"Ly dun tayo dali!"
"Gusto ko to omggggg"
"Ly dito ka lang magfifit lang ako ah?"
"Pahawak nitong mga dress, abot mo mamaya sakin sa fitting room."
Yan ang mga paulit ulit na sinasabi ni Den kay Alyssa noong napadpad sila sa H&M. Pagkatapos nilang kumain sa shakey's ng silang dalawa lang, na nagcause pa ng malaking hassle dahil ang daming nagtatanong kay Den kung ano ba sila, mga halatang reporters or journalists. Hindi na lang nila pinapansin at ineenjoy ang oras nila sa mall.
Den: Ly, bagay ba to sakin?
Nakatingin si Alyssa sa kanya na namamangha. Sa suot niyang simpleng kulay puti na dress ay hindi maiwasan ni Alyssa na mapatitig sa goddess na nasa harap niya.
Den: Huy, Ly!
Aly: Ay dyosa!
Den: Salamat HAHAHAHAHAHA
Bigla namang namula si Alyssa nang marealize niyang nasabi niya yung thoughts niya.
Den: Seryoso nga, bagay ba sakin?
Aly: Bagay naman sayo lahat. Sa ganda mo ba na yan?
Turn naman ni Den na mamula dahil sa sinabi ni Alyssa.
Aly: Lazaro, kamatis HAHAHAHA
Den rolled her eyes at bumalik sa loob ng cubicle kung saan kanina pa siya nagfifit ng kung ano ano.
Nang matapos sila ay andami palang binili ni Den, at bibitbitin niya sana ito nang makita niyang hawak ni Alyssa lahat ng paper bag.
Den: Huy bakit nasayo lahat yan? Tulungan na kita.
Aly: No no no. Wag na, ako na magbubuhat nito. Susunod na lang ako sayo.
Den: Tse wag ka nga.
Agad naman hinablot ni Den yung mga paperbag sa kaliwang kamay ni Alyssa at matagumpay naman siyang ngumiti nang makuha niya ito. Hindi naman ito mabigat.
Aly: Den, sabi ko ako na--
Kukunin sana ulit ni Aly yung mga paper bag na naagaw sakanya ni Denden nang biglang hawakan ni Den yung free hand niya.
Den: Wag ka na magreklamo, Valdez.
Parehas na malakas ang tibok ng puso ng dalawa at nakatingin sa kamay nilang magkahawak. Parehas ding namumula at hindi makatingin sa mata ng isa't isa.
Aly: Uhm...
Den: Tara na!
Kahit na sobrang lakas ng kabog ng puso ni Den ay sinubukan niyang pagaanin ang atmosphere at hinila si Alyssa na parang kunwari, kunwari lang, ay hindi siya nabobother sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya at nagwawalang mga paro-paro sa tyan niya dahil lang sa magkahawak nilang kamay.
Walang nagsasalita sakanilang dalawa habang naglalakad sila at hindi alam kung saan papunta. Parehas malalim ang iniisip.
Den (thoughts): Ginagawa ko din naman to sa iba, yung hinahawakan kamay nila pero bakit ngayong si Ly na eh kakaiba pakiramdam?! At bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?! Palagi na nangyayari sakin to these past few days, laging bumibilis tibok ng puso ko, magpapacheck up na ba ako?! Baka may sakit na ako sa puso...
Aly (thoughts): Ang lambot ng kamay niya.... At parang perfect na perfect ang pagkafit ng mga kamay namin... Sana hindi na namin kailangan bumitaw... Ay Alyssa Valdez, anong iniisip mo?! At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! Palagi na lang to nangyayari... Papacheck up na ata ako...