Dumaan ang mga araw at naging magkaibigan si Alyssa at Denden. Tuwing umaga ay nauunang gumigising si Alyssa para magluto ng breakfast nilang dalawa. Tuwing gabi naman, kapag uwian ay nagtutulungan sila sa mga assignments at projects, reports or paper works.
Oo mas naging close sila pero dahil dun ay mas dumadarami din ang mga issues sakanila. Palaging nabubully si Alyssa sa mga may ayaw sakanya at sa mga tingin ay gold digger lang siya kay Den. Pero mas madalas ang mga nangbubully na sinasabing ang habol niya lang kay Den ay ang pera nito.
Pero hindi niya sinasabi sa kahit kanino ang mga nangbubully sakanya, o kaya sa mga babaeng bigla siyang papalibutan at sasaktan. Physically. Hindi na lang din niya pinagtatanggol sarili at hindi na rin pumapatol dahil alam niyang wala namang maidudulot na maganda kung gagawin niya iyon.
Sa ngayon ay sabado, walang pasok at ang dalawa ay nakatambay lang sa dorm nila. Walang magawa. Normally kasi ay wala si Den dahil may pupuntahan tapos si Alyssa ay niyayaya nila Vic paalis. Kaya tuwing weekend ay walang tao sa dorm. Pero ngayon, kabaligtaran. Parehas silang nandoon at walang magawa.
Kaya naisipan nilang manuod na lang ng movie. Sa minamalas na pagkakataon ba naman eh horror ang napili nilang dalawa.
Habang nanunuod sila ng Insidious 3 ay hindi mapakali si Alyssa dahil nakayakap yung kamay ni Den sa waist niya. Hindi niya alam pero ang bilis ng tibok ng puso niya at hindi niya ito mapigilan.
Aly (thoughts): Nagpapalpitate ba ako o ano.. Tumigil ka nga puso...
Dumating na sa climax at sunod sunod na ang mga jumpscares. Hindi naman natatakot si Alyssa dahil sa nadidistract pa din siya sobrang lapit ni Den sakanya pati na rin ang mga simple clingy gestures ni Den.
Nagtakip naman ng mata si Den dahil sa nakakatakot na talaga ang nangyayari.
Den: Hindi ko alam anong meron sayo, Ly at hindi ka nakakatakot sa movie...
Tila naman ay walang narinig si Alyssa at malalim pa rin ang iniisip dahil sa ang bilis nga ng tibok ng puso niya.
Aly (thoughts): Anong nangyayari sayo, Alyssa Valdez?!
Den: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!
Aly: AY ANAK NG TINAPA!!
Den: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA HALATANG DI KA NANONOOD HAHAHA
Tinignan ni Alyssa kung anong part na at nakitang credits na pala.
Aly (thoughts): Hala huli ka Valdez, ayan kasi.
Aly: Ang boring kasi masyado ng movie... Oo yun! Boring masyado hehe
Den: Sus boring daw...
Den (thoughts): Parang ang lalim palagi ng iniisip niya... Bakit kaya?
Den: Ah alam ko na kung ano ang di boring!
Aly: Huh?
Bigla namang sinundot ni Den yung tagiliran ni Alyssa kaya para naman itong naelectric dahil sa lakas ng kiliti niya sa part na yun.
Aly: Huy ano ba malakas- DEN!
Hindi pa rin tumitigil si Denden at sinusundot niya palagi yung tagiliran ni Alyssa. Tawa lang siya ng tawa habang si Alyssa naman ay nag iisip ng paraan paano makaiwas sa mga sundot niya.
Tumayo na si Alyssa at tumakbo paalis, ganun din ang ginawa ni Denden para mahabol siya. Naghabulan sila sa loob hanggang sa nagtago si Alyssa sa kwarto niya at isasara sana ang pinto nang maharangan ito ni Den.
Den: Hindi ka makakatakaaaaaas~
Aly: Heh! Ayoko na kasi! Den naman eh
Den: Awoooo~ HAHAHAHA