Nagpakita na ang araw na kanina ay nakalubog at ang moon ang nasa taas. Hindi pa naman tumitirik dahil madaling araw pa lang pero kita na to sa mga bintana ng dorm nila.
Maya maya ay nagising si Alyssa nang maramdaman niyang parang may nakayakap sa bewang niya. Noong una akala niya ay kumot lang pero nang maramdaman niyang hindi naman tela ito nang hawakan niya ay nagtaka siya.
Dadah dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakitang may anghel sa tabi niya.
Aly (thoughts): Nasa heaven na ba ako? Bakit may anghel sa tabi ko...?
Pinagmasdan niya ang features nung sinasabi niyang anghel. Hindi maiiwasang masabing napakaganda niya at tunay na parang anghel ito. Simula sa mga mahabang pilik mata, sa matangos na ilong, makinis na mukha, at hanggang sa kulay pulang labi.
Napangiti naman si Alyssa. Pero nang marealize niya kung sino ito...
Aly: Hala Dennise ano--- F*CK AW OUCH OUCH
Bigla naman sumumpong ang sakit ng ulo niya nang tatayo sana siya. Nagising din si Den sa ingay na naririnig niya. Minulat niya ang mga mata niya at nakita ang isang Alyssa na hawak hawak ang ulo at walang ibang sinasabi kundi aw, ouch or aray.
Den: Oh my gosh, okay ka lang ba?
Agad naman siyang napatayo nang nakita nyang nasasaktan si Alyssa.
Aly: I'm f-fine-- AW OUCH WTF
Agad namang tumakbo si Den sa kitchen at naghanap ng gamot, nang makita niya ito ay mabilisan siyang nagtimpla ng kape at tumakbo pabalik sa kwarto ni Alyssa.
Den: Eto inumin mo tong kape tapos maya maya yung gamot naman.. Effective tong coffee pang paalis ng hangover..
Walang imik na sumunod si Alyssa dahil wala na siyang lakas para magsalita pa.
Nang matapos na ang commotion nila tungkol sa sakit ng ulo ay parehas silang naupo sa kama.
Den: Ehem! Uhm.. Okay ka na ba?
Aly: Medyo masakit pa ulo pero kaya pa naman...
Den: Ahh. Bakit ka kasi uminom ng marami kagabi?
Aly: Hindi ko namalayan at hindi ko naman alam na ganito pala kasakit yung hangover... Sino pala naghatid sakin kagabi?
Den: Si Vic at Kim
Nanahimik ang dalawa. Yung tipong awkward na silence.
Aly: U-uhm ano palang g-ginagawa m-mo sa k-kwarto ko...?
Aly (thoughts): Hala bakit ako nauutal utal...
Den: Ah kasi kagabi nagkakabangungot ka ata kaya cinomfort kita... Ginagawa kasi yun ni Dad sakin dati nung bata ako...
Aly: U-uhm, p-pano b-ba t-to... U-uh.. S-salamat...
Napakamot naman ng batok si Alyssa at hindi makatingin sa mata ni Dennise habang yung isa naman eh...
Den (thoughts): Bakit ang cute niya?
Den: Ayos lang yun. Ano ka ba
Nanahimik nanaman silang dalawa at walang tumitingin sa mata ng isa't isa. Nahihiya sa isa't isa at hindi alam kung anong gagawin.
Den: Sabay tayong pumasok?
Tila naman nagulat si Alyssa sa narinig. Ang naka tatak kasi sa isip niya eh ayaw siyang makasabay ni Dennise na pumasok dahil nga sa image na dinadala niya sa school. Isama mo pa na baka masira niya ang reputasyon ni Den.
Aly: Uh....
Napatingin naman siya sa baba, hindi alam ang sasabihin.
Den: Ayaw mo ba? Sige wag---