Sān

45.8K 1.3K 69
                                    

Patricia POV

Nandito kami ngayon sa Mcdonalds kumakain at itong kaharap ko ay kanina pa ulit ulit nagtatanong kung galit ba ako.

"Patty, galit kaba?" Pang walong ulit na tanong niya na ito sakin. Hindi ako sumagot bagkus tumingin na lang ako sa kanya saglit saka nag iwas ng tingin mula dito.

"Oi, Patty. Libre na lang kita ng kahit ano basta huwag ka ng magalit. Sorry na promise hindi na mauulit itong pag hingi ko sayo ng tulong kailangan lang kasi." Suyo ni Flex sakin sabay kamot sa kanyang batok habang nakatingin sakin.

Tae. Bakit ang cute niya? Ang unfair!

"Okay." Maikli na sagot ko dito para tumigil na ito dahil hindi na normal ang pagtibok ng puso ko ngayon. Ang bilis ng pintig nito na parang any time ay kakawala na ang puso ko sakin at pupunta ito kay Flex dahil nag desisyon na doon na manirahan habang buhay.

"Pat, alam mo mag babago na ako." Mahina niyang sabi na parang nahihiya pa na iparinig ito sakin. Tinitigan ko ito ng mabuti habang siya naman ay naka ngisi na ewan habang ang tingin ay nasa itaas kung nasaan ang menu ng Mcdonalds.

Dapat ba akong magpa pyesta? Anong nakain nito? Siguro ay nakonsensya na ito sakin at sa lahat ng babaeng naka fling niya. Mabuti naman kung ganun pero bakit parang hindi ko magawang matuwa? Shit.

"Oh, bakit ka naman mag babago?" - tanong ko sa kanya habang kinakabahan sa isasagot nito sakin.

"Nakita ko na kasi siya yung gusto kong taong seseryosohin ko." Sagot nito sakin habang nakatingin sakin ng diretso at seryoso. Ilang beses akong napakurap at tumikhim saka nag iwas ng tingin sa kanya.

Ako ba kaya yun? Ano ba yan patricia wag kang mag assume pero pwde naman ako diba? Diba?!

"Sino naman yun?" - tanong ko sa kanaya matapos kalmahin ang sarili mula sa pagiging kabado sa sinabi nito sakin.

"Si francheska yung kaibigan mo sa school. "Sabi niya sabay akbay sakin at nag taas baba ng kilay habang naka ngisi.

Kng na. Bakit sa dinami dami ng babae sa paligid bakit si Francheska pa? Bakit yung kaibigan ko pa?

"Bakit si Cheska?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya sabay alis sa pagkaka akbay nito sakin. Napakunot noo naman siya sa inasal ko at napailing na lang.

"She is kind, Beautiful and talented woman at alam ko hindi lang dahil doon kung bakit ko siya gusto may malalim pa na dahilan kaya gusto ko malaman iyon."Sabi niya sakin sabay hatak sakin papalapit sa kanya at akbay nito.

Maraming nag sasabing mabait ako. Teacher ko, magulang ko at school mate ko. Maganda at talented din anman ako! Bakit hindi ako? Ang sakit.

Yumuko ako at ilang beses nag bilang para pakalmahin ang sarili. Aalis na sana ako sa tabi niya para gumamit ng restroom dahil nagbabadya na ang luha sa mata ko na kumawala ng bigla niya ako pigilan gamit ng kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"San ka pupunta, Patty? Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nito sakin habang sinusulyapan ang mukha ko na naka yuko.

Huminga ako ng malalim at inangat ang ulo sabay ngiti sa kanya para ipakita na ayos lang ako saka umalis.

Pag dating ko sa restroom ay hindi ko na mapigilan umiyak. Buti na lang at walang tao sa restroom dahil nakakahiya at isipin na nakipag break sakin ang jowa ko kahit wala ako nun.

Ilang minuto ay naramdam kong nag vibrate ang phone. Kumuha muna ako ng tissue para punasan ang mukha ko saka kinuha ang phone ko sa bulsa ng short ko at tignan ito.

