book2 chapter13

18.5K 474 26
                                    

Patricia POV

Nandito na kami sa restaurant hindi ko alam kung tama ba ang pinili kong restaurant. paano ba naman yung mga waitress kulang na lang maghubad kay flex at paunahan pa talaga sa pag served sa kanya. nakakagigil!

" sir ako po ba ang order niyo?"

Napahilot na lang ako sa sentido ko at tumingin nang masama kay flex na ngayon ay malapad ang ngiti dahil kitang kita niya ako na kanina pa nang gagalaiti sa galit.

" ms ang order ko ay isang chicken barbeque plate at isang ice tea."

Sabi ko pero parang walang narinig ang babae kaya sinipa ko sa binti si flex.

" aray!"

Napatingin naman siya sakin at yung waitress naman ay jusme! yumuko nang walang alinlangan sa harap ni flex gosh mapapatay ko talaga to.

" ay ms okay lang ako order na kami nang girlfriend ko."

Sabi ni flex na naka ngiti pero humarap saakin ang waitress at tinuro niya pa ako.

" g-girlfriend niyo po?"

Hindi na ako nakapagtimpi at talagang sumabat na ako.

" ms oo girlfriend niya ako kailangan pa ulit ulit? Kanina pa kami gutom."

Sabi ko at tumayo sa hinatak ang walangyang babaerong kasama ko.

" oh wait lang patty!"

Sabi niya nang binitiwan ko siya nang nakalabas na kami nang restaurant.

" oi patty galit kaba?"

Hindi ko siya pinansin laskad parin ako nang lakad.

" oi pat galit kaba?"

Peste! Minsan mapapatay ko to eh alam nang galit ang tao tapos tatanungin pa kung galit.leche talaga!

" hey wait patricia im talking to you!"

Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at pumunta na lang sa kotse ko.

" aray! Ano ba!?"

Sigaw ko sa kanya nang haltakin niya ako.

" galit ka ba sakin?"

" leche ka! yan lang itatanong mo sakin kung makahaltak ka babaliin mo buto ko."

Sabi ko at inalis ang kamay niya sa braso ko ang sakit unggoy to.

" galit kaba?"

Tanong niya sakin hindi ako kumibo bagkus ay kinuha ko ang susi ko sa bag ko.

" galit ka ba? Nag seselos ka ba?"

Napakunot ang noo ko at tinignan siya.

" bakit naman ako magagalit at magseselos? wala akong pake kung mag makipaglandian ka sa mga babae."

Biglang napalitan nang lungkot ang mata niya na kanina ay frustration.

" yeah. Tama ka wala kang pake sakin ako lang naman itong may pake sayo ako lang naman kasi ang nag mamahal sating dalawa."

Pagkasabi niya yun ay tinarikuran niya na ako. Hay ano naman ba tong ginawa mo patricia!?

Flex POV

Nakakainis talaga tong babaeng to hindi man lang ako nagawang pigilan tsk ibang klase. Habang nag lalakad ako ay may nakita ako kotse parang dati ko na to nakita pero hindi ko lang matandaan kung saan at kanino kaya sumilip ako. nakita kong nagwawala ito sa loob nang sasakyan niya kaya kinatok ko ang pinto at pag harap niya ay isa lang ang nasa isip ko si patty.

Agad naman niya akong pinagbuksan nang bintana siguro ay hindi niya na ako mamukhaan pero laking gulat ko nang buksan niya ay konti na lang ang buhok niya sa ulo at putlang putla ito.

" anong kailangan mo?"

" jake."

Sabi ko kumunot ang noo niya maya maya ay nawala ito siguro ay na realize niya kung sino ako.

" flex ka-kasama mo ba si patricia?"

Umiling ako at nakita ko ang pag buntong hininga niya nang malalim.

" pwede ba kita makausap?"

Sabi niya at pumayag naman ako binuksan ko ang kabilang pinto nang sasakyan niya saka pumasok.

" flex sana walang maka alam neto dederetsohin na kita may sakit ako leukemia. hindi ko alam kung gagaling ako alam kong naguguluhan ka hindi ko iniwan si patricia dahil hindi ko na siya mahal iniwan ko siya nang nalaman kong may sakit ako. Ang gago ko diba? Pero okay lang maging gago para sa kanya ayoko siyang masaktan lalo kaya mas minabuti ko nang iwanan siya nang maaga. Alam kong nasaktan ko siya ngayon pero mas okay nato kesa mas lalo ko siyang masaktan pag namatay ako.Alam kong may nararamdaman na sayo siya. please alagaan mo siya nang mabuti at mahalin."

Sabi niya at umiyak hindi ako makapaniwala naawa ako sa kalagayan niya pero naitindihan ko siya kaso mali parin ang ginawa niya sana ay hinayaan niya na lang sa tabi niya si patricia habang may buhay pa siya at nang sa ganun ay magawa pa sila nang maraming alala kahit sandali lang.

" wag kang mag alala aalagaan ko at mamahalin ko ang reyna ko habang buhay magiging maayos fin ang laht mag tiwala ka lang."

Sabi ko nun at tinapik siya sa balikat saka lumabas na sa sasakyan niya at naglakad.

Patricia POV

Kanina ko pa hinahanap si flex pero wala ni isang bakas niya ang nakita ko. Kasalanan ko naman ang talim kasi nitong dila ko nakakainis. Habang naghahanap ako ay nakita ko si flex sa kabilang kalsada na lumabas sa sasakyan na kulay itim kaya agad ako sumigaw para makita niya ako.

" flex!"

Sigaw ko agad naman siya lumingon kaya kumaway ako sa kanya upang makita niya ako nang nagtama ang paningin namin ay kita ko ang lungkot sa mata niya. Nang nag stop sign na ay agad itong naglakad papunta sakin at bigla na lang niya ako niyakap.

" don't worry ako bahala sayo?"

Napakunot naman ang noo ko anong ako bahala sayo? Adik ba to?

" kaninong kotse yun?"

Tanong ko sakanya habang nakaturo sa sasakyan.

" wala sa kakilala lang. Tara kain na tayo."

Napakagat labi na lang ako at tumango sa kanya. habang naglalakad kami ay hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa itim na kotse na yun hangang sa umandar iyon.


Jake POV

Pinaandar ko na ang kotse ko baka kasi maalala ni patricia na ito ang kotse ko at pag nangyari yun ay hindi ko kakayanin na makita siyang umiiyak sa harap ko. Napahinto ako nang biglang sumobrang sakit ang ulo ko agad kong kinuha ang gamot ko pero nang makita ko ay ubos na to. Shit ang sakit dali dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang doktor ko.

" arrgghhh! Ang sakit! Tulungan niyo mo ako!"

Sabi ko halos maiumpog ko na ang ulo ko sa upuan para tumigil ang sakit.

" hello jake."

" ahhhh! Tulungan mo ko ang sakit shit!"

" jake calm down kuhain mo ang medi."

Hindi ko na narinig ang sasabihin niya nang biglang nag dilim ang paningin ko.



~~~~~~~~to be continue~~~~~~~~

I Fell Inlove With My Bestfriend (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon