Vic: Ano meron sainyo ni Dennise?
Aly: Ah? Wala ah.
Kim: Eh bakit holding hands holding hands pa kayo sa mall?
Aly: Ewan ko sakanya, siya humawak na una.
Gretch: So ano nga meron sainyo?
Aly: Siguro magkaibigan?
Vic: Magkaibigan nga ba?
Kim: Magkatabi matulog?
Gretch: Naghoholding hands?
Aly: Ano ba kayo, wala yun. Clingy lang talaga siya minsan.
Aly (thoughts): Grabe ha, ang hirap magpanggap na parang wala lang sakin mga tanong nila. Ano nga ba nararamdaman ko sakanya? Hindi ko din alam eh. Clingy lang ba talaga siya? O nagmumukhang clingy kasi kahit simple gesture niya lang eh binibigyan mo ng malisya? Bakit nga ba ganito nararamdaman ko sakanya? Bakit bigla bumibilos tibok ng puso ko, makita lang siya? Bakit sumasaya araw ko, marinig ko lang boses niya? Papacheck up na talaga ata ako.
Vic: Huy baldo!
Aly: Ay papacheck up!
Vic: Huh?
Bigla naman namula si Alyssa dahil nasabi niya ng malakas yung iniisip niya.
Aly: Ah uhm wala yun. S-sabi k-ko pacheck up n-na kayo d-dahil k-kung ano ano i-iniisip n-niyo...
Vic: Kanina ka pa namin kinakausap, wala ka ata dito? Nasan ka? Nasa puso ni Lazaro?
Mas lalo namang namula si Alyssa na nagpatawa sa tatlo niyang kasama.
Kim: Baldo kamatis! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Aly: H-heh. M-manahimik nga k-kayo...
Vic: So anyway, yung sinasabi namin, may ipapakila sana kami sayo...
Aly: Ipapakilala?
Kim: Oo, chix--- Aray!
Nakareceive naman ng malakas na batok si Kim kay Vic.
Vic: Anong chix ka dyan! Manager na natin yun hoy!
Gretch: Sino ba sinasabi niyo? O.o
Aly: Hindi mo din alam Greta?
Gretch: Ewan ko ba sa kalokohan ng dalawang to, busy ako sa pag aayos ng papeles ko sa school na to dahil kakabalik ko lang galing China. Naghahabol lang sa past few weeks na nawala ako.
Aly: Ahh ganun ba (tingin kay Vic) anong ipapakilala? at anong manager?
Vic: Manager siya ng Monte Gaudium. Yung bar na malapit lang dito sa ateneo? Yung medyo malapit lang din sa Padis point? Basta dun. Makikita mo naman yun mamaya.
Aly: Oh anong meron?
Vic: Ano... gusto niya kasi tayong kunin as banda... Tayong apat... Diba kasi naghahanap tayo ng part-time job na makakatulong sa allowance natin sa school? Eh kaibigan ko siya kaya nabanggit ko tapos pwede naman daw tayo magpart-time sa bar niya...
Aly: Seryoso ka ba, Galang? Kung biro lang to ayus ayusin mo..
Vic: Seryoso nga.. May part-time job na tayo mga bros!
Tila hindi pa rin nagsisink in kay Alyssa ang narinig. Si Gretch naman ay napangiti sa balita. Medyo naghihirap na din kasi sila sa finances nila kaya kailangan nila ng part-time job.
Kim: Huy baldo! Gising! Celebrate na tayo dali!
Aly: ......
Nang magsink in na sakanya ay nagsaya na din siya. Hindi niya pa naisip na maghanap ng part-time job pero pinaplano niya pa lang ito. Pero bago niya pa alam ay meron na pala siyang trabaho.