nya ako pinapansin. Inabot din ng ilang linggo.
Then, nainis na naman ako. Ewan ko kung bakit. Basta, ayaw ko lang na di ako pansinin ng best friend ko.
Nilapitan ko sya at sinabihan ng:
"Ano ba talaga ang problema mo ha, hope?! Mag-bff tayo a! Pwede mo naman ako sabihan ng problema mo!" at bigla syang umiyak at niyakap ako.
Doon ako natauhan nung sinabi nya sa akin ang problema nya.
Bigla nya kasing naalala ang classmate nya nung grade 6. Nung may nabasa syang mga tips or facts about love etc. dahil kay Wattpad (wala akong pinapatamaan dito!!!) iniisip nya, may crush ba talaga sya kay King?
Kwento nya sa akin kasi, ganto:
May classmate sya na nagngangalang King. Palagi syang inaasar at binubully. Nung grade 4 pa daw sila ay binato nya 'yun ng sapatos si King. At tinamaan si King sa mata. Kaya naging tagasulat sya ni King. Natatawa pa sya nung kinukwento nya yun.
Nung grade 6 na sila, patapos na sila sa pagiging grade 6, doon lang (ata?) sya tinamaan sa kanya. Nung past days kasi nun. Palaging tumatabi si King kay Hope at aasarin o kukulitin.
Ganun? Pero para sa akin, ang OA. Para lang Jester ang peg.
Di ko din alam kung totoo yun. Kasi di ko naman sya naging classmate nung grade 6. Sa ibang school ako nag-aaral. Hehe. Laking public ako! Kaya ang ugali ko ay pam-public lang!!! Haha!!!
Pero, promise!!! Di ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman kapag may crush ka? One-sided love (puppy love) or etc...
Kasi, manhid ako. LAKING MANHID 'TONG SI POGING AUTHOR NA 'TO!!!
Pero, may secret ako hahaha!!! Victoria's Secret lang ang peg ni Poging Kuya Joker!
Ewan... pero SABI NILA!!! Ang love ay unpredictable gaya ng ibang character na nababasa mo sa mga kwento dito sa wattpad. Di mo alam kung kailan sya aatake sa iyo. Maski si Destiny at Time. Mga unpredictable sila. Di mo matutukoy kung kailan ka nila aatakihin.
Basta, ang sa akin lang ay, BE READY FOR THE FUTURE!!! Maging alerto sa lahat ng pagkakataon!!!
Peg lang ang Fire Drill at Earthquake Drill sa school kung makapagbigay ng mga tips... haha...
Pero, may mga nag-kwekwento rin sa akin yung mga naging friends ko nung mga last year. Puro mga love life!!! Langya!!! Di ko kaya ang powers ni Kupido!!!
Di ko nga rin alam kung saan galing yung mga advice ko sa kanila. Maski si Narra. Inaasar ako. Sabi nya dati, 'wow naman may pinaghuhugutan si Joker!!! Sabihin mo nga sa akin kung sino ang crush mo? Sasapakin ko.'
Napaka-abno! Langya! Bwisit sya!
Stop being a giraffe and getting your nose in my business (tama ba ang grammar ko ulit?) Ang mga kwentong nilalagay ko sa journal na ito ay tungkol sa mga nakikilala ko everyday. At mga narerealize every day.
Kaya, SORRY PO kung ngayon ako nakapag-lagay sa journal. Oo nga, late ako mag-update. Pero promise! CROSS MY HEART. MAMATAY SI NARRA. Naglalagay ako sa aking story sa tamang oras. Kaso, late ako mag-publish/mag-update sa wattpad. Kasi, wala akong mag-internet. Di naman kasi ako katulad nyo na may wi-fi sa inyong bahay!
Geh... kakain pa si kuya poging author. Bye!!!
YOU ARE READING
Ang Journal ni Krxe Roosevelt
Random"I will be your journalist for this year!" - Krxe Roosevelt