First day ni Alyssa sa Ateneo ngayon. Third year high school na siya. May nakuha siyang scholarship kaya dito siya nag-aaral ngayon. Normally, hindi pwede ang high school magdorm sa school, but since yung nagbigay ng scholarship ay naginsist na magdorm siya ay pinayagan din naman siya bandang huli.
There are actually few high school students na nagdodorm and they will be needing big money para maapprove. Which is nashoulder lahat ng kay Alyssa. Ang tanging gagawin niya lang ay enjoy her high school/teen life and study well.
Noong una ayaw niya, pero sayang naman daw ang opportunity. Ateneo is a school for rich kids. Everyone might see her as the probinsyana, the mahirap, the gold digger para magkapera, and the sipsip. Pero she's not planning to care. Magpapakanormal na student na lang siya.
Dala dala niya ang luggage niya. Mamaya pa daw hapon simula ang klase ng magdodorm kasi binibigay ang kalahati ng araw nila para magsettle sa mga sari sarili nilang room.
Habang dumadaan siya sa hallway ng napakalaking Ateneo ay pinagtitinginan siya. She expected this. Her loose shirt, ripped big jeans, old rubber shoes, and messy hair, no doubt na pagtitinginan siya ng mga mayaman and they will judge her.
But yet she didn't care.
Tuloy tuloy lang siyang naglalakad at hinihila ang maleta niya. Kapag may crowd ng tao eh magpapart ng way para sakanya then titignan siya from head to toe with sinful eyes.
Alyssa (thoughts): can't they just mind their own business?
Yung mga ibang babae naman ay pinagbubulungan siya then tatawa sila na parang wala lang siya dun. Yet again, she didn't care.
Maya maya ay nakarating na rin siya sa Eliazo building kung nasaan ang mga dorm ng mga athletes na babae pero sa mga upper floors eh ang mga dorms ng highschool na pinayagan magdorm.
Pagpasok niya dito ay ang daming tao. Sa lobby ay ang ingay dahil sa dami ng tao na tumatambay dito.
Pinagtinginan siya pagpasok niya pero agad naman bumalik sa pag uusap pagkatapos nang ilang minuto.
Lumapit siya sa information center para at tinanong kung anong room niya at hiningi ang susi.
Receptionist: Anong pangalan ma'am?
Aly: Alyssa C. Valdez po
Receptionist: Uhm, room 312 po kayo. 3rd floor po and eto ang susi.
Binigay naman ang susi na parang ayaw siyang hawakan nung receptionist, or in short, nandidiri.
Ngumiti na lamang si Alyssa dito at kinuha ang susi. Agad naman siyang dumiretso sa elevator nang walang tumutulong sa kanya na staff.
Pagkarating niya sa sinabing room eh kumatok siya para malaman kung may tao ba sa loob pero walang sumasagot kaya binuksan niya ito gamit ang susi niya.
Laking gulat niya sa nakita, puro kalat kahit saan at ang baho pa. Andaming balat ng chichirya sa table at mga empty cans ng soft drinks. Ang iba namang mga furniture ay puno na ng alikabok, halatang hindi nalilinis.
Alyssa: Ang dumi ata ng ka-dorm ko...
Binuhat niya ang maleta niya dahil kung hihilain niya ito ay matatangay nito ang balat ng pagkain o mga papel na nakakalat sa sahig.
Hinanap niya ang room niya. Nang buksan niya ang isang kwarto ay nakita niyang sobrang dumi dito kaya alam niya na hindi sakanya yun.
Pagpasok niya naman sa isa pang kwarto ay malinis ito at walang kagamit gamit kundi ang kama lang at ang study table, pati na rin ang aircon kaya pumasok siya dito at sinara ng maayos ang pinto.
Nagulat siya ng makita niyang may dalawang pinto sa loob ng kwarto niya. Pagpasok niya sa isa ay ang sarili niyang banyo at yung isa naman ay ang closet niya, nandun na rin ang mga kobre kama at punda.
Inayos niya na ang gamit niya at nilagay niya naman ng kobre kama ang kama niya at punda. Hindi niya hinayaan na magkaroon pa ng laman ang maleta niya.
Uupo na sana siya para magpahinga pero nakarinig siya ng ingay sa labas kaya lumabas naman siya nang makita niya ang isang babae na may nakasaklay na babae sa balikat niya.
???: Ay anak ng tinapa! Sino ka?! Bakit nandito ka?!
Alyssa: Uhm... ikaw ka dormmate ko? Uhm ayun dormmate mo ako.
???: Okay...? As long as I remember may deal si Den sa papa niya na dapat wala siyang ka-dorm... Pero sige baka pumayag na din pala siya...
Alyssa: Den...?
???: Ah. Eto pala si Dennise. (sabay turo sa nakasabit sa babae sa balikat niya at tulog) dormmate mo pero hindi ko alam kung tatagal ba. Lasing siya. I know ang bata niya pa para maglasing pero alam mo naman, normal na yun saming mga mayayaman.
Hindi naman naapektuhan si Alyssa na alam niya na tinignan siya ng mababa nung babaeng kaharap niya at kausap. Sanay naman na siya.
Alyssa: and you are...?
Bang: Shiela Pineda. Pero call me Bang. Kaibigan ni Den. Inuwi ko lang kasi tumambay ata kagabi sa school bar.
Alyssa: School bar?
Bang: Alam mo, alam ko transferee ka pero malalalaman mo din lahat yan kapag tumagal ka dito. Pero kailangan ko ng iwan si Den sayo at aattend pa ako sa klase ko.
Tumango na lang si Alyssa at binigyan ng way si Bang para makadaan at pahigain si Dennise sa kwarto niya. Yung kwarto na napakadumi.
Nakatitig lang si Alyssa sa nangyayari. Nang makita niyang tapos na si Bang at aalis na ito ay tinawag niya ito.
Alyssa: Bang!
Tumingin naman sakanya si Bang.
Bang: Hm?
Alyssa: Ganito ba talaga kadumi si Dennise?
Napatawa naman ng mahina si Bang.
Bang: Ay yun, oo. Pasensya na. Ganun talaga siya. O siya alis na ako.
At doon lumabas na siya ng dorm nila Alyssa.
Si Alyssa naman ay nagkamot ulo dahil sa nakikita niyang dumi.
Alyssa: So madadagdagan pa to?? Hay naku. Tsk tsk!
***