Francheska:

Tricia hindi ako makakapunta bukas nagyaya kasi yung bestfriend mo na lumabas kami. Hindi ko siya matanggihan dahil alam mo naman na crush ko siya. Sorry talaga babawi na lang ako sayo sa susunod. Love u sis!

Hindi ako nag replay sa text niya at pinatay na lang ang phone saka nilagay ulit ito sa bulsa.

Inaya agad siya ni Flex lumabas? Hindi ko alam na crush niya si flex! Wala siyang sinabi!

"Sorry natagalan lang sa banyo. Gusto ko ng umuwi pagod na ako." Sabi ko kay Flex ng matapos kong lumabas sa restroom at makaharap ito.

"Mukha nga. So, tara na? bukas ko na sisimulan ang pan liligaw ko kay francheska. Pat, pag ako talaga sinagot ni francheska hinding hindi na ako mambabae siya lang." Seryosong sabi nito sakin sabay akbay ulit nito at nag simula na kaming maglakad papalabas ng Mcdonalds.

Ang dami niya pang sinabi tungkol sa mangyayari sa kanila ni Cheska pero hindi ko siya pinakinggan dapat pala nag dala ako ng earphone para hindi ko siya marinig.

Huminto na ang kotse niya sa tapat ng bahay namin at mabilis akong lumabas galing dito. Baka pag hindi pa ako lumabas ay baka umiyak lang ako sa harap ni Flex at may masabi na pag sisisuhan ko sa huli.

Nag goodbye na siya sakin pag katapos ay pinaharurot niya na ang kotse niya. Napaka suwerte naman ni Francheska sa kanya sana lang ay huwag niyang saktan si Flex.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay namin habang papasok ako ay may naririnig akong ingay galing kung saan. Sila mommy at daddy naman. Lagi silang maingay parang aso at pusa. Hindi nagkakabati.

"Patrick,  pamilya mo kami! lagi mo na lang inuuna si Mina. Oo alam kong siya ang mahal mo pero sana naman pag kailangan ka namin nandito ka!" Rinig kong sabi ni mommy kay daddy. Naging normal na sakin ang pag aaway nila dahil simula noong eight years old ako ganito na sila.

Pag naririnig kong nag aaway sila hindi ko magawang maisip na magalit kay daddy at kay tita Mina. Tatanungin niyo ako kung sino si tita Mina? siya ang  first love ni daddy.  Sabi nga nila first love never dies.

"Stop being dramatic, Nicia! pagod ako I need sleep. " Sabi ni daddy

Umakyat siya sa hagdanan alam kong nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. Ganyan si daddy para kaming wala sa kanya, he always with tita Mina dapat ay mommy ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto ni Daddy but my mom told me to call her tita instead.

Bumaling ako sa kaliwa ko at nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa habang umiiyak. Nakatingin din ang mga kasambahay namin pero bigla umalis siguro dahil nakita nila akong nakatingin sa kanila. Lumapit ako kay mommy para patahanin siya at yakapin ito. Ako na lang ang meron siya kaya alam kong never ko siya ipagpapalit kay daddy.

"Mommy, tahan na po kayo. Magiging okay din ang lahat siguro ay pagod lang si dad." Mahinang sabi ko sa kanya at niyakap pa ito ng mahigpit.

Ngumiti lang si mommy sakin at hinimas ang ulo ko. Alam kong ngumingiti lang siya pero nasasaktan siya ng sobra sobra. Ramdam ko iyon dahil hindi lang siya ang apektado sa nangyayari sa kanila ni daddy.

Pag katapos Maging maayos ni mommy ay pumasok na siya sa kwarto niya. Magka hiwalay sila ng kwarto ni daddy simula noong bata pa lang ako minsan iniisip ko kung bakit pero ngayon alam ko na ang sagot. Pumasok na din ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama saka pinikit ang mata at hinayaan lamunin ng antok. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

-
Note: I didn't write this to add the stress on myself. Please, gentle to your words in comment section.  Xièxie nì.

I Fell Inlove With My Bestfriend (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon