UC 7

480 19 0
                                    

Aly: She died.

Den: Ooh. I'm sorry..

Aly: Don't be. Ayos lang. Comfortable naman na akong magshare ako sayo.

Natouch naman si Dennise sa sinabi ni Alyssa. Mabibilang mo pa rin ang araw simula nung nagkakilala sila pero ngayon pa lang ay komportable na sila sa isa't isa. First time rin mag oopen ng problema si Alyssa sakanya.

Aly: 6 years old ako nun nung nag-away sila ni papa. Lasing nun si papa tapos galit na galit siya dahil sa pinagagalitan siya ni mama  dahil sa pag-inom. Nagdabog siya at madami ring binasag na gamit namin. Habang kaming magkakapatid, nagtatago lang sa isang kwarto, umiiyak. Kahit na ako lang yung babae, ako yung nagpapakatatag saming magkakapatid. Ako nagcocomfort sakanila habang naririnig naming nagsisigawan sila sa sala. Hanggang sa narinig naming pinapalayas siya ni papa. Akala namin ay hindi aalis si mama, pero nagulat kami nang nung tumahimik na sila, paglabas namin sa kwarto ay wala na yung mga damit ni mama.

Namumuo na ang mga luha sa mata ni Alyssa habang inaalala niya ang nangyayari. Humarap naman si Den sakanya na kanina ay nakatalikod sakanya. Nakayakap parin siya dito habang silang dalawa ay nakahiga. 

Den: Ly...

Aly: N-no, okay lang ako. Then, after ilang hours may narinig kaming news na may nasagasaan daw na babae ng 10-wheeler truck sa gitna ng daan. Doon ko nafeel na parang may masamang nangyari. Then binalita samin ng mga kapitbahay namin na si mama daw pala yun. Sumugod kami sa hospital habang iyak ng iyak si papa, pinagsisihan ang mga nangyari. Buhat buhat din ako ni Kuya Nicko nun. Lahat kami iyak ng iyak. Pero it's too late, sino ba kasing mag iisip na mabubuhay pa isang tao pagkatapos mabunggo ng 10-wheeler truck diba? Hahaha.

Kahit na tumatawa si Alyssa ay umiiyak na din ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyari. Sinisisi niya ang sarili niya sa di niya alam na rason pero pilit niyang sinisisi sarili niya.

Aly: Hanggang ngayon sinisisi ko pa din sarili ko, sabi ni papa wala daw akong kasalanan pero ang hirap tanggapin...

Patuloy pa rin na umiiyak si Alyssa kaya niyakap siya ni Den at minamasahe niya ang likod nito at paulit ulit na sinasabing 'iiyak mo lang yan...'

Nakaramdam ng matinding hangad si Dennise na ipakita kay Alyssa na hindi niya ito iiwan. Gusto niyang ipakita na kailanman ay hindi niya iiwan si Aly.

Matagal silang ganun lang ang posisyon. Parehas silang nakayakap sa isa't isa habang hinahagod ni Den ang likod ni Alyssa.

Den: You okay?

Aly: Yeah... Okay na ako... Thank you and I'm sorry...

Den: Sorry for what?

Aly: Nabasa ko damit mo...

Den: Ano ka ba hahaha. Ayos lang damit lang naman to

Nanahimik sila ulit.

Aly: Den?

Den: Hm?

Aly: Ang tagal na nating nakayakap...

And then that's when the situation striked Den kaya napabitaw siya. Habang si Alyssa eh sinabi niya yun para humiwalay si Den dahil sobrang lakas na din ng tibok ng puso niya at baka maramdaman pa to ni Dennise.

Den: Oops hehe sorry.

Den (thoughts): Wtf den nakakahiya

Aly (thoughts): Buti di niya naramdaman kundi huli ako...

Nagkaroon nanaman ng awkward silence sa pagitan nilang dalawa.

Den: Hey Ly?

Aly: Yeah?

Den: Thank you.

Aly: Huh? Para saan naman?

