Patricia POV
Pag kagising ko ay ginawa ko na ang morning routine ko. Matapos ng ilang minuto ay bumaba na ako para hanapin si mommy upang mag paalam na lalabas ako para hindi ito mag alala.
"Manang, nasan po si mommy?" Malakas at nagtatakang tanong ko sa matagal na naming kasambahay ng makita ko ito sa sala ng bahay namin na nag va-vacuum. Hibdi niya ako maririnig kung hindi ko lalakasan ang boses ko dahil ang ingay ng vacuum cleaner namin.
"Pinuntahan ng mama ni flex, Ishia." Sabi nito sakin ng matapos niyang patayin ang vacuum cleaner.
"Ganun po ba? paki sabi kay mommy na pupunta ako sa mall, Manang. Thank you!" Sabi ko dito habang naka ngiti pagkatapos ay lumakad na papaalis ng bahay.
"Sige, Ishia. Mag ingat ka!" Pahabol na sigaw ni manang sakin.
Habang nandito ako sa mall ay nag shopping muna ako. Ngayon pala inaya ni Flex si Francheska na lumabas kasama ito. Agad na nag iba ang timpla ng mood ko ng maalala ko ito.
Abala ako sa pag iisip ng may nakita ako dalawang pamilyar na tao. Si tita Mina kasama si daddy. Ang sweet nila sa isa't isa mukhang nakita ako ni tita Mina dahil ngumiti ito sakin at tinuro niya ako kay daddy. Hindi ko magawang ngumiti kay daddy na ngayon ay papalapit sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni daddy na parang bawal ako mag punta sa mall. Sinaway naman siya ni tita Mina sa inasal nito at ngumiti sakin.
"Bakit daddy bawal na ba ako ngayon sa mall?" Painosenteng tanong ko kay daddy sabay baling kay tita Mina na hindi ngumingiti sa kanya. Patago kong niyukom ang kamay ko sa likuran ko.
"I'm sorry, anak. Hindi iyon ang gustong sabihin saiyo ng daddy mo." Paliwanag nito sakin sabay mahinang hinampas si daddy sa braso. Napataas naman ang kilay ko sa kanya ng gawin niya iyon.
"Huwag mo kong tawaging anak. Hindi ikaw ang mommy ko." Madiin na sabi ko dito habang kinokontrol parin ang sarili na huwag sumabog sa galit.
Nakita ko ang galit sa mata ni daddy ng binalingan ko ito ng tingin. Kung dati ay takot ako na magalit ito sakin ngayon ay hindi na. Mas malaki ang galit ko sa kanya kumpara sa nararamdaman niya.
"Watch your words, Patricia!" Madiin na sabi ni daddy sakin pagkatapos ay hahaeakan niya na sana ako sa braso ng iilag ko ito sa kanya.
'Oh, I'm sorry for that daddy. Pero dapat niyang malaman na hindi niya ako anak kaya wala siyang karapatan na tawagin niya akong anak at tawagin ko siyang mama. Dahil iisa lang ang mommy ko at hindi siya iyon." Sabi ko kay daddy sabay baling ng tingin kay Tita Mina na ngayon ay naka tingin lang sakin na may halong lungkot sa mata nito.
"Pag uwi ko, mag uusap tayo." Sabi ni daddy sakin. Napa iling ako dito sabay ngisi sa kanya.
"Yun kung kaya mong umuwi saamin. I remember daddy once a month ka lang umuuwi because you like being with Tita Mina rather than your family." Sabi ko sabay tingin kay Tita Mina. Gusto kong mag sorry sa kanya but I can't ng dahil sa kanya nasira ang pamilya ko.
"Excuse me, mauuna na po ako marami pa akong ginagawa eh." Sabi ko kay dad at kay Tita Mina. I know I' m being a rude person now pero hindi naman magiging ganito ang asta ko kung walang mag tri-trigger.
Nanakit ako pag may nanakit sakin. Hindi uso sakin ang pag may ginawang kasalanan sayo ang tao batuhin mo ng tinapay. No. Mali iyan. Pag may ginawa masama saiyo ang isang tao gawan mo rin ng masama kung kaya mong i-triple gaein mo para maramdaman nila yung naramdaman mo. Hindi puwede ipag bahala dahil maiipon iyang nararamdaman mo at pag sumabog, ikaw lang ang masasaktan.
Nang naka alis na ako ay pumunta muna akong world of fun para maalis ang badmood ko pero hindi e. Yung badmood ko kanina mas nag triple ngayon at may halo pang sakit.
Nakita ko sila flex and francheska na nag lalaro ng shooting ball. Ang saya nila tignan hindi na sana ako magpapakita ng biglang lumingon si francheska sa labas at napasin niya yata ako. Bigla niya kinalabit si Flex at nginuso kung nasaan ako. Napatingin naman si flex sa puwesto ko at ngumiti siya sabay sinenyasan niya ako na pumasok sa loob ng world of fun.
Nag laro laro kami ng kung ano-ano ay mali pala. Ako lang pala nag lalaro mag isa. Sila naman ayun sweet na sweet sa gilid. Leche. Batuhin ko kaya sila ng bola pero as a bestfriend and good friend sa isip ko lang magagawa yun.
"Miss, are you ok?" - tanong ng lalake na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Tinaasan ko lang ito ng kilay at pinamewangan.
"Do I look fine to you?" Mataray na tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito at umiling sa inasta ko sa kanya.
"No. Do you wanna go out with me?" Tanong niya sabay ngisi nito sakin at nagawa pang kumindat. Ngumiwi naman ako sa ginawa niya saka kinuha ang isang bola na natira in case na ayaw ako tigilan nito ay puwede ko siyang batuhin sa mukha.
"No, thanks. hindi ako sumasama sa mukhang manyakis!" Sabi ko dito mahigpit na hinaeakan ang bola at ready na batuhin siya sa mukha kung hindi niya pa ako titigilan.
Bakit yung ibang boys kahit sabihin ng girls na ayaw nila o kaya naman no ipipilit pa rin nila. Mahirap ba intindihan ang simpleng Ayoko at No ng mga babae?
Totoong mukhang manyakis nitong lalake dahil sinong matinong tao ang mag aaya na samahan siya ng babaeng hindi niya kilala? O ayain ang babaeng hindi siya kilala? Wala diba?
"Ang arte mo!" Malakas na sabi nito dahilan para ang iilan na malapit sa'min na tao ay mapatingin sa gawi namin.
Pagkatapos ni kuyang manyakis mag walk out lumingon ako sa paligid at naglakad para hanapin ang dalawa ngunit mukhang umalis ang mga ito at hindi ako inaya.
Lumabas ako ng world of fun saka umupo sa isang bench na nakalagay sa loob ng mall para puwede upuan ng mga namamasyal.
Ganito pala ang feeling na iwan ka ng taong hindi mo kayang iwan. Ang unfair pero wala kang magagawa dahil hindi naman parehas tugma ang puso niyo sa isa't isa. Mahal mo siya pero may mahal siyang iba.
-
Note: This is edited version. Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend (UNEDITED)
Teen FictionA Eighteen-years-old Patricia Alcantara, A girl who fell inlove with her bestfriend. She doesn't know what to do and how to confess her feeling for her bestfriend without being rejected. Until one day, her bestfriend Flex Silver Intalgo suddenly con...