Uuwi na sana ng dorm si Alyssa nang yayain siya nila Ara na magschool bar daw. Naalala niya naman yung sinabi ni Bang tungkol sa school bar kaya naman nacurious siya at sumama.
Aly: Ano ba tong school bar na to?
Gretch: From the word itself, school bar. Bar ng school.
Aly: Pwede yun?
Vic: Oo naman basta studyante ka ng Ateneo, at 3rd year na, pwede ka na dun. Bawal pa ang freshmen at 2nd year pero yung iba nakakalusot.
Para namang naexcite si Alyssa sa narinig. Na may bar pala ang school nila at pwede siya pumunta dun anytime dahil estudyante na rin naman siya ng Ateneo at nagdodorm pa ito mismo sa Ateneo.
Malayo layo rin ang nilakad nila. Malaki kasi ang Ateneo dahil sa puro mayayaman ang nandito sa school na to. Malaki ang bayad sa lahat, marami ding nagiinvest kaya lumalaki ng lumalaki.
Umabot sila sa isang malaking building sa pinakadulo ng campus. Napakahightech nitong tignan at makikita mo sa glass windows na to ang iba't ibang kulay ng ilaw na pumapalibot dito.
Vic: This is SB. School Bar. O diba sosyal tayo, SB HAHAHAHA
Tumawa naman ng mahina si Alyssa dahil narealize niya din na SB pala ang acronym neto.
Pumasok na sila sa loob at nandoon ay mga estudyante na nagsasayawan sa gitna at iba naman ay tumatambay sa sarili sariling mga table.
Aly: Kahit saan ka na lang ba pwede umupo o may nakareserve sa bawat upuan?
Kim: Binibili yan. Tulad nung isang yun, yung walang taong table na yun, para sa mga basketball players na yan hanggang sa magkaroon ng forever dahil binili na nila yan.
Vic: Oo, kaya yung ibang mga transferee minsan eh umuupo kahit saan kaya nagkaka-away dito at napapatalsik sila at naba-banned dito sa SB.
Aly: Ah ganun ba. Pano kung gusto mong tumambay dito?
Gretch: Either dun tayo sa taas, kung saan isang malaking floor mat lang at sobrang daming maliliit na center table. So uupo ka nun sa sahig na may carpet, O kaya naman maglibot sa dance floor. Ganun lang naman.
Nagets na lahat ni Alyssa. Buti na lang ang mga kasama niya ay mababait at komportable siya. Kaya mabilis siyang nakakapag adjust sa school.
Kim: Ano? Tara? Sa taas tayo, inom tayong kaunti.
Naglakad na sila papunta sa stairs nang mapansin nila na hindi sumusunod si Alyssa sakanila.
Gretch: Oh Ly? Tara na.
Aly: Hindi kasi ako umiinom...
Nagtinginan naman ang tatlo at nagngitian ng nakakaloko. Hinila agad nila si Aly at dinala sa taas, pinaupo sa carpet at binantayan ni Gretchen habang yung dalawa eh bumibili ng beer.
Aly: Uy anong ginagawa niyo? Hindi nga ako umiinom.
Gretch: Wag kang mag-alala, Valdez. Tuturuan ka lang namin. Dito kasi tambayan namin minsan.
Bumalik na yung dalawa na may hawak na 5 bote ng beer.
Kim: Guys, ano... mura lang to ah, alam niyo naman...
Gretch: Ano ka ba! Sama sama tayo dito! Alam namin yan..
Aly: Oo nga...
Ngumiti naman ang dalawa at nilapag ang beer.
Vic & Kim: Shot! Shot! Shot!
Si Gretchen naman ay nilagyan ng beer ang maliit na baso ni Aly. Kinabahan naman siya. Hindi pa siya uminom sa buong buhay niya.
Vic: Sige, kung hindi mo magustuhan, then yan na ang last time na pipilitin ka namin uminom. Okay?
Tumango na lang si Alyssa.
Kinuha niya ang baso, tinignan ang beer at pumikit. Mabilis niya itong binuhos na bibig niya ay nilunok.
