Vic: Gusto mo ba malaman sino crush ko sa mga kaklase natin?
Nagulat naman si Alyssa nang sabihin yun ni Vic. Wala pa siyang kilala sa mga kaklase nila pero curious pa rin siya.
Aly: Sige, sino?
Vic: Kita mo yun? (turo sa isang babae) Siya.
Aly: Si Bang?
Vic: Kilala mo?
Aly: Ah oo. Siya naghatid kay Dennise sa dorm dahil lasing daw.
Kim: Teka, kasama mo sa dorm sino?!
Nalilito naman si Alyssa sa mga reaction nila.
Aly: Uhm, si Dennise?
Kim: Woaaaaaah.. Swerte mo naman dude! Ang dami kayang naghahangad sakanya sa school na to! Kaso sobrang sungit niya! Tyaka Vic, akala ko ba hindi niya hinahayaan na may kasama siya sa dorm?
Vic: Hindi ko din alam eh..
Tinitignan lang ni Alyssa ang dalawa, unsure of what to say. Hindi niya rin kasi maintindihan ang nangyayari.
???: Anong pinag uusapan niyo dito at may malaking question mark sa mukha ni Alyssa?
Nagulat naman ang tatlo nang may nagsalita sa likod nila. At nakitang si Gretchen pala to.
Vic: Dude!!! You're back!!! (sabay yakap kay Gretchen)
Gretch: Ew dude so bromance hahahahaha
Kim: Hala Vic rejected ka! Hahahahaha!
Aly: Teka paano mo ako kilala...?
Gretch: I have my ways, Valdez.
Vic: Hala nanggaling lang sa China naging englishera na si singkit!
Kim: De seryoso nga dude, how do you know her?
Gretch: Well, actually, nakasalubong ko si Sir kanina and winelcome back niya ako and sinabi niya na may bagong student na galing Batangas, her name is Alyssa Valdez.
Vic: (bulong) I have my ways i have my ways ka dyan... Sinabi lang pala sayo. Tss utot mo...
Binatukan naman ni Gretch kaya napa-aray ng malakas si Vic at napatingin ang mga kaklase nila sakanya.
Myco: Uy sakto! The probinsyana squad is complete na! HAHAHAHAHA!
Nagtawanan naman ang mga kaklase nila sakanila samantalang si Alyssa ay nahihiya na nakayuko. Siniko naman siya ni Gretchen kaya napatingin siya dito.
Gretch: Chin up. Hayaan mo ang karma na kumilos sakanila. Mas malala makukuha nila.
Nalilito naman si Alyssa pero pinabayaan niya lang ito.
Napatingin naman siya kay Myco at nakita niyang lumapit ito kay Dennise. At ngayon niya lang napansin na kaklase niya din pala si Dennise.
Aly (thoughts): Baka ayaw niya ako kaya ayaw niya ako makasabay pumasok kanina kasi alam nyang mahirap lang ako at lahat ay iniiwasan ako dahil sa itsura ko...
Myco: Hi Dennise Michelle Lazaro. Soon to be an Antonio.
Kumindat naman si Myco kay Den at binigyan si Den ng kulay pulang rosas. Halos masuka si Alyssa sa nakitang pagkindat ni Myco. Ang panget kasi nito.
Den: Alam mo Myco, burden lang yung mga flowers mo eh, binibigyan mo pa ako ng hahawakan eh ayoko na nga nadadagdagan yung dinadala kong mga gamit ngayon.
ALL: BURNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Siniko ulit ni Gretchen si Alyssa habang tumatawa kaya napatingin ulit ito.