Fake Friends with Benefits

19 2 1
                                    

[ July 1, 2016 ]

Writing Starts: 10:39am

Ngayon naman ay ikukwento ko sa inyo ang tungkol sa mga kaibigan ko na nag-away na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabati.

Ang isa sa mga kaibigan ko ay sila Faux at Fusspot. Matalik silang magkaibigan. Well, kaibigan ko rin naman silang dalawa. Magkasang dikit sila ng mahigit 2 taon.

Kaso nung nakaraang taon, nag-away sila. Di ko rin alam kung bakit. Pero sabi ng iba kung mga kaibigan ay kasalanan daw iyon ni Faux. Hindi daw nya kasi binabago ang sarili nya. Maski rin kami ay di na namin sya makayang baguhin dahil umiiral ang kanyang kademonyohan minsan.

Hanggang sa tinanggal na sya ni Fusspot sa Circle of Friends namin. Kaya, wala na akong balita kay Faux.

Ngayong taon naman, laking gulat na lang namin ni Skittish na palaging lumalapit si Faux na para bang walang nangyari. Pero itong si Skittish, sinabi nya sa akin nung nakaraang araw: "Parang ganun pa din sya." Napatingin ako sa kanya. At tinanong, "Sino?" Sabi nya sa akin ay si Faux daw. Talaga naman e. Hinding hindi na magbabago ang pagiging demonyita nya. Talagang ganyan na sya habang buhay.

Iniisip ko nga rin minsan na lalapit lapit sya sa amin ngayon kasi wala syang kaibigan dito sa room at kailangan nya makipagplastikan pa sa iba. Kumbaga, Fake Friend with Benefits.

Parang ako lang. Kaso, bihira ko na lang din yun ginagawa. At kadalasan ko naman yun ginagawa kapag nasa bahay lang ako. Haha trip ko yun! Walang aangal! PERO! DI KO GINAGAWA ANG GAWAIN NYA NA 'FAKE FRIENDS WITH BENEFITS'!!!

Ito ang masasabi ko sa amin nila Skittish at sa iba ko pang tropa, bestfriend, besties, etc...

Kami ang tunay na kaibigan. Hindi namin kayo sinasabihan ng kung ano ano habang nakatalikod kayo. Hindi namin kayo iniiwan sa ere. At palagi kaming handang tumulong sa mga kaibigan namin.

Kasi ako, parang isa akong anino ng buwan. Bihira magpakita ng tunay na anyo. For the other term, palagi kaming may suot suot na maskara. Di namin ito tinatanggal kahit kailan.

At ayon, di ko alam kung... kung sasabihin ko pa sa kanyang mga biktima ang kanyang ginagawang kademonyohan sa kanila.

Baka nga ata ay may ginagawa na syang kababalaghan habang nakatalikod sila...

Geh... hanggang dito na muna... baka mapansin ako ni Faux. Baka kung ano pa ang mangyari sa cp ko. Hahaha...

× × × × ×

Ang Journal ni Krxe RooseveltDonde viven las historias. Descúbrelo ahora