Aly: Aargh!
Napangiwi siya sa pait. Habang ang tatlo ay nag aabang sa magiging reaction niya.
Aly: Ayoko yung lasa....
Nalungkot naman ang tatlo
Aly: Pero gusto ko pa...
Silang apat: CHEERS!
-
*Knock* *Knock*
Nagising si Den dahil sa kumakatok sa pinto ng dorm niya. Naiinis niyang tinignan ang relo at nakitang 11:45 pm na pala.
Den: (Naiinis) Sino bang kakatok ng ganitong oras...
*Knock* *Knock*
Den: ETO NA!
Agad naman siyang tumayo kahit na naiinis pa rin at nagtungo sa pinto, pagkabukas niya ay nagulat siya sa nakita.
Kim: Hi?
Den: Anong nangyari sakanya?
Vic: Naparami ng inom. First time kasi.
Den: Tsk! Bakit niyo kasi siya dinala dun!
Nagkatinginan si Kim at Vic na dala dala si Alyssa sa mga balikat nila. Si Gretchen kasi ay umuwi na dahil may aasikasuhin pa daw. Nakita ng dalawa na lumalabas nanaman ang kasungitan ni Dennise.
Hindi naman makatingin ang dalawa sa mga mata ni Dennise. Binibigyan kasi sila ng nakakamatay ng tingin.
Kim: U-uhm... S-sumama n-nama---
Den: At talagang ganitong oras niyo pa siya inuwi!
Vic: A-ayaw n-niya p-pa k-kasi u-u-umuw---
Den: Eh alam niyo ng oras na oh! 11:45 na oh!
Nagkatinginan naman si Kim at Vic, halata na sa mga mukha na natatakot. Hindi na lang sila nagsalita at tumingin sa baba.
Den: Ipasok niyo siya! Doon sa kwarto niya! Umayos kayo sa susunod!
Para namang mga batang napapagalitan si Vic at Kim at pumasok sa loob. Hindi nila alam kung saan ang kwarto ni Aly, itatanong sana nila kay Den nang nagsalita si Aly.
Aly: Kulay.... blue....
Nagtaka naman ang dalawa pero may nakita silang kwarto na may kulay blue na pinto samantalang yung isa ay puti lang. Kaya dinala nila si Aly sa kwarto nito. Pinagpalit na rin nila ito ng damit at pinwesto ng maayos sa kama kasi inutos ni Dennise.
Nang matapos sila ay agad naman silang umalis dahil pinagiinitan na talaga sila ni Den.
Nang makalabas na sila...
Den: Tsk! Nasira pa tuloy tulog ko!
Padabog naman itong pumasok sa kwarto niya.
-
Hindi siya makatulog, pakiramdam niya may bumabagabag sa isip niya.
Den: Gusto ko na matulog!!!
At tinakip ang unan sa kanyang mukha pero wala pa rin.
Den: Makainom nga muna ng gatas...
Tumayo siya at lumabas nang kwarto at pupunta sana sa kitchen nang may naririnig siyang boses sa kabilang kwarto na kwarto ni Alyssa. Nagtaka naman siya kaya binuksan niya ang pinto at pinakinggan.
Aly: M-Ma... Wag mo akong i-iwan... Ma... W-Wag... Don't leave me p-please...
Bigla namang nag-alala si Dennise. Mukhang may bangungot ata si Alyssa kaya nilapitan niya ito at tumabi sa kama nito.
Den: Shhh... Alyssa shhh... Don't worry.... Hindi ka nag-iisa shh... Tahan na...
Sabi niya habang niyayakap si Alyssa na umiiyak na dahil sa panaginip.
Aly: Wag niyo akong iwan... Ma...
Den: Shh tahan na... Hindi ka namin iiwan, tahan ka na shh..
Maya maya ay tumigil na rin si Alyssa at napalitan ng hilik ang pagsasalita.
Ang hindi rin niya alam ay nakatulog na rin si Den sa tabi niya.
***