Den: For making me feel that you trust me... Kasi nagshashare ka na ng mga bagay bagay...

Parang nahiya naman si Dennise kaya napayuko siya at hindi tinitignan sa mata si Alyssa. Hindi niya alam pero nahiya siya bigla.

Aly: Why are you hiding your face? Wala ka namang dapat ikahiya.

Nabigla naman si Den nang maramdaman niya ang kamay ni Alyssa sa chin niya at naramdaman niyang tinataas nito ang mukha niya kaya napataas ulit mukha niya na kapantay na lang nang kay Alyssa.

Nagtama ang kanilang mga mata. Parang walang makakasira dahil sa matinding pagfocus nila sa mata ng isa't isa.

Aly: I trust you already. Alam kong sandaling araw pa lang tayong nagkakasama, pero pinagkakatiwalaan na kita.

Naramdaman ni Den ang sincerity sa sinabi ni Alyssa kaya naman naramdaman niyang parang nagwawala ang mga internal organs niya. Alyssa's simple words made her heart leap.

Parang nakalimutan nila ang mga nangyayari sa buhay nila sa sandaling iyon at kinuha ang time na yun para mafeel nila na parang silang dalawa lang ang nasa mundo.

Ngumiti naman si Den kay Alyssa at ganun din si Alyssa sakanya.

Aly: Kain tayo?

Den: Huh?

Aly: Dennise Michelle Garcia Lazaro, for your information ay 12:45 na po tapos hindi pa tayo kumakain ng lunch natin...

Mabilis na nagshift ang atmosphere from sincere to biglang asaran ulit. Pakiramdam kasi ni Alyssa eh baka naakward na si Dennise sa kung paano siya umakto.

Napagdesisyon nilang lumabas ng campus ng Ateneo at magmall. Nagworry naman nung una si Alyssa dahil sa baka masira niya lang reputation ni Dennise pero pinatahimik na lang siya ni Den at sinabing wag siya mag-alala masyado.

Aly: Lazaro bilisan mo naman gutom na ako

Sa kasalukuyan ay nagbibihis si Den. Kanina pa siya hindi mapakali sa suot niya, hindi niya alam kung magdedress ba siya or simpleng vneck tshirt na lang at ripped jeans. Napagdesisyonan niyang mag white v-neck t-shirt na lang at ripped jeans, tinali niya din ang buhok niya into a ponytail.

Agad naman siyang lumabas sa kwarto niya at nakita si Alyssa na nakaupo sa sofa nila at mukhang inip na inip.

Den: Sorry to keep you waiting, Ly.

Napatayo naman bigla si Alyssa nang marinig niya ang boses ni Den at nang makita niya ito sa suot nito ay hindi niya maiwasang mamangha. Tunay na anghel si Den dahil sa kagandahan nito. Naramdaman niya nanaman yung puso niyang abnormal na mabilis ang tibok.

Aly (thoughts): Ayan ka nanaman puso, ano ba nangyayari sayo?!

Den: Alyssa Valdez, isara mo yang bibig mo, may papasok na langaw.

Para namang nabalik sa reality si Alyssa at pinakiramdaman ba kung nakanganga ba siya pero hindi naman pala, pinagtripan lang siya ni Den.

Napatawa naman si Den and Alyssa swore to the whole word that Den's giggle is best thing she could ever hear in her whole existence. It was like music to her ears.

Aly: Tse. Tara na nga.

At nagtungo na sila sa parking lot ng dorm ng Ateneo dahil nandun yung sasakyan ni Dennise.

Aly: You have a driver's license?

Den: Ano sa tingin mo? Papayagan ba ako nila Dad na magkasasakyan kung wala akong driver's license?

Aly: Whatever, Lazaro.

Kahit na si Den ang magdadrive ay pinagbuksan pa rin ni Alyssa si Den ng pinto. Namula naman si Den na parang kamatis dahil sa ginawa ni Alyssa.

At dumiretso na sila sa mall.

***

unknown cliff // a l y d e nTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon