T. M. of the Wi-Fi...

2 0 1
                                    

[ January 23, 2017 ]

Writing Starts - 12:15am

= = = = =

Hi their folks! Once again, ako'y nabuhay mula sa aking pagkalalibing mula sa hukay! Haha!

Una sa lahat, sorry po sa hindi ko pagsunod sunod na update, dumaan talaga ako sa isang matinding grounded nun, sa mga walang lumalapit sa aking mga idea, at sa mga taong binibigyan ako ng sakit sa ulo. Pangalawa, salamat sa mga votes nyo at sa mga taong nag-comment (kahit yung iba sa inyo ay nagtatanong kung kailan ang update.) haha!

So, here it goes... umpisahan na po natin ang journal...!

.

The Mystery of the Wi-Fi Connection...

Masyadong maraming nahuhumaling kay Wi-Fi. Di ko alam kung bakit pati ako ay nahumaling din, kahit na munting pocket wi-fi lang sya. Maraming bata ang hindi nakakatulog ng maayos dahil kay wi-fi... Maraming nagsasakripisyo ng time para lang kay Wi-fi. Di natin alam kung bakit natin sya kailangang pansinin, di naman nya kailangan ng attention mula sa'tin. Basta, loadan mo lang yung wi-fi (or bayaran) ok na!

Sa paningin ng mga magulang, si wi-fi ang salot pagdating sa mga bata. Hindi ba nakakapagtaka?

Tapos, kapag mahina ang signal connection, nagagalit ang karamihan sa atin. Ang iba pa ay minumura pa nila 'to. At mas malala pa ata ay yung may time na nakita ko ang kapitbahay namain. Akala ko may kausap. Yun pala, ang kausap nya ay yung pocket wi-fi! Pinagbabataan nya pa 'to ng buhay!!! Napaka-tino!! Nagmumukha tayong mga baliw dahil lang sa wi-fi. Ta's (YUNG IBA SA INYO) nakikipagpatayan para lang kay Wi-fi... bakit? marami syang kahati sa inyo sa bahay. Kahit pati yung kapitbahay nyo. Hinack pa talaga ang wi-fi nyo. Napaka-galing!

At sa tuwing napuputol ang wi-fi connection dahil sa kadahilanang nakalimutan bayaran 'to, ay talagang naglulumpasay kayo. Nagwawala. Para kayong nasisiraan ng bait. Magtatampo sa magulang nyo. Hindi naman kasi tamang magtampo kayo e. Lalo na sa mga magulang nyo. Sadyang may dahilan kung bakit sila hindi nakapagbayad. Ta's ung iba sa inyo, tunalo pa ang mga magsyota. Bakit? Masyado kayong frustrated sa wi-fi. Ikaw ang boyfriend/girlfriend ni wi-fi.

At para sa iba, ang tingin sa inyo: "Mga may sanib. May sira ang utak. Magiging tamad yan paglaki."

Hindi naman po sa ganun. Porquet may wi-fi. Ibig sabihin magiging tamad yan forever. Ibase nyo rin po kasi sa tao. Tingnan mo kung nakakaligo pa yan. Nakakapagtoothbrush, bakakapagpalit ng damit. Ganun! Palibhasa kasi, nakikita nyong may hawak na gadget yung mga people in that house. Wag kasi  kayong manghusga.

Hanggang dito na muna tayo, mga people!

So, kids, guys, madame, sir, PLEASE, NAGMAMAKAAWA AKO, WAG NYONG ALILAIN ANG SARILI NYO KAY WI-FI! Sige ka, baka kapag pinutulan kayo ng wi-fi sa inyo magwala ka o di kaya ay masiraan ka ng bait.

Okay! See you sa susunod na bagong update ulit! Sana ipagdasal nyo na manumbalik ang aking mga insperation na na-expired.

- King_Joker

Follow me on twitter: @Krxe_Mavin

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 22, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ang Journal ni Krxe RooseveltDonde viven las historias. Descúbrelo ahora