12.20.14.
HI GUYS haha la lang
Kekwento ko lang sa inyo kung bakit bigla akong nagpost ng mga kuung ano-ano natin dito sa wattpad. Kung ano-ano pertaining to jokes , hugot, kagaguhan, katarantaduhan, etc. xD Ganto kasi yan. Ano. Haha. ((parang ewan)) Diba may bali-balita na wala na daw star section next year. Pinost ko tong #WalangTitibag para mapasok ko sa utak ko at maipagpilitan ko na ((kunyare)) wala lang yun. Chismis lang yun. Pero siguro sa loob-loob ko, ginawa ko yun kasi baka magkatotoo; para pag hiwa-hiwalay na tayo, pag tinibag na tayo nina sister at ng registrar, pag feeling ko wala na ako sa comfor zone ko kasi ang dami-daming nakatingin sakin at huhusgahan ako ( eh sa inyo nga kahit magsisinayaw ako sa harap na parang baliw, wala kayong pake. tatawanan or tititigan niyo lang ako nang masama), pag feeling natin op tayo, ibabackread ko lang to o kaya yung Gwapo si Jaime :) XD o kaya yung Planet Jupiter tapos tatawa lang ako mag-isa sa bahay. Sasabihan nanaman ako ng magulang ako may boyfriend na ako. Opo may mga boyfriend na po ako. ((kahit di po talaga nila alam)) Sampu pa nga po eh. Gusto niyo po ienumerate ko? Alphabetical pa. Meron din po ako 34 na girlfriends.
Sooooo yun
Kung may titibag man sa JOA, sana sa relasyon na nabuo ng mga tao sa loob nun, #WalangTitibag.

BINABASA MO ANG
#TibagNa
Non-Fictionthis is the story of what happens after #4Lisieux4OneLastTime; of what happens after the promise of forever in #WalangTitibag my dreaded days have come