[ July 2, 2016 ]
Writing Starts: 9:00am
.
Sorry guys!!! Wala po akong story ngayon. Kaya medyo boring ngayon.
Pero! May FACTS and THEORY po ako na kailangan kong sabihin sa inyo para naman ay malaman ko ang inyong side kung may point ako o sadyang lumalawak na rin ang aking kaisipan at nahawa ako kay Jester na binanggit ko sa una kong story.
.
FACTS:
Credits po pala 'tong facts na 'to kay MilkTeaKo.'Ancient Legends claim that a birth mark indicates where a person was killed in their past life.'
Now the other one,
From me.
Habang nakikinig ako ng lessons ng teacher ko sa subject na Religion...
⚫Ang taong mabuti ay binibiyayaan ng pagkakaroon ng habang buhay.
⚫Ang mga namatay na ay hindi madadala ang kanilang mga memorya sa langit o impyerno.
MY THEORY:
My theory is yung mga taong may birthmark sa katawan nila ay nagsisilbing pangalawang buhay o pangalawang punta na nila dito sa mundo. ULIT.At yung wala pa naman ay mga gifted talaga kasi unang beses pa lang nila na makapunta sa lupa.
At yung mga taong may birthmark ay yung mga taong naging mabuti sila dati. At pinayagan na bigyan sila ng pagkakataon na makapunta ulit sa lupa. Makisalamuha sa iba. At maranasan ang mga thrill sa buhay. Kaya nga biniyayaan nga e.
Kaso, hindi mo nga lang maalala ang mga mahal mo sa buhay dati nung nabuhay ka pa. Or other term, may history ka na dati!
Kaso, ulit, nag-iba nga lang ang pangalan mo.
At yung magkakaroon lang (siguro) ng birthmark ay yung mga taong pinatay at hindi yung namatay.
.
PERO!
Hindi pa natin masasabi na totoo nga ito kasi sinabi na nga kanina ay ANCIENT LEGENDS.
It means that galing ito sa mga sinaunang tao na nanirahan dito bago tayo. Possible na paniniwala lang ito o di kaya sabi sabi. Other term is KWENTONG BARBERO lang yan.
PERO! Naniniwala ako na may possibility na totoo nga 'to. EWAN. SIGURO? ARGHH!!! SUMAKIT NA ANG ULO KO!!!
Ano? Someone? Please... comment to me, about this. Ok?
At oo nga pala! Kung may wrong grammars or typos... ay pasensya na po talaga! HINDI NAMAN PO AKO KATULAD NYO NA PERFECT!!!
Geh... ito lang muna.
STAI LEGGENDO
Ang Journal ni Krxe Roosevelt
Casuale"I will be your journalist for this year!" - Krxe Roosevelt