Bullying are still Exist?!

10 2 2
                                    

[ July 12, 2016 ]

Writing Starts: 9:27am

Di ako pumasok ngayon. Sumama yung pakiramdam ko e. Siguro, nangyari 'to dahil sa kinain ko. Dapat pala di na ako humingi ng ulam... kaasar.

Pero di tungkol sa akin 'tong story na ito. Tungkol 'to kay Crybaby.

Si Crybaby ay isa rin sa mga classmates ko. Palagi syang binubully ng mga kapwa ko classmates.

At sa tuwing uwian, nagpapaiwan sya. Kasama ako at ang mga kaibigan ko. Maya maya, iiyak na sya. Magsusumbong sa amin. Di ko alam tuloy kung tutulungan namin sya o hindi. Pero di ako katulad ni Faux na iiwan sya sa ere. Kahit papaano ay ang maiibibigay lang namin sa kanya ay suporta mula sa mga kaibigan nya.

Nakakalungkot isipin na i-bully. Sabi sa batas, bawal ang mangbully ng kapwa. Kaso, walang nagtatangkang magsumbong. Alam nyo kung bakit?

Kasi, ganto yun...

Kapag nagsumbong ka. Bibigyan sya ng warning. Maghihintay sya ng ilang linggo para makapaghigante sa iyo. Tapos, isusumbong mo na naman sya. Sasabihan naman sya na papuntahin ang kanyang mga magulang. Tapos, si magulang. Masyadong kampi kay anak.

In other words:

Kahit na magsumbong ka, LUGI ka pa rin sa kanila. Kasi gusto nila, SILA ANG BIDA.

Kahit alam mo naman sa sarili mo na wala kang ginagawa sa kanila.

Kaya tuwing Friday o di kaya Wednesday, magpapasama sya sa amin at iiyak.

Maski kami, walang magawa dahil yung mga nambu-bully, MGA ANAK NG OFW, MGA ANAK NG POLITICIAN, MGA ANAK NG MAYAYAMAN... ganun!

Tapos, minsan si Teacher walang gagawin. Sasabihan lang. Hindi babalaan. Tapos, kapag isinumbong mo sya, maghihintay yan ng tatlong araw para makaganti sa iyo kasi napahiya sya.

Ayaw kasi ng mga nambu-bully na mapahiya sila.

Pero, iniisip ko rin na...

Yung mga nambu-bully, hindi naman talaga si bully. MAY DAHILAN KUNG BAKIT SILA NAMBU-BULLY NG KAPWA NILA.

Posible na tungkol sa kanyang nakaraan; tungkol sa kanyang kabataan; o di kaya sa mga nararanasan nya araw araw na puro pasakit. At isusumbat nya lahat ng iyon sa kanyang napagtripan.

AT YUNG MGA BULLY SA SCHOOL, SILA ANG TALAGANG KAWAWA.

Kasi, kaya sila mahilig mam-bully ng kapwa ay dahil naiingit sila o di kaya nagseselos sa iyo.

Bakit?

Kasi nga MGA ANAK SILA NG MGA OFW O ETC. ang mga nagbabantay sa kanila dito sa Pilipinas ay yung mga lola o lolo na mahilig magpaubaya sa kanyang mga apo. Kaya nagiging sutil o di kaya mga BRATINELA!

Kaya sa inyong mga binubully ng mga kaklase, hayaan nyo silang mapagod sa kakasalita ng tungkol sa iyo ng masasama. Pero, kapag ginalaw ka nila, (halimbawa, sinampal ka ng walang dahilan) gantihan mo. Wala ka namang ginagawa sa kanya.

At WAG NA WAG KAYONG MAGPAPARAYA SA KANILA. Kung maaari ay isumbong mo yan ng deretso sa inyong principal. Kung may pulis sa inyong pamilya ay isumbong nyo dun. Kung may lawyer kayo sa inyong pamilya, isumbong nyo dun.

Para sure ka na gagawa sila ng aksyon.

Geh... mamaya na ulit. Magpapahinga na ulit ako.
Hehehe...

Ang Journal ni Krxe RooseveltDonde viven las historias. Descúbrelo ahora