What the... Fudge?!

8 2 3
                                    

[ September 11, 2016 ]

Writing Starts: 11:13am

.

Hi! Ngayon lang ako nakapag-sulat nito! Wala kasing maisip e! (∩_∩)

Bale, ngayon ay hindi ito tungkol kanino o tungkol sa akin.

Tungkol ito sa nakita ko.

.

Grabe naman ang mga tao ngayon! Jusko po Lord Voldemort!

Ang mga tinitingnan nila sa mga kapwa nila ay puro mga kabobohang ginagawa at hindi ang mga magagandang ginagawa sa kapwa.

Gets nyo ba?

Maski ako di ko na-gets ang sinabi ko. Naguluhan ako dun. Haha!!! (v^_^)v Peace tayo!!

Kakaiba na talaga ang mga nasa 21st Century. At... kami yun.

Haha!!! Ganyan talaga ang buhay! Pero iba ako sa kanila.

Oo, tinatawanan ko ang mga pagkakamali ng iba. Pero... kinakalimutan ko rin ang nangyaring kahihiyan nung tao. Di katulad ng iba jan... di pa rin maka-move on sa nangyari sa kapwa nya.

Mga banggag. Haha!

Hahaha!!! Naiinis na sila... Hahaha!!! Tapos ang iba sa inyo ay magsasalita ng... 'oo nga noh?'

Hahaha!!! Tawa tayo dali!!! Hahaha!!! Para na tayong tanga. Ha-ha-ha!!! -_-||

Ay ewan kay mother earth! Di ko na sya na-gegets! 'May Ghad! Ai Hayt Drugse!!!' sabi ni DU30 kuno! Haha!!! Sadyang minali ko talaga ang spelling nun.

Balik tayo sa topic...

Ang bait ko talaga! Haha. At pogi pa! *pogi sign Naks! Haha! Joke! Cute ako! WALANG KOKONTRA!

Ok... seriously guys... balik na tayo sa topic.

Ang mga kabataan ngayon, (kala mo di pa ako bata ano?) mahilig manira ng gamit.

Kakabili pa nga lang ng payong sa amin kahapon.

Tapos ngayon, ipapapalit.

Bakit?

Sinira ba naman! Hindi naman literal na sinira. Kumbaga, hindi sya na-ilolock ng maayos.

Hindi kasi sila marunong mag-ingat ng mga bagay bagay! Kala mo nagtatae ang mga magulang nila ng pera! At napag-alaman ko na may bara dun sa may spring ng payong. Which means ay binigla nila ang pagbukas ng payong.

Wait lang ha...

Sana nagtatae na lang ang mga parents natin ng pera. Kasi kung ganun... magpapakabit ako ng wi-fi sa bahay! Hihihi... Bibili ng iPhone 7s? (tama ba? nakalimutan ko ang tawag sa bagong iPhone. Yung kasunod ng iPhone7) hihihi... Pati iPad mini! My ghad!!! ∩(︶▽︶)∩

\(☆o☆)/

Mayaman na ako!!! Hahaha!!!

Kaso, kawawa parents natin kung ganun. Mga kulay green to black na ang balat ng parents natin. Haha!!! Ihambing nyo sila sa taong may LBM. Hahaha!!!

Sana... mag-comment kayo. Please po. Gusto ko po sanang malaman kung ok po ba ito? o ititigil ko na ito?

Geh po... See you na lang tayo bukas! (.=^・ェ・^=)

- King_Joker

Ang Journal ni Krxe RooseveltTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang