I love bes!

73 4 0
                                    

Pagkarinig ko ng sinabi niya ay parang nahulog ang puso ko. Ngayon ay humagolgol na talaga ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Blair..” sabi ni tanggie na worry na worry sa akin.

“Um-ma-l-lis *sniff* na *sniff* s-si-ya” sabi ko na hindi na naiintindihan.

Niyakap na lang ako ni Tanngie at pinaupo sa upuan malapit sa kinatatyuan namin.

“Blair..tahan na. Babalik din siya.” Sabi ni Tanggie para e cheer up ako.

Hindi na ako nagsalita. Umiiyak lang ako ng umiiyak sa balikat ni Tanggie. Hindi rin naman siya nagreklamo na nabasa ko na ang uniform niya. Alam ni Tanggie kong gaano ko kamahal si France. Si France lang ang nagbibigay sa akin ng energy para pagsikapan ang studies ko. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Ngayon na wala na siya. Hindi ko alam kung magiging top pa ba ako sa klase. Hindi ko na alam kung makakakuha pa ba ako ng medal sa swimming at badminton pati na rin sa academics. Hindi ko na mabibisita ang basketball court kung saan sila nagprapraktis palagi ng mga teamates niya. Bakit kailangan mo pang umalis?

Matapos akong tumahan ay umalis na kami ni Tanggie sa airport at nagpunta ng mall para daw makalimutan ko kahit saglit. Pumayag na rin ako. Ayokong umiyak magdamag sa bahay.

“Ito Blair oh para hindi ka na madehydrate sa kakaiyak mo” inabot niya sa akin ang isang Milk tea.

“Loka-loka! Pero thank you Tanggie ha tinulungan mo pa ako pumunta ng airport. The best ka talaga!” sabi ko sa kanya.

Ang swerte ko na makaibigan si Tanggie.

“That’s what friends are for.”

Saying na panghabang buhay naming hahawakan.

Habang busy kaming natawanan ay may biglang tumawag kay Tanggie.

“Wait lang Blair ha.” Nagnod lang ako bilang sagot.

“Hello Ma. Oo. Sige. Uuwi nako. Bye!” sabi ni Tanggie sa kabilang linya.

“Mama mo?” tanong ko kanya tapos siyang magbye.

“Oo. Blair papauwiin na kasi ako. Dadating kasi si lolo”

“Okay lang ako. Tatawagan ko nalang driver namin. Don’t worry.” Sabi ko sa kanya. Para hindi na siya maworry sa akin.

“Okay. Una nako ha. Ingat ka!” sabi niya tapos sabay beso. At umalis na siya.

Umalis na si Tanggie at naiwan na ako mag-isa dito sa mall. Hindi ko maiwasan na maiyak na naman. Naalala ko kasi ang pag-alis ni France. Hindi man lang ako sinabihan.

“Here.” Boses lalaki na nakaupo ngayon sa iniwang upuan ni tanggie at inabot sa akin ang blue na panyo.

“Thank you.” Kinuha ko pinunasan ang mata ko at lumingon sa kanya.

Nang makita ko na ang mukha niya..May na aalala ako..

First Kiss ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon