Fille: We're here!!!
Ella: Wow naman. Ang kalma ng paligid...
Kakarating lang ng 6 sa Monte Gaudium at totoo naman yung sinabi ni Fille, parang walang wild party na nangyari kanina. Lahat ng table ay maayos, mararamdaman mo ang kapayapaan sa atmospera at ang mga tao ay kalmado rin. Kulay pula ang paligid dahil sa kulay pula ang ilaw, sa stage naman, kung saan magpeperform ang mga banda ay may parang christmas lights at mga lantern na nakasabit.
Den: I like it here...
Fille: Ako din, dati...
Napatingin naman sa baba si Fille at parang nalungkot na ipinagtaka ng mga kaibigan niya.
Mela: Okay ka lang, Fille?
Fille: Ah? O-oo naman hehe
Tinignan siya ng maigi ni Dennise at naramdaman niyang may past si Fille sa place na to, na parang may memories siya dati dito.
Den: Marami kang kwento sakin mamaya...
Fille: Huh?
Den: I can feel something... Anyway, enjoy muna natin yung night na to, okay?
Fille: Okay.
Naupo na sila sa isang table. Bale ang order ng pagkaupo nila ay Ella - Mela - Bang - Fille - Den - Myco
Isang straight lang na upuan yung upuan na kinuha nila.
Binaba naman ni Myco lahat ng dala dala niya at inakbayan si Den. Tatanggalin sana ito ni Den pero pinigilan siya ni Myco.
Myco: Denden, kahit ngayon lang oh? Please?
Wala namang nagawa si Den. Akbay lang naman yun, walang malisya. Pero syempre hindi niya maiwasang maisip na baka mapicture-an silang dalawa at kumalat nanaman sa media at magkagulo nanaman na parang kung ano nangyari sa mga picture nila ni Alyssa.
Bigla namang naisip ni Den si Alyssa.
Den (thoughts): Kamusta na kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Ano kaya ginagawa nilang magkakabarkada? Ano ba normally ginagawa nila Galang pag gala? Pangbababae? Paano kung nangbababae si Valdez ngayon? Grrr siguro ang saya niya ngayon dahil natuto syang mangbabae? Grr nakakainis!
Fille: Oh bakit kanina okay ka naman tapos ngayon bad mood ka na?
Nagulat naman si Den nang magsalita si Fille.
Den: H-huh? H-hindi a-ah
Fille: Anong hindi ka dyan. Kanina ka pa nanggigil dyan oh.
Den: H-hindi kaya! Ikaw nga kanina dyan eh! Wala ka man sinasabi sakin pero nafeel kong may mali sa place na to hmm
Fille: H-huh? W-wala y-yun...
Den: Oo wala talaga yun kahit halatang halata ka na pramis
Napabuntong hininga naman si Fille.
Fille: Hays
Den: Anong meron dyan? Ang lalim nyan ah.
Fille: May past ako dito...
Den: Halata Cainglet
Fille: Seryoso kas--
Den: Si Ho diba?
Bigla naman nanigas si Fille nang marinig niya ang sinabi ni Den.
Fille: P-pano mo n-nalaman?
Den: Akala mo hindi ko napapansin yung mga tingin mo sakanya simula nung bumalik siya galing China?
Nanahimik lang si Fille. Hindi alam ang sasabihin.
Den: Hulaan ko, alam mo bakit pumunta siyang China?
Fille: A-ako yung r-reason...
Den: Ano?!
Fille: Ganito kasi yun...
FLASHBACK (1 year ago)
Gretch: B-babe... H-hindi t-totoo s-sinasabi mo d-d-diba?!
Fille: I-I'm sorry, G-Gretch...
Gretch: Hindi ako naniniwala! Alam ko mahal mo pa ako! Nakikita ko sa mga mata mo!
Fille: Nakikipagbreak na nga ako sayo! Hindi pa ba enough yun na reason?!
Gretch: Dahil ba to sa kumpanya niyo...?
Fille: .....
Gretch: I knew it. Haha. Dahil isa lang akong babaeng nanggaling sa probinsya at ang mga magulang ko ay nag hihirap sa China? Oo alam ko na yan haha
Fille: G-Gretch...
Gretch: Dahil isa lang akong normal na tao at walang maitutulong pamilya ko sa pamilya niyo? Na baka maging pabigat lang kami sainyo? Na baka sainyo na lang kami umasa? Na minahal lang kita dahil habol ko sayo pera? Alam na alam ko yan, Fille.
Fille: I-I'm s-sorry....
Gretch: Handa sana akong lumaban kasama ka, handa na sana ako ipaglaban kung ano meron satin, pero paano ko gagawin yun kung bumitaw ka na agad
Aalis na sana si Gretch nang biglang hawakan ni Fille ang braso niya
Fille: I-I'm s-sorry... I'm sorry... Sorry...
Gretch: Baka pumunta na lang akong China, para hindi mo na ako makita, para hindi ka na mamroblema at makahanap ka na ng bago, yung susuportahan ka ng mga magulang mo. Alam kong mahahanap mo din yung taong para sayo, hindi ka mahirap mahalin, Fille. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal kita ngayon. Pero bumitaw ka na, at wala na akong magagawa. Desisyon mo yan at rerespetuhin ko ang desisyon mo.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Fille at Gretch.
Gretch: Bitaw na, Fille. Nakabitaw ka na nga emotionally eh, hindi naman mahirap bumitaw physically. Yung braso ko.
At doon binitawan ni Fille ang braso at naglakad na paalis si Gretch.
Naluhod naman si Fille sa sahig sa sobrang hina ng katawan kakaiyak at patuloy na sinisisi ang sarili.
END OF FLASHBACK
Umiiyak siya habang kinekwento ang dating relasyon niya.
Den: At etong bar na to? Anong connect nito sainyo?
Fille: Dito kami madalas magdate lalo na pag gabi, kasi ang kalma palagi tapos yung mga banda ang sarap pakinggan... Siya una nagdala sakin dito, at simula nun naging tambayan na namin to...
Den: Aww
Matagal silang nanahimik habang tumatahan na sa pag-iyak si Fille.
Den: May tanong ako.
Fille: Ano yun?
Den: Mahal mo pa ba siya?
Fille: Oo naman..
Den: Bakit hindi ka makipagbalikan at doon niyo ipaglaban ang isa't isa...
Fille: Hindi niya na ako mahal, Den. Nakamove-on na siya
Den: Paano mo naman nasabi yun?
Fille: Nakikita ko sa mga kilos niya.. Parang ang easy na lang sakanya layuan ako, na hindi ako pansinin, na magpanggap na walang nangyari dati
Den: Tinignan mo na ba mata niya?
Fille: Kung obvious na sa kilos, bakit pa ako titingin sa mata? Mas lalo pa akong masasaktan
Den: Why don't you take a risk? Hindi ba siya worth the risk?
***